Yuka, Bianca at Juvic sa Tokyo Olympics KUMPIRMADO!

0

Ni ANN ENCARNACION

PASOK na sa Tokyo Games sina Filipino ­golf­ers Yuka Saso, Bianca Pagdanganan at Juvic Pagunsan.

Kinumpirma ito mismo ng National Golf Association of the Philippines (NGAP), 42 araw bago ang pagsisimula ng 32nd Olympics.

Sa pahayag ni NGAP Secretary general Bones Floro sa Radyo Pilipinas, kahit wala pang announcement ang International Golf Federation, kaunting torneo na lang ang nalalabi bago ang cut-off kaya’t tiyak nang magkukuwalipika sa Summer Games ang tatlong pambatong ­golfers ng Pilipinas.

“We can safely say, pasok na pasok na sila with the add­ition of Juvic after his win in Japan two weeks ago, though we cannot officially announce it since IGF’s qualifying timeline ends in a couple of weeks,” pag-amin ni Floro.

Mula sa ika-22 ay ­umangat sa No. 9 sa world ranking ang Filipina-Japanese na si Saso matapos magreyna sa U.S. Women’s Open.

Kumpiyansa naman ang NGAP na tataas pa ang ­rankings nina Pagunsan (No. 51) at Pagdanganan (No. 42) bago sumapit ang qualifying timeline para sa men’s ­(Hunyo 21) at women’s (Hunyo 28).

Top 60 sa men’s at ­women’s golf ang magkukuwalipika sa Tokyo Games.

Malaki ang paniniwala ni Floro, deputy secretary ­general din ng Philippine Olympic Committee, may pag-asang manalo sina Saso, Pagdanganan at Pagunsan.

“I can realistically say all our golfers are poised for Olympic podium finishes, medals are within their reach, may solid chance,” aniya.

Ang men’s golf ay magsisimula sa Hulyo 29 hanggang Agosto 1, habang ang women’s event ay sa Agosto 4 hanggang 7, na parehong gaganapin sa Kasumigaseki Country Club.

 
"COMMENT DISCLAIMER: Reader comments posted on this Web site are not in any way endorsed by SAKSI NGAYON. Comments are views by saksingayon.com readers who exercise their right to free expression and they do not necessarily represent or reflect the position or viewpoint of saksingayon.com. While reserving this publication’s right to delete comments that are deemed offensive, indecent or inconsistent with SAKSI NGAYON editorial standards, SAKSI NGAYON may not be held liable for any false information posted by readers in this comments section."

Related posts

Leave a Comment