PAGBIBIGAY NG HIWALAY NA INSENTIBO KAY HIDILYN, IKINUKONSIDERA NG SENADO

0

PINAG-AARALAN na ng Senado ang pagbibigay ng hiwalay na insentibo kay Olympic Gold Medalist Hidilyn Diaz.

Sinabi ni Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III na pinag-aaralan na ng kanilang tanggapan kung magkano ang maaaring ibigay kay Diaz.

Kasabay nito, ipinasa ng Senado ang mga Resolutions na nagbibigay pagkilala kay Air Force Sergeant Hidilyn Diaz dahil sa pagsungkit ng unang gold medal para sa bansa sa Olympics.
Kasama sa inadopt ng Senado ang Senate Resolution Nos. 793, 794, 795, 796, 797, 798, 799, 800, 801, 802, 803, 804 at 805 na inihain nina Sotto at Senators Juan Miguel Zubiri, Bong Go, Bong Revilla, Risa Hontiveros, Franklin Drilon, Lito Lapid, Nancy Binay, Richard Gordon, Imee Marcos, Joel Villanueva, Manny Pacquiao at Pia Cayetano.

Sa kanyang sponsorship speech, kinilala ni Sotto ang dedikasyon, sakripisyo at self-discipline ni Hidilyn upang makamit ang kanyang Olympic goal kung saan nagsanay pa ito at nag-exile sa Malaysia simula nooong February 2020.

“Hidilyn’s win is being celebrated not only it is historic, as the first-ever gold Olympic medal in almost a century, but also because of the fact that it happened in the middle of a pandemic when every move is a struggle and a health-risk, and when we all needed a ray of light,” dagdag ni Sotto.

Sinabi naman ni Recto na ang tagumpay ni Hidilyn ay dumating sa panahon na kapos na ang pagasa para sa mga Pilipino.

“With one lift, she raised the spirits of 110 million people, battered by the pandemic but not beaten, craving for one inspiring story that will break the gloomy monotony of long days looking for jobs and jabs and endless quarantine nights,” saad ni Recto.

Inihayag naman ni Zubiri na hindi na mabubura ang record na itinatak ni Hidilyn.

“She is now in the Chronicles of Philippine History as the First ever Olympic Gold Medalist!!” giit ni Zubiri.

Iginiit naman ni Gordon ang pag-apruba sa resolution na humihiling sa National Historical Commission of the Philippines na maglabas ng commemorative stamps at marker para kay Hidilyn. (DANG SAMSON-GARCIA)

Read More

PAGBANGON NG MARAWI PINABIBILISAN NI DUTERTE

0

WELCOME kay Anak Mindanao Rep. Amihilda Sangcopan ang pagbanggit ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pinakahuling State of the Nation Address (SONA) na bilisan ang rehabilitasyon sa Marawi City.

Umaasa ang mambabatas na sa marching order na ito ni Pangulong Duterte ay agad tutugon ang Task Force Bangon Marawi dahil matagal na aniya ang paghihintay ng mga apektadong residente sa nabanggit na lungsod matapos itong kubkubin ng mga rebelde.

“My heart leaped with gladness when the president ordered to fast-track all the rehabilitation efforts to Marawi. I am one with the Maranaos who have been ardently praying for their return home. We have been waiting for its realization for the past four years. The people have waited long enough,” saad ng mambabatas.

Sa pahayag ng pangulo ay iginiit niyang dapat magkumahog sa pagpapatupad ng rehabilitasyon ng lungsod upang muling patatagin at ibangon ang pamumuhay ng mga residente roon.

“With the President’s pronouncements yesterday during his final SONA, we are hopeful that Task Force Bangon Marawi will be doubling its efforts to heed PRRD’s directives to race against time and finish the necessary work to rehabilitate and rebuild Marawi from the ground up.”

Umapela rin ang kongresista sa Kongreso na ikonsidera ang pagpasa sa Marawi Compensation Bill na isang priority legislation kahit walang kautusan ukol dito ang pangulo.

