BISTADOR ni RUDY SIM TILA atomic bomb na sumambulat sa buong sambayanan ang biglaang pagsibak ng Palasyo kay Bureau of Immigrations Commissioner Norman Tansingco. Nangyari ito habang nasa kasagsagan pa ng Senate hearing tungkol sa hindi pa natutukoy na pagpuslit sa bansa ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang dalawa pa niyang kapatid na sina Wesley Guo at Shiela Guo. Sa naturang pagdinig, una nang tinanong ni Senador Francis Tolentino si Tansingco kung ano ang masasabi niya tungkol sa nababalitang pagsibak sa kanya ng Malacañang? Datapwa’t ipinagkibit-balikat lang…
Read MoreCategory: OPINYON
NALULUNOD NA TAUMBAYAN PERO PONDO PINAG-AAWAYAN
CLICKBAIT ni JO BARLIZO SA gitna ng bangayan sa pondo ng iba’t ibang sangay ng pamahalaan para sa susunod na taon, tila nakaligtaan ang iba pang seryoso ring problema ng bayan. Talagang hindi magkakaige ang mga nasa poder dahil may kanya-kanya silang interes sa pondo. Masarap na nga lamang magbaon ng popcorn habang pinanonood ang budget hearing sa Kongreso. Kaya hayaan muna natin silang magngatngatan at sa huli makita kung sino-sino talaga ang mga lumulustay sa pondo ng bayan. Ngayong may namumuo na namang sama ng panahon, marami ang nangangamba…
Read MoreMALALIM NA PAGKATAO NG PAMILYA GUO
RAPIDO NI PATRICK TULFO MARAMING katanungan ang nais kong masagot sana sa ginanap na pagdinig sa Senado nitong Martes matapos mahuli sa Indonesia ang kapatid ni Alice Guo na si Shiela Guo kasama ang may-ari ng POGO sa Porac, Pampanga na si Katherine Cassandra Ong. Inamin ni Shiela Guo na dumating siya sa bansa noong 2001 nang dalhin siya ng kanyang “foster father” o umampon sa kanya na si Jiang Zhong Guo (ama ni Alice Guo). Ibinigay umano sa kanya ng matandang Guo ang kanyang Philippine passport at birth certificate…
Read MoreSA PAGBABA NG PRESYO NG BIGAS, SINO KIKITA AT MALULUGI
EDITORIAL SA makikitang P45 kada kilo sa ilang pamilihan sa Metro Manila, tila tinotoo ng gobyerno ang pangakong ibaba ang presyo ng bigas para sa mamamayan. Sa mga pag-iikot ng mga kongresista sa ilang pamilihan, totoong ganyan ang presyong tumambad sa mga pamilihan. Sa Mega Q Mart sa Quezon City, pinakamura ang P45 kada kilo na mabibiling well-milled rice. Gayunman, tila limitado pa lamang ang pagbebenta. Ayon sa mga ito, tatlong linggo pa lamang ang mga bigas sa merkado. Tatlo hanggang limang kilo lang ang maaaring bilhin ng bawat mamimili.…
Read MoreLABANAN NG MGA PROPAGANDISTA
DPA ni BERNARD TAGUINOD NOONG nagsimula ang Russia-Ukraine War noong Pebrero 2022, umalagwa ang mga propagandistang Russo gamit ang state tv at social media para bigyang katwiran ang giyerang sinimulan ng kanilang presidenteng si Vladimir Putin. Talong-talo ang Ukraine sa propaganda dahil sa madadaldal ang mga propagandista ni Putin kaya nakontrol nila ang utak ng mayorya sa mga Russo. Ganoon sila kagaling at ang lupit din nilang manakot sa European Nations at Amerika. Sa West Philippine Sea, talong-talo ang Pilipinas pagdating sa propaganda ng China dahil nagagawa nilang baliktarin ang…
Read MoreHUWAG KANG PUMILI, MAHALIN MO LANG LAHAT
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN SA isang makabagbag-damdaming pagpapakita ng pagkiling, ang mga aspin o asong Pinoy, ang minamahal na katutubong strays ng sambayanang Pilipino, ay nahaharap sa sistematikong diskriminasyon, na nagbibigay-diin sa isang mas malawak na isyu ng pagtatangi laban sa matatag na lahi na ito. Ang Tagaytay-based Filipino restaurant na Balay Dako ay nahaharap ngayon sa isang issue dahil sa diumano’y diskriminasyon matapos magreklamo ang isang customer ng hindi patas na pagtrato sa kanilang aspin. Sa isang Facebook post, inilarawan ni Lara Antonio ang kanilang karanasan sa…
Read MoreSTAYCATION SA DECA TONDO HIGPITAN
BISTADOR ni RUDY SIM ISANG grupo ng ilang mga kalalakihan ang patuloy hanggang sa kasalukuyan, na nambibiktima ng mga inosenteng kababaihan upang ang mga ito ay malulong sa ipinagbabawal na gamot. Dahil sa maaaring kakulangan ng paghihigpit ng ilang condo owners sa mga condotel lalo’t kapag sa sentro ng Maynila kung saan naroon ang abot kayang presyo ng staycation o panandaliang pamamalagi sa isang condo unit. Ayon sa ating nakuhang impormasyon, mas pinili umano ng grupo ng kalalakihan na kumuha at magbayad ng isang staycation unit sa Deca Homes kaysa…
Read MoreDIGONG NADIDIIN SA POGO’T DROGA?
PUNA ni JOEL O. AMONGO BUNSOD ng kontrobersyal na Pharmally scandal noong 2021, ay nailantad ang umano’y pagkakasangkot ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pag-award ng multibillion contracts sa Pharmally Pharmaceutical Corporation para sa supply ng medical supplies sa gobyerno sa tugon nito sa COVID-19 pandemic. Sa imbestigasyon, lumutang ang mga tanong kung paanong ang isang hindi kilalang kumpanya ay nakakuha ng mga kontrata ng gobyerno na nagkakahalaga ng bilyon-bilyong piso at nalantad ang iba pang mga isyu, tulad ng sobrang taas ng presyo at substandard na kalidad ng mga…
Read MoreBAYANIHAN SA BRIGADA ESKWELA
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO TAUN-TAON, nagsasagawa ang Kagawaran ng Edukasyon ng Brigada Eskwela para paghandaan ang pagsisimula ng klase. Nagbibigay ang programang ito ng napakaraming pagkakataon para sa mga guro, magulang, estudyante, at iba’t ibang sektor ng lipunan na magtulungan sa pag-aayos at paghahanda ng mga paaralan. Pero hindi lang ito basta simpleng paglilinis at pagpipintura ng mga gagamiting silid-aralan ng mga pampublikong paaralan. Sinasalamin ng Brigada Eskwela ang malasakit at bayanihan ng ating komunidad. Sa panahong maraming hamon ang sistema ng edukasyon, mahalagang bigyang-diin ang kahalagahan ng programang…
Read More