MDC 3X3 HUMAHATAW

3-ON-3

OVERTYM-2UMUSBONG ang isa na namang organisasyon na tiyak na makahuhubog ng mga kabataang basketbolista sa bansa.

Matatag na umaarangkada sa kasalukuyan ang MDC 3×3 basketball tournament na itinatag noong nakaraang taon lang.

Bagama’t bago sa pandinig ang MDC 3×3 na isinakatuparan noong Oktubre 2019, inamin ng founder na si Maricel Diaz Clemente na target lamang ng kanilang grupo na magtayo at makibahagi sa grassroots program na matagal nang pinagkakaabalahan ng iba’t ibang sports officials sa Pinas.

Dahil usung-uso at kinagigiliwan  ng mga mahihilig na kabataan sa basketball ang 3×3 tournament kaya’t naisipan ni Maricel na buuin ang programang ito para sa kapakinabangan ng iba pang manlalaro na nais maibahagi ang kanilang talento sa sports na ito.

Ilang buwan pa lamang itong nagsisimula ngunit mabilis ang pag-angat ng torneo kung saan humahataw na ang mga laro ng MDC 3×3 basketball sa Roxas City, Bacolod, Iloilo, Palawan, Negros, Baguio, Pangasinan, Quezon City, Las pinas, Sta.Lucia, Lucena, Iligan, CdO, Cabanatuan, Cavite, Leyte at Butuan.

Mayroong bracket ang MDC 3×3 basketball tournament na tulad ng 10 Under born 2009, 12 U born 2007, 15 U born 2004, 18 U born 2001 sa boys, at 18 U born 2001, 21 U born 1998 na open namam sa mga kababaihan.

Ang mga magkakampeon sa bawat lugar ay magtatagpo sa National Finals na gaganapin sa Marikina Sports Complex sa Mayo 11.

Ang MDC 3×3 basketball tournament ay binubuo nina Maricel Diaz Clemente, president at Jessica Diaz Clemente, vice pres. ng MDC Sports Inc., Tobee Diaz Clemente, vice. pres. ng MDC 3×3 basketball, at coach Goy Bagares, siya rin MDC 3×3 basketball operation at sports operation head.

Sa inyong lahat na bumubuo sa MDC, makakaasa kayo na kaisa nyo ang Obertaym sa inyong magandang mithiin. Mabuhay po kayo!

oOo

Nakatuon sa mga bigating proyekto ang Games and Amusement Board (GAB) at ito ang patuloy na pakatututukan ni hard-working chairman Abraham “Baham”Mitra para sa 2020.

Ilalahad ni Chair Baham ang mga nakanay na programa ng GAB sa pagbubukas ng ika-51 edisyon ngayong 2020 ng Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) “Usapang Sports” sa National Press Club sa Intramuros,  Manila.

Ibabahagi ni Mitra ang kanilang mga plano para sa ‘government supervisory agency’ sa professional sports sa public service program na iniisponsoran ng Philippine Sports Commission, National Press Club,  PAGCOR, Community Basketball Association at HG Guyabano Tea Leaf Drinks.

Ang TOPS “Usapang Sports” ay magsisimula sa ganap na alas-10:00 ngayong umaga ay mapapanood ng live sa Facebook via Glitter Livestream.

Ang TOPS ay kinabibilangan ng mga mamamahayag sa isports ng mga pangunahing tabloid sa Pilipinas. (OBERTAYM / Ni Dennis Inigo)

Please follow and like us:
Read More

PROFITEERING VS STORE OWNERS

NAGSIMULA nang sampahan ng kasong profiteering  ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga medical supply stores na nabuking nito na nag-over price sa pagbebenta ng face mask.

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DTI Usec Ruth Castelo na nakapag-isyu na sila ng notice of violation sa labindalawa sa labing pitong medical supply stores na naikutan nila kahapon sa area ng Bambang sa Maynila.

Lumalabas aniya na lima lamang sa labing pito ang hindi nila nakitaan ng paglabag na pasok sa kasong profiteering.

Sa nasabing kaso, maaaring mapatawan ang mga violator ng parusang pagbabayad ng mula 5 libong piso hanggang dalawang milyong piso.

