KONTRATA NG DM WENCESLAO SA PRA HINILING BUSISIIN

Dapat maalis ang anumang duda sa kasunduan sa pagitan ng Philippine Reclamation Authority (PRA) at ng R-1 Consortium na kinabibilangan ng DM Wenceslao Corp. para sa Central Bay construction at reclamation project

Kaya naman hiniling ni Congressman Eric Pineda sa kanyang pagsusulong ng House Resolution 1611 na magkaroon ng agarang imbestigasyon sa ilalim ng Committee on Good Government and Public Accountability sa usapin ng “illegal claims” at onerous changes to the government contract.

Una nang pumalag ang DM Wenceslao sa hirit na imbestigasyon ng kongresista sa pagsasabing hindi pa nga sila bayad sa proyekto sa Manila Bay na natapos noon pang 2008.

Sinabi ng Kongresista na may mga akusasyon ng kadudadudang pagbabago sa kontrata sa pagitan ng PRA at ng R-1 Consortium na hindi pabor sa pamahalaan.

Kabilang na rito ang paghingi ng nasabing grupo na makuha nila bilang kabayaran ang bahagi nang lupa na kanilang isinailalim sa reclamation.

Hiling ni Cong. Pineda kay President elect Bongbong Marcos na ipasuri ang kasunduan dahil baka may nalabag sa itinatakda ng konstitusyon.

77

Related posts

Leave a Comment