ROMERO: NCR ECONOMY DAPAT NG BUKSAN

Tinutulak ngayon ni House Deputy Speaker at 1Pacman Party-list Rep. Mikee Romero ang todong pagbubukas ng mga negosyo sa National Capital Region (NCR).

Hinimok nito ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagan ng buksan ang mga negosyo at establisimento sa Metro Manila sa mga fully vaccinated na mamamayan.

“Ngayong higit ng 80% na ang mga bakunado na indibidwal sa NCR, we need now to open our domestic economy to its full scale,” pahayag ni Romero na kilala sa pagiging matagumpay sa larangan ng negosyo

Sinabi din nito na maaring ihalintulad o gawin modelo ng IATF and Estados Unido (US).

“Back-to-normal life is now possible. Ganito ang ginagawa ng US ngayon at malaki ang magiging tulong nito sa ekonomiya ng bansa,” paliwanag nito.

Ayon sa IATF, sa talaan noong Oktubre 28, nasa 9,374,416 milyon na indibwal o 95.89% na ng populasyon sa NCR ang nakatanggap ng first dose ng COVID-19 vaccine at 8,498,986 o 86.9% naman ang bakunado na.

“Ang vaccination cards ang magiging tila passport ng mga fully vaccinated na tao para makapasok sa mga establisimento. At tulad sa US, ipatupad din ang ‘No vaccination card, no entry’,” pagtatapos ni Romero.

66

Related posts

Leave a Comment