Kasabay nito ay nakikiisa si Sangcopan kay Pangulong Duterte sa aspirasyong tuwirang maging malaya ang Mindanao sa rebelyon na aniya’y naghatid ng kalumbayan, kahirapan at kamatayan.

“It is a statement of fact that this administration made sure that the Bangsamoro Organic Law be passed. PRRD even certified it as an urgent piece of legislation. This Administration didn’t put to waste the number of years spent chasing after a dream of lasting peace and sustainable development in the region. As a Mindanaoan like the President, we share the same sentiment and aspiration that the Bangsamoro region one day be liberated from insurgencies that caused nothing else but generations of misery, poverty, and deaths,” ani Sangcopan.

Samantala, sa usapin ng pagpapalawig sa transition period sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), bagama’t hindi aniya nabanggit ng pangulo ay nangangahulugang ipinauubaya na nito sa Kongreso ang usaping ito.

“I must admit that I am among those who waited for what is the President’s statement on the resetting of election in the BARMM. The absence of it, however, for me, signifies that the president is leaving it up to Congress to decide the fate of the extension of the transition period. As legislators, it is incumbent upon us that we first exhaust all means to understand the need of the extension before we pass judgment,” giit pa ni Sangcopan. (CESAR BARQUILLA)

Read More

COVID-19 CASES SA NCR TUMAAS PA

0

PATULOY sa pag-akyat ang bilang ng mga naitatalong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).

Ngayong linggo ay umakyat sa 47% ang mga naitalang kaso na mas mataas kumpara noong nakalipas na linggo.

Sa press briefing sa Malacanang, kinumpirma ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III ang pag-akyat ng kaso.

“Dito sa NCR, tumaas tayo ng mga 47% itong linggong ito compared doon sa nakaraang linggo,” ayon kay Duque.

Sinabi ni Duque na nakapagtala ang Metro Manila ng mahigit 900 bagong kaso ng impeksiyon kada araw sa nakalipas na linggo.
Kaugnay nito, hinikayat ng kalihim ang mga lokal na pamahalaan na magkaroon ng mas agresibong case finding, testing, at contact tracing, upang mapigilan ang COVID-19 transmission.

Kaugnay nito, pabor ang DOH sa rekomendasyon ng OCTA Research group na magpatupad ng 2 linggong lockdown bilang circuit breaking measure, anticipatory at preventive measure lalo na’t

nakararanas na ulit ngayon ng surge ng COVID-19 ang Metro Manila at ilang lugar sa bansa bunsod ng Delta variant.

Patuloy naman ang ugnayan ng ahensya sa mga Local Government Unit (LGU) dahil sila ang maituturing na ‘man on the ground’ na mas nakakaalam ng tunay na sitwasyon sa mga komunidad.

Ilan sa mga hakbang na pinaigting ngayon ang pagtukoy sa active cases, efficient contact tracing at testing.

Gayundin ang Prevent-Detect-Isolate-Treat-Reintegrate (PDITR) strategy at tuloy-tuloy na pagbabakuna na garantisadong magbibigay proteksyon sa mamamayan. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

ARMORED VAN, CLOSE VAN NAGBANGGAAN

0

SUMABOG ang unahang gulong ng armored van na naging dahilan upang sumalpok ito sa isang closed van sa Pandacan, Manila noong Lunes ng gabi.

Nagkaayos din ang driver ng Philippine Army Armored vehicle at ang driver ng aluminum closed van

Batay sa ulat ng Manila District Traffic Enforcement Unit, bandang alas-11:45 ng gabi nang mangyari ang insidente sa north bound lane ng Mabini Bridge sa Pandacan.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, kapwa binabagtas ng dalawang sasakyan ang northward lane ng Mabini bridge, Pandacan, nang sumabog ang kanang harapang gulong ng armored vehicle.

Bunsod nito, nawalan ng kontrol ang driver hanggang sa bumangga sa kaliwang bahagi ng closed van na nasa kanyang harapan.

