MAYOR PAREDES WANTED SA KASONG CHILD ABUSE

Naglabas ng Warrant of Arrest kamakailan si Judge Anthony B. Fama ng RTC Branch 277 ng Mandaluyong City para kay Mayor Bernardo “Totie” Paredes ng Cavite City kaugnay sa kasong Child Abuse.

Ayon sa abogado ng biktima, masaya ang magulang ng bata dahil bahagya ng umusad ang katarungan sa isang menor de edad na minolestiya at ginahasa umano ng isang alkalde sa lalawigan ng Cavite. “Sa kabila ng pananakot at mga bantang pagpatay sa aming pamilya ay naninindigan pa rin kami sa kasong ito dahil naniniwala pa rin kami sa hustisya na may katarungan pa rin na naghihintay sa mahihirap na kagaya naming,” ani ng ina ng biktima.

Maluha-luha sa katuwaan na tinanggap ng biktimang tinago sa pangalang Lovie ang balitang lumabas na umano ang warrant of arrest ni Cavite City Mayor Bernardo Totie Paredes para sa mga kasong child abuse, child exploitation at discrimination act na may kaugnayan sa Republic Act 7610.

Ayon sa mandamyento de aresto na ipinalabas ng sala ni Judge Anthony B. Fama ng Branch 277 ng Mandaluyong City, ipinaaarresto sa lahat ng sangay ng otoridad ang nabanggit na mayor na may kaukulang piyansa na P.2-M.

Matatandaan na nag-ugat ang pagpapa-aresto kay Paredes sa reklamong isinampa ng biktima sa ginawa nitong paulit-ulit na panggagahasa sa kanya sa kabila ng pakiusap at pagmamakaawa ng biktima. Ayon sa sinumpaang salaysay ng biktima, walong beses umano syang pinagsamantalahan ng mayor dahil sa pananakot na kung hindi siya papayag ay muling ipapakulong ang kanyang ina.

At nang hindi nya matagalan ang pang-aabuso ni Mayor Paredes ay pilit nya na itong iniiwasan at tinataguan, ngunit pinagbabantaan umano sya na papatayin ang kanyang mga magulang. Samantala, umaasa naman ang mga tagasuporta ng biktima na kinabibilangan ng Gabriela at samahan ng OFW na lalabas pa ang isa pang warrant of arrest kaugnay naman ng kasong rape na walang kaukulang piyansa.

231

Related posts

Leave a Comment