(NI ROSE PULGAR) IPINATUPAD Martes ng hapon ng Department of Energy (DoE) ang price freeze sa kerosene at Liquefied Petroleum Gas (LPG) sa mga lugar na nasa state of calamity dahil sa lindol. Sa press conference sa tanggapan ng DoE sa Taguig City, sinabi ni DOE undersecretary Felix Fuentebella, na hindi dapat magtaas ang presyo ng kerosene at lpg sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa naganap na malakas na lindol. Ayon kay Fuentebella may price freeze sa mga nasabing produktong petrolyo ang mga lugar…
Read MoreTag: LINDOL
7.1 LINDOL SA SUSUNOD NA ARAW ‘FAKE NEWS’ — PHIVOLCS
(NI ABBY MENDOZA) UMAPELA si Philippine Institute for Volcanology and Seismology (Phivolcs) Director Renato Solidum sa publiko na huwag magpakalat ng fake news. Ito ay sa harap ng pagkalat sa social media na nagbababala na magkakaroon ng 7.1 na lindol sa mga susunod na araw at tatama sa Bulacan, Quezon City, Markina, Pasig, Makati, Taguig, Muntinlupa, Rizal, Cavite at Laguna. Giit ni Solidum, walang makapagsasabi kung kailan mangyayari ang lindol kaya anumang maglalabasang balita na may paparating na lindol ay malinaw na fake news. “Wala pang teknolohiya sa buong mundo…
Read MoreMGA BIKTIMA NG LINDOL, TUTULUNGAN NG PCSO
(NI NICK ECHEVARRIA) HANDANG magbigay ng tulong ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), sa mga Local Government Units (LGUs) at sa bawat pamilya na naapektuhan ng 6.1 magnitude na lindol nitong Lunes sa ilalim ng Calamity Assisstance Program (CAP) nito. Layunin ng hakbang na palawigin ang resources ng mga LGUs sa pagbibigay ng mga pinansiyal na tulong sa bawat indibidwal at sa mga pamilya na tinatamaan ng mga natural at man-made calamities. Ayon sa PCSO, karapatan ng mga LGUs na biktima ng kalamidad na humingi ng tulong sa kanilang tanggapan.…
Read MoreMGA RESIDENTE SA PORAC SA KALSADA NATULOG
(NI DAVE MEDINA) PATULOY na namamahay sa pagkatao ng mga residente ng Porac, Pampanga ang takot sa nangyaring 6.1 magnitude na lindol, Lunes ng hapon, kaya mas pinili pa umano nilang matulog sa kalsada kaysa sa kanilang mga bahay. Mas nakakaramdam umano silang ligtas sa pananatili sa mga daan kaysa magbalik sa mga bahay na mayroong posibilidad na gumuho o magiba laluna kung ikokonsiderang may bahagi ng mall na nagiba gayong apat na taon pa lamang natatapos ito. Ikinukonsiderang pinakamasamang tinamaan ng lindol ang bayan ng Porac sa pagtaya ni National…
Read MoreLRT, MRT TIGIL-BIYAHE MUNA DAHIL SA LINDOL
(NI KEVIN COLLANTES) SUSPENDIDO muna ang mga biyahe ang mga tren ng Light Rail Transit Lines 1 (LRT-1) at 2 (LRT-2), gayundin ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos yanigin ng magnitude 6.1 na lindol ang ilang bahagi ng Luzon, partikular Metro Manila, Lunes ng hapon. Layunin ng tigil-biyahe na matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ng tatlong mass railway system. Naunang nakapagdeklara ng stop operation ang LRT 2 at MRT 3 pagkatapos ng lindol na naganap dakong 5:11 ng hapon habang pasado 6:00 ng gabi naman nang magtigil operasyon ang…
Read MoreSURIGAO DEL NORTE NIYANIG NG 6.2 LINDOL
(NI ABBY MENDOZA) NIYANIG ng 6.2 magnitude ang Surigao del Norte Biyernes ng gabi bagamat walang naitalang pinsala magdudulot naman ito ng mga aftershocks. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) may kalakasan ang lindol na naramdaman din sa ilamg bahagi ng Visayas at Mindanao. Sa talaan ng Phivols, naramdaman ang pagyanig alas 11:06 ng gabi noong Biyernes, may lalim ito na 38 km na tectonic ang pinagmulan at ang sentro ay naitala sa bayan ng Burgos. Sa rekord ng Phivolcs, ang pagyanig ay naramdaman din sa Dinagat island…
Read MoreSARANGGANI NILINDOL MULI
(NI ABBY MENDOZA) ISANG 5.1 magnitude earthquake ang tumama kahapon sa bayan ng Saranggani sa Davao Occidental. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) tectonic ang pinagmulan ng lindol at walang inaasahang aftershocks bagamat may kalakasan ang pagyanig. Sa monitoring ng ahensya alas 9:00 ng umaga nang maramdaman ang lindol na na may lalim na 175km. Sinabi ng Phivolcs na walang pinsalang naitala sa naganap na lindol. Matatandaan na noong nakaraang Enero ay isang 5.9 quake din ang naitala sa nasabing bayan. 254
Read MoreZAMBALES NIYANIG NG 5.2 NA LINDOL
(NI ABBY MENDOZA) ISANG 5.2 magnitude quake ang tumama, Sabado ng tanghali, sa Zambales na tectonic ang pinagmulan. Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seisnology (Phivolcs), alas- 12:14 ng tanghali nang maitala ang lindol na may lalim na 23kms, ang sentro ng lindol ay naramdaman sa San Antonio, Zambales. Ang magnitude 5.2 ay maihahalintulad sa pagdaan ng truck na maaari umanong magdulot ng pagkahilo at pagsusuka. Sa rekord ng Phivolcs ay nakapagtala bg Intensity 2 sa Guagua, Pampanga habang Intensity 1 naman ang narandaman sa Malolos, Bulacan at…
Read MoreIKA-4 NA LINDOL YUMANIG SA SURIGAO DEL NORTE
(NI ABBY MENDOZA) MULING nakapagtala ng 4.3 magnitude na pagyanig sa bayan ng General Luna sa Siargo Island,Surigao del Norte, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs). Ayon aa Phivolcs ang naitalang pagyanig ay ikaapat nang lindol na naitala sa bayan ng General Luna simula noong Biyernes. Sa ngayon ay nagbabala ang Phivolcs ng mga aftershocks resulta ng bahagyang malalakas na pagyanig. Ayon Phivolcs sa alas 12:45 ng madaling araw nang maitala ang 4.3 magnitude na lindol na naramdaman 28 km northeast sa bayan ng General Luna, Siargao Island, Surigao…
Read More