Ayon sa ulat ng pulisya, nagkasundo ang magkabilang panig na ayusin na lamang ang pinsala ng closed van. (RENE CRISOSTOMO)

Read More

SONA 2021 TUMAGAL NG HIGIT 2 ORAS

0

INABOT ng dalawang oras at 45 minuto ang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, Lunes ng hapon.

Kabilang sa mga present sa SONA sina: DOTr Sec. Arthur Tugade, Papal Nuncio Archbishop Charles Brown, DOT Sec. Bernadette Puyat, DILG Sec. Eduardo Año, DOH Sec. Francisco Duque III, PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar, maging ang mga aktor na sina Robin Padilla at Philip Salvador.

Isa sa mga ibinida ng pangulo ang paghabol o pagtugis sa water concessionaires na kanya umanong maipagyayabang sa kanyang mga anak.

Naging daan ito upang ang mga bagong kasunduan ay matintahan kasama ang mga pribadong kumpanya.

Sinabi ni Pangulong Duterte na ang mga dating kontrata kung saan pinapayagan ang mga concessionaire na bayaran ang kanilang corporate taxes sa pamamagitan ng “fees” na binabayaran ng consumers, ay in-addressed na sa updated contracts.

Hindi man pinangalanan ni Pangulong Duterte kung ano ang kumpanyang ito subalit batid naman ng publiko na inaway ng pangulo ang major water concessionaires na Manila Water Company Inc. at Maynilad Water Services Inc. noong nakaraang taon.

Matatandang, Hunyo 2020 nang ipag-utos ni Pangulong Duterte na gumawa ng mga bagong kontrata para sa mga kumpanya na aniya’y kailangan na maging patas.

“Now there’s a new contract, I have not thoroughly digested. ‘Pag nandyan na ‘yan, then I will sign, but I will not forget in telling them the crime is there already, and any Filipino would want to go after you,” anito.

Sinasabing, may ilang mahahalagang features ang revised concession agreements kabilang na ang pag-alis sa government non-interference clauses, at adjustment ng probisyon na magko-compromise sa medium at long-term government liabilities. (CHRISTIAN DALE)

Read More

Tututukan sa pagbabalik ng Senado 4 PANUKALANG BATAS PARA SA WORKERS

0

SA pagbabalik ng sesyon ng Senado sa 3rd Regular session ng 18th Congress, inihayag ni Senador Joel Villanueva ang apat na priority bills para sa kapakanan ng manggagawa, sa loob at labas ng bansa, bago sumapit ang halalan sa 2022.

Ayon kay Villanueva, nangunguna sa tututukan ng Senate committee on labor and employment na kanyang pinamumunuan ang pagtatatag ng Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos.

“Napapanahon na pong magkaroon ng isang bahay para sa ating mga OFWs at migrant Filipinos. Mas dama po natin ang kanilang mga suliranin ngayong pandemya,” aniya.

Kasunod nito,  sinabi ng senador mula sa Bulacan na isasalang na rin ang pagtataguyod ng Magna Carta of Filipino Seafarers.

“Long overdue na po ito para sa ating mga Filipino seafarers na kumakatawan sa 1 sa bawat 3 seafarer sa buong mundo,” giit ni Villanueva.

Isasalang din ang  Digital Careers Framework at Freelancers Protection bill upang maproteksiyunan ang delivery riders laban sa mapang-abusong employer, bigyan sila ng sapat na kumpensasyon at kaukulang benepisyo.

Idinagdag pa ni Villanueva na nakatakdang tutukan ng Senado ang Ending Endo Bill na vineto ni Pangulong Duterte noong nakaraang Kongreso.

“Pasado na po sa Senado ang panukalang Ending Endo, ngunit hanggang sa ngayon, hindi po malinaw ang basehan ng veto. Hiniling na po natin sa executive ang kanilang proposal upang matalakay na po natin ito sa committee,” giit ng senador. (ESTONG REYES)

Read More

Supply galing sa Bilibid 2 ARESTADO SA P240K SHABU

0

ARESTADO ang umano’y dalawang bigtime na tulak ng hinihinalang mga drug lord sa loob ng New Bilibid Prison, sa ikinasang buy-bust operation ng mga tauhan ng NCRPO RID-RDEU, PDEG nitong Lunes ng madaling araw sa Pasay City.