Nang matanong naman  si Usec Eric Domingo ng DOH kung magkano ang price range ng face mask, sinabi nitong ito ay naglalaro sa 45 to 100 pesos lamang na malayong-malayo sa mga unang ulat na pumalo ito ng hanggang 3 daang piso kada isa. Yung P45 to P100, depende aniya sa brand.

Matibay aniya ang ebidensiya nila na higit sa 20 percent ang patong na nakita sa presyo ng face mask sa gitna ng kalamidad.

Kasabay nito ay hinikayat din ng DTI ang publiko na iparating ang anomang sumbong na may kinalaman sa overpricing sa pamamagitan ng kanilang hotline na 1438.

Imoral kayo!

Imoral ang mga negosyanteng nagsasamantala sa mga biktima ng pagsabog ng Taal Volcano lalo na ang mga nagbebenta ng face mask at medisina nang mas mahal na presyo.

Ito ang pahayag ni dating Health secretary at ngayo’y Iloilo Rep. Janette Garin kaugnay sa mga ulat na nagsasamantala umano ang ilang negosyante para lumaki ang kanilang kita imbes na tumulong sa mga biktima.

Kasabay nito, umapela rin si Garin sa mga mapagsamantala na huwag nakawan ang mga biktima ng Taal Volcano upang hindi madagdagan ang pagdurusa ng mga ito sa trahedyang inabot nila.

“Sa ating mga kababayan, huwag po pagsamantalahan ang mga biktima ng trahedyang ito. Huwag nakawan ang mga biktima ng pagsabog ng bulkan at ng mga lindol,” ani Garin.

Ilang bayan sa paligid ng Taal Volcano ang lumikas at iniwan ang kanilang kabahayan at kabuhayan kaya nangangamba ang mambabatas na may magsasamantala upang makapagnakaw kahit binabantayan ng mga pulis ang mga lugar na nilisan. (CHRISTIAN  DALE, BERNARD TAGUINOD)

Please follow and like us:
Read More

DAHIL SA PAGSABOG NAKANSELA O POSTPONED ANG SHOWBIZ HAPPENINGS

GORGY GULA -SWAK-SEESWAK: Hindi na itinuloy ang premiere night ng pelikulang Mia nung nakaraang Lunes dahil sa pagputok ng Taal Volcano.

Ang daming showbiz events ang di na muna itinuloy dahil sa mas nakatutok ang mga tao sa nangyari sa Batangas at mga malalapit na bayan.

Hindi na itinuloy ang premiere night ng pelikulang Mia nina Coleen Garcia at Edgar Allan Guzman.

Ngayong araw na lang daw kasabay ng showing nito na kung saan libreng mapapanood ng mga babaeng may pangalang Mia.

Pati ang red carpet screening ng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson na gaganapin dapat sa Gateway ay ipinagpaliban na rin muna.

Dapat ay magsisimula na ring mag-promote sina Julia Barretto at Joshua Garcia ng pelikula nilang Block Z, pero nakatutok pa rin ang mga tao sa pagputok ng bulkan.

Kaya tila nag-swak naman ang ganitong kalamidad sa matagal nang project na ipu-promote na dapat nina Gerald (para sa A Soldier’s Heart) at si Julia, para naman sa Block Z.

Ano kaya ang senyales nito?

NASA BAGUIO CITY NANG SUMABOG ANG BULKANG TAAL

REP VILMA SANTOSSEE: Nasa Baguio pala si Cong. Vilma Santos-Recto nung pumutok ang bulkang Taal.

Doon daw nila sinilebrayt ang kaarawan ni Sen. Ralph Recto, kaya sa halip na magtatagal pa sila roon, bumaba agad sila ng Maynila para makipag-coordinate sa mga tao niya na ayusin ang evacuation center sa Lipa, Batangas.

“Sa totoo lang nasa Baguio kasi nag-celebrate kami ng birthday ni Sen. Doon. Tamang-tama, January 11, 12 pumutok ang Taal Volcano. So, umuwi rin kami right away.

“Nang nalaman namin yun, naka-monitor din kami sa mga nangyayari. Siyempre, may mga tao rin kami, mga  staff na yung emergency time na kailangang-kailangan muna…yung mga pagkain, kung ano muna yung mga kailangan yun muna  ang binigyan natin ng prayoridad,” pahayag ni Cong. Vi nang nakapanayam namin nung kamakalawa ng gabi sa programa naming Showbiz Talk Ganern.

