WANTED SA RAPE NALAMBAT

ZAMBOANGA Sibugay – Natimbog ng pulisya ang top 9 most wanted person sa lungsod sa manhunt operations sa Purok Sampaguita, Barangay Poblacion, sa bayan ng Imelda sa lalawigang ito, noong Sabado.

Sa bisa ng warrant of arrest na may Criminal Case No. 23497-99, na inisyu ni Judge Antonio Lubao ng Branch 22, 11th Judicial Region ng Regional Trial Court, matagumpay na naaresto ang suspek na si Jaime Languido Balmera, 34-anyos, naninirahan sa nabanggit na lugar.

Nagsanib-pwersa ang mga tauhan ng Police Station 4 ng General Santos City Police Office, Imelda Municipal Police Station at Zamboanga Sibugay Provincial Police Office sa naturang operasyon upang tuluyang madakip ang suspek.

Ayon kay Police Captain Brent Salazar, hepe ng Police Station 4, mahigit pitong taong nagtago ang suspek sa panggagahasa sa isang ‘mentally challenged’ o may kapansanan sa pag-iisip na babae na nangyari sa Johnny Ang, Barangay City Heights noong 2013.

Kasalukuyang nakakulong na ang suspek at hinihintay na lamang ang commitment order para ilipat sa General Santos City Reformatory Center. (BONG PAULO)

156

Related posts

Leave a Comment