TIMBOG ang isang 30-anyos na tricycle driver makaraang ireklamo ng panghoholdap ng isang 62-ayos na negosyante sa Tondo, Manila, iniulat ng pulisya.
Kinilala ang arestadong suspek na si Arjhay Ponce y Villacorta alyas “Rolando Ponce Jr.,” 30-anyos, binata, trike driver, ng #753 Int. 32, Raxabago St., Tondo.
Base sa ulat ni P/Major Rosalino Ibay Jr., hepe ng Manila Police District-Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT), bandang alas-3:00 ng hapon nang bibitin ang suspek mula sa Barangay Hall sa Brgy.160, Zone 14 sa Raxabago St., Tondo.
Ayon kay Major Ibay, nagtungo sa kanilang tanggapan sa Manila City Hall-SMaRT, si Mario Torres, negosyante, ng Abad Santos St., Tondo upang magreklamo hinggil sa pagholdap sa kanya sa Tayuman St., malapit sa panulukan ng Dagupan St. sa Tondo noong nakaraang Setyembre 10 ng dakong alas-6:41 ng umaga.
Dahil dito, inutos ni Ibay kay P/Major Cicero Pura at sa mga tauhan nito na magsagawa ng follow-up operation hinggil sa insidente.
Sa tulong ni Barangay Chairman Michael Jordan Castillo ng Brgy.160 Zone 14, ay agad naaresto si Ponce at saka dinala sa barangay hall kung saan ito sinundo ng mga pulis. (RENE CRISOSTOMO)
159