Nung kasagsagan kasi nang pagtutok sa nangyayari sa Batangas, marami ang nagtatanong kung nasaan si Cong. Vi.

Congresswoman na kasi siya ng lone district ng Lipa, ang 6th district ng Batangas, kaya doon siya naka-focus sa evacuation para mailikas ang mga taong malapit sa Taal.

Hindi kasi siya yung tipong nagpabida dahil nasa Governor iyun at Vice Governor na nagtatrabaho nito.

“Ang trabaho ko po ngayon ay isang Congresswoman sa lone district sa 6th district ng Lipa City.

“May governor ho tayo ngayon na hindi naman po bumibitaw sa pagtulong, walang iba kundi si Gov. Dodo Mandanas.

“Nagpa-meeting nga po siya at siguraduhin din na magkaroon ng sistema ang pagtulong niya sa buong lalawigan at higit sa lahat, doon po sa naging biktima ng pagsabog po ng Taal Volcano.

“Si Gov. Dodo Mandanas, nagtatrabaho po at hindi po tumitigil sa pagtulong at ganun din po si Vice Gov. Mark Leviste at atin din pong board members diyan sa pronvincial government,” dagdag na pahayag ni Cong. Vi.

AOSWAGI SA RATINGS MGA KAPUSO SHOWS

SWAK: Maganda ang pasok ng mga programa ng GMA 7 ngayong 2020, dahil karamihan nito ay nag-rate.

Sa New year countdown pa lang ay tinalo na nito ang sa Kapamilya network, at halos lahat na mga afternoon drama nito ay wagi rin.

Panalo rin sa ratings ang pagsisimula ng All Out Sundays, at sa pangalawa rin ay nakadikit na nito ang ASAP Natin ‘To, pero lamang pa rin sila.

Sa AGB NUTAM, nakakuha ng 5.3 percent ang All-Out Sundays at 5.2 percent naman ang ASAP.

Nanalo ang kasunod na programa ng Kapamilya network na Banana Sundae na 5.3 percent at 4.6 percent ang Dear Uge. Panalo rin ang FPJ on ABS-CBN na 6.9 percent at 4.5 percent lang ang GMA Blockbuster.

Pero pagdating sa gabi, wagi rin ang Amazing Earth na 9.6 percent at 8.4 percent lang ang Your Moment. Pati ang Daig Kayo ng Lola Ko ay naka-10.5 percent at 5.6 percent lamang ang The Haunted.

As expected winner pa rin nang bonggang-bongga ang Kapuso Mo Jessica Soho na may 16.8 percent versus 3.5 percent lang ang Kapamilya Blockbuster.

Wagi rin ang birthday episode ni Super Tekla sa The Boobay and Tekla Show na naka-4.6 percent at 4.4 percent ang Gandang Gabi Vice.

BAKLUSK KULUKADIDANG NI HUNK ACTOR

SEE: Dagdag na tsika sa kuwento ng mayamang bading at ng hunk actor.

Kuwento ng aming source, kaya raw pala napuno na si mayamang bading sa mga ginagawa ni hunk actor dahil hindi naman daw babae ang dahilan kundi isa ring bading.

Ang sinasabi raw kasi ng kampo ni hunk actor, girl daw ang kasama nito na nagbakasyon sa ibang bansa.

Nakumpirma ni mayamang bading na hindi naman pala babae ang kasama kundi isa ring mayamang bading.

Kaya binawi na raw ang tatlong motor at tatlong kotseng naibigay sa kanya.

Dapat ay pati ang mamahaling relo pero wala na raw kasing ibang relong suot si hunk actor, kaya iniwan na lang ang relo na mamahalin din.

Please follow and like us:
Read More

NUTAM/AGB AT KANTAR MEDIA NAGKASUNDO: KAPUSO MO, JESSICA SOHO ‘PAG WEEKEND, ANG PROBINSIYA ‘PAG WEEKDAYS

oleaSa ratings ng Kantar Media, wagi ang karamihan sa Kapamilya shows. Sa NUTAM/AGB Nielsen, panalo ang karamihan sa Kapuso programs.

