Cong Pimentel ginagamit ang Kongreso vs kalaban sa pulitika – Densing

MARIING binatikos ni dating Education Undersecretary Epimaco Densing III ang di makatuwirang pagtrato sa kanya sa nakaraang pagdinig ng isang komite ng Kongreso kung saan siya ay pinaratangan ng katiwalian ng isang mambabatas na makakalaban niya sa halalan sa pagka-gobernador ng Surigao del Sur sa 2025.

Magkakatunggali sina Densing at Pimentel sa posisyon ng gobernador ng Surigao del Sur sa halalan ng susunod na taon.

Inakusahan ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel nitong Huwebes si Densing na humingi umano sa mga kongresista ng komisyon na hanggang 18% sa contract price ng school building projects sa kani-kanilang distrito nang siya ay mahirang na USec na namamahala sa pagtatayo ng school buildings.

“Well first of all it’s a blatant lie asking for commission. It is the very reason I’m process-oriented,” diin ni Densing.

Kanya rin binigyan ng linaw na wala siyang kasamang Arch. Ralph Tecson nang makausap nya ang tatlong kongresista na sinabi ni Pimentel na umano’ ipinakilala nyang kanyang kontraktor. “Kaya siya ang sinungaling,” dagdag ng dating opisyal ng DepEd.

Ayon kay Densing, ginagamit ni Pimentel ang House Committee on Good Government and Public Accountability para sa political persecution ng dating DepEd official.

Ipinagkakalat pa ni Pimentel ang kasinungalingan na sinibak daw sa puwesto si Densing samantalang ito ay kusang nagbitiw upang tumakbong gobernador sa Surigao del Sur.

Binantaan pa ng mambabatas na patawan ng contempt si Densing dahil umano sa pagsisinungaling.

“He’s turning the House panel into a kangaroo court. Why can’t he fight me fair and square next elections?” himutok ni Densing.

47

Related posts

Leave a Comment