Hirit na i-disqualify ng Degamo ang kapwa Degamo, inalmahan

UMALMA ang ilang libong residente sa Negros Oriental sa nabalitaan nila at kumakalat sa social media na naglalayon na i-disqualify sa Comelec o maging ‘nuisance’ candidate ang kanilang sinuportahan noong nakaraan sa pagka-gobernardor sa Negros Oriental.

Kumakalat sa Negros Oriental na hiling ni incumbent Gov. Roel Degamo sa COMELEC na i-disqualify ang isang Degamo rin na naghangad din sa posisyon bilang Gobernador ng Negros Oriental upang makahabol pa ng boto laban sa nanalo bilang Gobernador na si Bayawan City Mayor Pryde Henry Teves.

Tumakbo rin sa probinsya ang isang Degamo na kilalang negosyante at isang private contractor na si Ruel Degamo sa naturang probinsya upang pagbigyan ang supporters nito na lumaban at nakakuha ng higit sa 50,000 na boto sa nakalipas na eleksyon.

“Hindi man kami nagwagi, nais naming manindigan sa aming taong pinaniwalaan at hinangad manalo para sa pagbabago. Pero hindi kami manggugulo bagkus ay igagalang ang gusto ng nakakarami, kaya igalang din dapat nilla na pinili naming iboto si Ruel Degamo dahil boto namin yun at hindi dapat manakaw,” pahayag ni Zaldy, 32 gulang mula sa Tayasan na kasapi ng samahan ng Tayasan Fisherfolks.

Ganito din salooobin ng isang malapit na kaibigan ni Ruel Degamo na nasa hanay ng Persons With Disability (PWD), “Kilala ko si Ruel, mabait at malinis na namumuhay sa pinaghirapan kaya siya ang aking ibinoto,” dagdag ni Albert mula sa Bgy. Iniban, Ayungon.

Ayon pa sa ilang supporters ni Ruel Degamo mula sa Youth Org at ibang hanay ng organisasyon sa naturang probinsya, hinihiling nila sa Comelec na ibasura agad, kung may ihahain man si Gob. Degamo upang magkaroon ng saysay ang kanilang boto at huwag silang gawing mang-mang na mga Negrosanon.

Samantala, nanatiling tahimik ang nagwagi na si Governor-elect Henry Teves sa kaguluhan at ayon sa malapit dito, nais ng bagong Gobernador ang mag-focus lang sa pagpapaunlad ng Negros Oriental at nais nitong umpisahan agad sa lalong madaling panahon.

83

Related posts

Leave a Comment