Pero may mga palabas na “nagkakasundo” sila kung alin ang umaariba. Kung Linggo, madalas na kampeon ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kung weekdays, #1 ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Kaya walang kuwestiyon na siya ang kasalukuyang Hari ng Telebisyon.

Winnie Santos ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos nang magtapos, ganoon din ang pumalit ditong Make It With You na tampok ang LizQuen.

Sa tagal ng Kadenang Ginto, lumaylay ang istorya nito, at patuloy nang kinakabog ng Prima Donnas kung saan lucky charm si Aiko Melendez.

Aba! Dedicated naman talaga si Aiko sa kanyang teleserye. Matuk Astorga, hindi siya nagtagal sa golden birthday party ni Ogie Diaz noong January 5, Sunday dahil may taping siya kinabukasan.

At dahil umaarangkada ang Prima Donnas, natutulungan nito ang kasunod na GMA teledrama na Magkaagaw. May mga hapon na pinapataob ng Magkaagaw ang Sandugo.

Nagsi-see saw rin ang kabugan ng Gandang Gabi, Vice at The Boobay and Tekla Show.

Kaabang-abang ang Pinoy version ng Descendants of the Sun (DOTS), na pagbibidahan ng prime stars ng GMA na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Wagi sa ratings sa South Korea ang orig na DOTS, at expectorant ang marami na magpapakitang-gilas din ang Pinoy version nito.

PERSPEKTIBO AT KONTEKSTO ANG KAILANGAN

The Last Temptation of ChristWalang katapusan ang debate kung ang paksa ay relihiyon at pulitika. Parang pagtatalo iyon ng dalawang panig kung alin ang nauna, ang itlog o ang manok.

Lumikha ng munting kontrobersya ang Netflix comedy film na The Last Temptation of Christ. Kakabit ng diskusyon dito ang nobela at pelikulang The Last Temptation of Christ, maging ang nobela at pelikulang The Da Vinci Code, na pawang kontrobersyal.

Kailangan ng context at perspective sa paghihimay ng The First Temptation of Christ, kaya dapat napanood din ang pelikulang The Last Hangover from the group na nagprodyus niyon.

Sa balitaktakan ng pananampalataya, mapapanood din sa Netflix ang Bollywood film na PK, at ang pinakabago ay ang first season ng series na Messiah.

Maalab ang balitaktakan sa Messiah, sa pagiging cerebral ba o manipulative nito, kung relevant ba ito sa mga kaganapan ngayon sa mundo. Far fetched man ay maikokonek dito ang pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa panahon ngayon, paano ba natin haharapin kung may dumating na Mensahero ng Panginoong Diyos? Basta-basta ba tayo mananalig sa mga himala?

SINO ANG ‘DI TRUSTWORTHY KINA GANDARANG NEGOSYANTE AT BETERANANG AKTRES?

Nag-post ang isang kilalang aktor sa socmed tungkol sa “trust” issue. Aba! Naikonek agad iyon ng marami sa pinagdadaanan ng dalawang kilalang aktres.

Hello?! Basta-basta lang ba ang sasawsaw si kilalang aktor sa misunderstanding ng dalawang aktres, Tito KCG?!

Of course not. Ang “trust” issue na iyon ay walang kinalaman sa tampuhang pururot ng dalawang aktres. Syempre, disconnected din iyon sa condom.

Ang usapin ng pagtitiwala ay kaugnay sa isang beteranang character actress, at sa relasyon nito sa isang gandarang negosyante.

Nawarat ang naturang samahan bago pa mag-Pasko.

Samantalang iyong usapin ng dalawang kilalang aktres ay pumutok makalipas ang Bagong Taon.

Nagsasanga-sanga tuloy ang intriga. Lalong nagiging masalimuot. Pero pasasaan ba’t magkakalinawan din. Lulutang at lulutang ang totoo.

MOVE ON NA ANG MGA SALAWAHANG COUPLE

Expectorant tayo sa paghihiwalay ng gandarang aktres-aktresan at pogilicious personality. Hindi iyan nakakagulat.

Noong yumanig ang isyung nakipagtikiman ang gandarang aktres-aktresan sa co-star nitong hunk actor na may dyowang premyadong aktres, tahimik lang ang pogilicious personality.

Hindi hiniwalayan ni pogilicious personality ang gandarang aktres-aktresan, bagkus ay buo ang suporta niya rito.

