TRIKE DRIVER PATAY SA AMBULANSIYA

CAVITE – Hindi umabot nang buhay sa ospital ang isang 36-anyos na tricycle driver nang banggain ng ambulansiya ng barangay sa Tagaytay City sa lalawigang ito.

Isinugod sa Ospital ng Tagaytay ang biktimang si Freddie Anacay, may asawa, ng Brgy. Kaybagal South, Tagaytay City ngunit idineklarang dead on arrival.

Kinilala naman ang driver ng ambulansiya ng barangay na si Laureano Bayot Jr., 49, may asawa, ng Tagatay City.

Sa ulat ni P/SMsgt. Ariel Banaag ng Tagaytay City Police Station, dakong alas-11:30 ng gabi noong Sabado nang mangyari ang insidente habang binabagtas ng biktima at suspek ang kahabaan ng JP Rizal St., sa Brgy, Kaybagal South ng naturang lungsod.

Minamaneho ng biktima ang tricycle habang ang suspek ay minamaneho ang ambulansiya ng barangay.

Ngunit pagsapit sa nasabing lugar nang banggain ng ambulansiya ang tricycle ng biktima na isinugod sa pagamutan ngunit hindi umabot nang buhay. (SIGFRED ADSUARA)

106

Related posts

Leave a Comment