Dakong alas-3:00 ng madaling araw nang ikasa ng magkasanib na pwersa ng NCRPO RDEU, PDEG at Pasay City Police Station ang buy-bust operation na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na kinilalang sina Darren Decena ng Cuyegkeng ng Pasay City, at Bernadeth Barrientos ng Ampaya Compound, Brgy. Putatan, Muntinlupa City.

Nasamsam kina Decena at Barrientos ang apat na plastic sachet ng tinatayang 50 gramo ng shabu, at isang plastic sachet ziplock type na may shabu na tinatayang P240,000 ang kabuuang halaga, at isang grey Toyota Wigo na may plate number IAB 9931.

Napag-alaman, nakipagtransaksyon ang isang poseur buyer kay Decena at sa kasabwat nitong si Barrientos sa harap ng isang fastfood restaurant sa Blue Bay Walk malapit sa kanto ng EDSA at Roxas Blvd., Brgy. 76, Zone 10, Pasay City noong madaling araw ng Lunes.

Nang magkaabutan ng marked buy-bust money na P2,000 at ng shabu, agad na hinuli ng mga operatiba ang dalawang suspek.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, konektado si Decena sa mga inmate ng NBP na sina Rafael Alberto at isang alyas “Chen,” Chinese national, na sangkot umano sa malakihang pagtutulak ng ilegal na droga.

Nabatid sa record ng pulisya, si Decena ay dating nadetine sa Pasay City dahil sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Nag-o-operate umano sa ilegal na droga si Decena sa Pasay City at katabing mga siyudad. (DAVE MEDINA)

Read More

STL operators pinulong QCPD DIRECTOR NAGPAPASOK NG STL SA QC?

0

(SAKSI NEWS TEAM)

NAGPAHAYAG ng matinding pangamba ang mga pamunuan ng mga barangay sa Quezon City matapos maganap ang pulong ng mga small town lottery (STL) operator sa Camp Karingal noong Hulyo 21 ng hapon.

Ayon sa impormasyon mula sa mapagkakatiwalaang source, dinaluhan ng mga STL operator ang pulong na idinaos umano sa tanggapan mismo ni Quezon City Police District Director Brig. Gen. Antonio Yarra.

Dahil dito, nag-isip ang pamunuan ng mga Barangay na kailangan palang mayroong “go signal” ng District police ang operasyon ng STL ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) bago ito lumarga sa lungsod.

Ibinunyag pa ng grupo na nadagdagan ang kanilang alalahanin nang malaman nilang walang partisipasyon si Mayor Joy Belmonte dahil wala itong kinatawan sa nasabing pulong.

Ang legal na sistema ay kailangan ng Mayor’s Permit, o Business Permit, na iisyu ng Business Permit and Licensing Office (BPLO), bago magsimula ang isang negosyo tulad ng STL.

Legal ang STL kung hindi “bookies” ang magiging operasyon nito.

Ibig sabihin, hindi ito magiging prente ng jueteng kung saan tatlong bola kada araw ang kamada ng mga jueteng lord.

Kahit na mayroong prangkisa, o lisensyang ibingay ang PCSO, sa isang kumpanya upang makapag-operate ng STL ay kailangan pa ring magkaroon ito ng Mayor’s Permit at iba pang dokumento.

Ang Mayor’s Permit at mga kaugnay na dokumento ay galing sa pamahalaang lungsod, hindi sa QCPD, partikular sa tanggapan ni Yarra.

Kaya, banggit ng source malaking kuwestiyon sa pamunuan ng mga Barangay ang pagpasok ng STL sa lungsod nang walang ugnayan sa pamahalaang lungsod, partikular sa tanggapan ni Mayor Belmonte, lalo pa’t alam naman ng lahat na tahasang tutol ang alkalde sa anomang porma ng sugal.