Eh kasi naman, sanay si pogilicious personality sa extra-curricular activity. May bunga at ebidensya ang pagiging mapusok ni pogilicious personality, at nang nabunyag iyon ay sinuportahan naman siya ni gandarang aktres-aktresan.

Sipag-sipagan si gandarang aktres-aktresan at todo kayod sa kung anu-anong karaketan, samantalang si pogilicious personality ay tila naging palam.

Palam as in palamunin, dahil ang career ay malamlam. Ikinawindang ni gandarang aktres-aktresan nang matuklasan niya ang pagtataksil ni pogilicious personality. Hindi iyon masikmura ni gandarang aktres-aktresan, kaya nag-alburoto siya hanggang Alert Level 4, at nagbuga ng nagbabagang mga salita at tungayaw kay pogilicious personality.

Nagkasumbatan sila at nagsaulian ng kandila.

Matapos bumugalwak ang kanilang tinimping ngitngit, kapwa sila naging payapa. Nagkasundo sila na mag-move on na lang, kesa maglabasan pa ng bantot at putik sa madla. (PROOOF / JERRY OLEA)

Please follow and like us:
Read More

YAM, AYAW NANG BALIKAN ANG PAGPAPASEKSI SA PELIKULA

Kabi-kabila ang ginagawang proyekto ni Yam Concepcion ngayong 2020. Bukod sa teleseryeng Love Thy Woman na pinagbibidahan nina Kim Chiu at Xian Lim ay magbibida rin ang aktres sa horror film na Night Shift na ipalalabas naman sa mga sinehan sa January 22. Malaki ang pasasalamat ni Yam dahil maganda ang naging pasok sa kanya ng bagong taon. “Ang hirap kasi maging choosy. Wala pa ako doon sa level na ‘yon para mamili ako ng mga roles. Sa akin lang, basta maganda at interesado ako at tingin ko mabibigay ko ang one hundred percent ko, then tatanggapin ko,” nakangiting pahayag ni Yam.

 Matatandaan na sa pagpapaseksi nagsimula noon ang aktres sa ilang mga pelikulang nagawa. Ayon kay Yam ay hindi na niya gagawing muli ang mga maseselan na eksenang mga nagawa niya noon. Sa halip ay gusto na lamang daw patunayan ng dalaga na isa siyang magaling na aktres sa telebisyon at maging sa pelikula. “Everything happens for a reason. Sa mga projects ko ngayon siguro nagbigay daan sa akin ‘yung mga ‘yon kung nasaan na ako ngayon. Learning experience na lang siya. Tapos na ako doon, nagsimula ako doon at hindi ko ikinakahiya ‘yon. I’ve done a sexy-drama before and I’m done with it. Kasi noong time na ‘yon nagsisimula pa lang ako eh. Wala akong idea kung ano ba talaga ang nangyayari sa industriyang ito. So I really don’t have an idea. Tinanggap ko ‘yung gano’ng mga projects noon kasi I trusted my management sa career path na gusto nila para sa akin. Naniniwala ako na naging mabuti ang lahat nang iyon para sa akin,” paliwanag niya.

 With reports from J.C.C. (BOY ABUNDA X-CLUSIVES)

Please follow and like us:
Read More

PINOY BOXING TEAM PALABAN SA CHINA

PH BOXING

Kahit may virus outbreak pa

HINDI mapipigilan ng pneumonia outbreak sa China ang mga boksingerong Pinoy sa paghahangad na makasungkit ng maraming tiket sa 2020 Tokyo Olympics.

Ayon sa Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP), palaban ang national boxing team kahit saan, kahit pa may pneumonia outbreak sa Wuhan, nasabing bansa.

Ito ang tiniyak ni ABAP Secretary General Ed Picson sa pagdalo niya sa lingguhang Philippine Sports-writers Association (PSA) forum kahapon.

Iginiit ni Picson, mismong International Olympic Committee (IOC) at World Health Organization (WHO) na ang nagpahayag na walang dapat ikabahala ang mga pupunta sa  Wuhan.

Sa ngayon ay nasa training camp sa Thailand ang Philippine boxing team kung saan nagsasanay sila ng husto para sa nalalapit na pagsabak sa Olympic qualifiers.

Umalis Linggo ng gabi ang national boxing team patungong Bangkok para sa dalawang linggong training camp na pinamumunuan ni World Championship silver medalist at three-time Southeast Asian Games champion Eumir Felix Marcial (middleweight), SEA Games gold medallists Carlo Paalam (light fly-weight), Rogen Ladon (flyweight) at James Palicte (light welterweight).

Sasanayin din sina Marjon Pianar (welterweight) at Ian Clark Bautista (bantamweight) sa ilalim nina na-tional team coach Ronald Chavez at Roel Velasco, at Australian consultant Don Abett.

Matapos ang training camp ay didiretso ang Pinoy boxers sa dalawang Olympic qualifiers upang ma-kasungkit ng mga tiket sa kada apat na taong torneo.

Gaganapin ang 2020 Asia-Oceania Olympic qualifying tournament sa Pebrero 3 hanggang 14 sa Wuhan, China habang ang isa pang Olympic qualifying event ay gaganapin sa Paris, France.   (ANN ENCAR-NACION)

Please follow and like us:
Read More

BAGONG COACH NG GILAS, ISINIWALAT

Mark Dickel

MAYROON nang coach ang Gilas Pilipinas para sa first window ng qualifiers para 2021 Fiba Asia Cup.

Bagama’t wala pang pormal na pahayag ang Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP), lumabas na sa offi-cial website ng Fiba ang pangalan ng bagong coach ng Gilas, si TNT active consultant Mark Dickel.

Ayon pa sa Fiba website, tatayong assistant coach niya si Sandy Arespacochaga, kasama si Serbian mentor Nenad Trunic.

Ang mga nabanggit ang hahawak sa Philippine team para sa first window ng qualifiers para sa 2021 Fiba Asia Cup.

Ang Aussie-Kiwi na si Dickel ang tumatayong coach ng KaTropa simula nang umalis si coach Nash Racela noong 2018.

Si Arespacochaga naman ang head coach ng Gilas Youth team, at assistant coach para sa seniors team maging sa TNT at Ateneo.

Habang si Trunic ay dating technical director, coordinator of coaching staff at manager ng training tech-nology para sa youth program ng Iran.

Nauna nang sinabi ni SBP president Al Panlilio na ang hahawak sa Gilas para sa February window, kon-tra Thailand (Feb. 20) at Indonesia (Feb. 23), ay interim basis o pansamantala lang habang naghahanap pa sila ng full-time coach para sa mga susunod na “series of games” sa November.

Please follow and like us:
Read More

GINEBRA KAKATOK SA KAMPEONATO

GINEBRA-8

IUWI ang ikatlong panalo at lumapit sa titulo ang misyon ngayong gabi ng Barangay Ginebra sa sagupaan nila ng Meralco Bolts sa Game 4 ng kanilang best-of-seven series ng 2019 PBA Governor’s Cup Finals sa Smart Araneta Coliseum.

Inaasahang sasamantalahing muli ng Gin Kings ang pagkapilay ng Bolts na hanggang sa isinusulat ang balitang ito ay wala pang kasiguruhan kung makapaglalaro ang kanilang big man na si Raymond Alma-zan.

Magugunita na nagkaroon ng injury sa tuhod si Almazan ilang minuto pa lang sa first quarter ng Game 3, dahilan para ilabas sya at hindi na nakabalik sa laro.

Bunsod nito ay magaang na tinalo ng Ginebra ang Meralco, 92-84, at ngayon ay lamang na sa serye, 2-1.

Ganap na alas-7 ngayon gabi ay pipilitin ng Gins na itarak ang krusyal na 3-1 abante para mas mapalapit sa hinahangad na mabawi ang nabitawang third conference crown.

Tiyak na sasandigang muli ng crowd-favorite Ginebra si Japeth Aguilar na patuloy sa pag-akyat bilang isa sa mga pangunahing shot blockers of all time ng liga.

Itinala ng Ginebra big man ang personal finals record na pitong block shots sa kanilang panalo noong Linggo upang muling tanghalin na Best Player of the Game.

“That’s one of his greatest skills, I think. He’s got great timing, he gets off the floor so quick and of course, he’s so long you think you have the shot off and he comes out of nowhere and does that,” papuri ni Gins coach Tim Cone.