Idinagdag pa ng mga punong barangay na mayroong Games and Amusement Committee ang Sangguniang Panglungsod na dapat ay iginagalang din ni Yarra at ng mga STL operator.

Hindi porke, mayroong lisensyang galing sa PCSO ay babalewalain at itatago na ni Yarra at ng mga STL operator ang planong magkaroon ng STL sa lungsod.

Direktang inihalimbawa ng mga opisyal ang ipinatawag kamakailan ng BPLO na Lucent Gaming and Entertainment STL na mula umano noong Hulyo 15 ay nag-o-operate na ng tatlong beses sa loob ng isang araw batay na rin sa kanilang Facebook Account, subalit ayon naman sa operator ay dry run lang ito.

Maituturing umanong binalewala ng mga STL operator ang Games and Amusement Committee ng lungsod sa pagdaraos ng tuluy-tuloy na pagbola.

Ipinarating sa SAKSI Ngayon ng mga nababahalang opisyal na isa umanong retiradong pulis ang nangasiwa sa pulong ng mga STL operator na kinilala sa pangalang “Lt. Col. Reynaldo Magdaluyo”.

Batay sa impormasyon, si Magdaluyo ay nakasama ni Yarra sa Manila Police District (MPD) noong aktibo pa sa Philippine National Police (PNP) ang huli.

Si Yarra ay kilalang ‘bataan’ ni General Guillermo Lorenzo Eleazar dahil ang huli mismo ang humirit kay Belmonte na aprubahan ang pagtalaga kay Yarra bilang direktor ng QCPD.

Naganap ito ilang linggo bago maging PNP Chief si Eleazar.

Bukod kay Magdaluyo, lumutang din ang pangalan ng isang “Dex Bautista” bilang isa sa mga nagtutulak ng STL sa lungsod.

Si Bautista ay kamag-anak umano ni dating Mayor Herbert Bautista.

Hindi malaman ng source kung bakit isinama pa si Bautista sa pagpasok ng STL sa Quezon City, samantalang magkakilala naman sina Yarra at Magdaluyo.

Sinikap na makuha ng SAKSI Ngayon ang panig ni Yarra tungkol sa kanyang papel sa pagpasok ng STL sa Quezon City, subalit nabigo sapagkat sa gate pa lamang ng Camp Karingal ay hindi na nagpapasok ang mga bantay na pulis dahil wala umanong appointment, o schedule, kay Yarra.

Maging sa text message ay hindi sumagot si Yarra sa mga tanong ng reporter.

Read More

MAGPAPABAKUNA ‘WAG BASAIN SA ULAN

0

UMAPELA si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Local Government Units (LGUs) na “gamitin ang common sense” at huwag paghintayin ang mga tao sa pila habang umuulan at may baha para lamang mabakunahan laban sa COVID-19.

Ang apela na ito ni Pangulong Duterte ay matapos makatanggap ng ulat na sa kabila ng malakas na buhos ng ulan at pagbaha ay nakapila pa rin ang mga tao sa vaccination sites sa Metro Manila, kabilang na ang Maynila at Mandaluyong, maturukan lang ng bakuna laban sa COVID-19.

Sinabi ng pangulo sa kanyang ipinatawag na special meeting kasama ang Inter-Agency Task Force (IATF) sa Malakanyang na kailangan magpalabas ang LGUs ng mas matinong proseso ng pagbabakuna kaysa payagan ang mga tao na pumila “as early as 4 a.m.” at mabakunahan ng “9 a.m.”

Dahil dito, sinabihan ni Pangulong Duterte si Interior Secretary Eduardo Año na magpalabas ng direktiba na mag-aatas sa LGUs na maging mas “proactive” at “circumspect especially now that the Southwest Monsoon is passing the country na. It’s not the way to do it.”

Binalaan din ni Pangulong Duterte ang mga LGU na huwag nang maulit pa ang nasabing insidente dahil “kawawa iyong tao “.

Aniya, sa ganitong sitwasyon ay lantad ang mga tao sa mga sakit gaya ng leptospirosis, flu, at iba pang respiratory diseases. (CHRISTIAN DALE)

Read More