Tuwang-tuwa naman ang Barangay Ginebra fans, na bahagi ng 16,001 crowd na nakapanood sa “Japeth Aguilar” show sa Big Dome, lalo’t lamang na sa serye ang Gin Kings.  (ANN ENCARNACION)

Please follow and like us:
Read More

ALOK NG SOLON SA NAGREKLAMO NG RAPE VS. ‘SON OF GOD’: COUNSELLING SA ‘BIKTIMA’ NI QUIBOLOY

Rep Arlene Brosas-4

HINDI lang suporta upang lumantad at maghain ng reklamo ang alok ng Gabriela Party-list sa sinomang rape victim kabilang ang dalagang nagreklamo laban kay Pastor Apollo Quiboloy, pinuno ng Kingdom of Jesus Christ.

Ayon sa grupo, kailangan ding sumailalim sa counselling ang mga biktima ng rape.

Sa panayam ng PeryodikoFilipino Inc. (PFI) kay Cong. Arlene Brosas, bilang kinatawan ng kababaihan sa mababang kapulungan ng Kongreso ay sinabi niyang buong-buo ang kanilang suporta sa laban ng biktimang itinago sa pangalang Brenda laban kay Quiboloy.

Tiniyak din ng mambabatas na tututukan nila ang kasong isinampa ni Brenda sa National Prosecution Service Office of the City Prosecutor sa

Davao City, Davao del Sur laban kay Quiboloy, self-proclaimed ‘Son of God’.

Sa reklamo ng 21-anyos na si  Brenda, naganap umano ang panggagahasa sa kanya ni Quiboloy noong Setyembre 1, 2014 sa loob ng compound ng Jose Maria College dakong ala-1 ng madaling-araw. Labing pitong taong gulang pa lamang siya noon.

Pinangakuan umano ni Quiboloy ang biktima na pag-aaralin at dadalhin sa iba’t ibang lugar kung susundin palagi ang utos ng sinasabing “Almighty Father” o “Father’s Will”.

Bukod sa sekswal na pang-aabuso, inireklamo rin ng dalaga ang limang iba pa na sina Jackielyn Roy, Cresente Canada, Pauline Canada, Ingrid Canada at Sylvia Cemanes sa pang-aabusong sinapit niya habang nagsisilbing ‘fulltime miracle worker’ sa simbahan sa edad na 12-anyos.

Kasabay nito, hinikayat ni Brosas si Brenda na makipag-ugnayan sa kanilang tanggapan upang maibigay ang mga nararapat na ayuda sa kanya.

Ayon sa mambabatas, ang kagustuhang ganap na matulungan ang mga biktima ng pang-aabuso ang nagtulak sa kanila upang amyendahan ang kasalukuyang batas at lalo pa itong palawakin.

Aniya, maraming kababaihan na biktima ng pang-aabuso ang hindi lumulutang sa maraming kadahilanan.

Kabilang sa mga ito ay ang kawalan ng lakas ng loob, kilala o malaking tao ang nang-abuso, kahihiyan at marami pang iba.

“Hindi ibig sabihin na nananahimik at hindi nagrereklamo ang biktima ay hindi na rape ang nangyayari, basta labag sa kanyang kagustuhan ay maituturing itong pang-aabuso,” dagdag pa ni Brosas.

Sa kabila nito, kinakailangan aniyang lumutang ang mga biktima ng pang-aabuso para mabigyan sila ng hustisya at maipakulong ang mga may sala.

“Mas maraming biktimang lumutang ay mas malakas ang kaso laban sa mga nang-aabuso,” pahayag ni Brosas.

Kaya naman binuksan ng mambabatas ang kanilang opisina sa #25 K10th, Brgy. West Kamias, Quezon City sa lahat ng kababaihan na biktima ng pang-aabuso.

Ayon pa sa mambabatas, handa silang tumulong sa kababaihang biktima ng pang-aabuso maging ordinaryo o opisyal man ng gobyerno ang gumawa nito. Sinabi pa niya na bagamat mabigat na ang kaparusahan sa mga nang-aabuso sa kababaihan ay mas palalawakin pa nila ang sakop  ng batas para mabigyang hustisya ang mga biktima. (JOEL O. AMONGO)

Please follow and like us:
Read More