TUMAGAL nang mahigit limang oras ang mainitang sagutan sa unang sesyon ng Sangguniang Panlalawigan ng Batangas. Nagharap dito si Bise Gobernador Dodo Mandanas at ang mga kaalyadong board member ni Governor-elect Vilma Santos Recto. Bagama’t tinalo ni Mandanas si Lucky Manzano sa laban para sa pagka-bise gobernador, nakuha naman ng kampo ni Gobernador Vi ang nakararaming puwesto ng mga board member sa Sangguniang Panlalawigan. Ramdam agad ang tensyon mula pa lang sa simula ng sesyon, lalo na nang pag-usapan ang Internal Rules and Procedures (IRP). Ilang beses na tinanggihan ni…
Read MoreCategory: NEWS BREAK
P30-M UNREGISTERED VAPE PRODUCTS NASAMSAM SA LAGUNA
LAGUNA – Tinatayang P30 milyong halaga ng hindi rehistradong vape products ang nasamsam ng mga tauhan ng NBI-Special Task Force (NBI-STF) sa Biñan City, Laguna. Ayon kay NBI Director Jaime B. Santiago, ang nasabing operasyon ay nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspek na sina Kert Lester Simbajon, Javer Dirampatun, at Romeo Cada dahil sa paglabag sa Section 4(d) at 18 ng Republic Act No. 11900 (Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act), at Section 8 ng R.A. No. 11900 in relation to R.A. No. 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012).…
Read MorePUMALAG NA KARNAPER SUGATAN SA PARAK
SUGATAN ang isang lalaki makaraang makipagbarilan sa mga pulis matapos tangayin ang motorsiklo ng isang estudyante noong Lunes ng gabi sa Caloocan City. Ayon sa ulat ni Caloocan Police OIC chief, P/Col. Joey Goforth, tinangay ng dalawang lalaki ang isang Yamaha NMAX motorcycle ng 34-anyos na babaeng residente ng Malabon City, habang nakaparada sa A. Mabini St., Brgy. 13, Caloocan City. Humingi naman ng tulong ang biktima sa mga tauhan ng Caloocan Police Sub-Station 3 na agad nagsagawa ng follow-up operation hanggang maispatan nila ang mga suspek sa Baltazar St.,…
Read More27K PAMILYA APEKTADO NG ‘BISING’, HABAGAT – NDRRMC
TINATAYANG mahigit 27,000 katao sa tatlong rehiyon ang apektado ng pinagsamang epekto ng southwest monsoon o “habagat” at Typhoon Bising (international name Danas). Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na sa kanilang 8 a.m. report, araw ng Lunes, may 27,401 ang naitalang apektadong pamilya o 82,548 indibidwal mula sa 14 na mga barangay sa Region 1 (Ilocos Region), Region 3 (Central Luzon) at Cordillera Administrative Region (CAR). Sa oras ng ulat, sinabi ng NDRRMC na may dalawang pamilya lamang o 9 katao ang nanuluyan sa dalawang…
Read More‘Wag puro panghuhuli – Isko TRAFFIC ENFORCERS DAPAT UMALALAY SA MGA MOTORISTA
BINALAAN ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso ang traffic enforcers na magtino na at huwag puro lamang panghuhuli ang ginagawa. Sa unang flag raising sa kanyang pagbabalik bilang alkalde ng lungsod ng Maynila, partikular na binalaan ni Domagoso ang mga tauhan ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB). “Magtino na kayo, siguro naman narinig na ng director ninyo na si Dennis Viaje na ang traffic enforcement is a traffic assistance hindi violation lagi ang hinahanap natin,” babala ng alkalde sa traffic enforcers. Binigyang babala ni Domagoso ang ilang MTPB na…
Read MorePILOT TESTING SA ‘WALANG GUTOM PROGRAM’ SINIMULAN SA TONDO
MAKABIBILI na ng halagang P20 kada kilo ng bigas ang mga benepisyaryo ng Walang Gutom Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinimulan ang pilot testing ng programa sa Morsac Basketball Court, Barangay 69 sa Tondo, Manila kung saan bawat benepisyaryo ay makabibili ng hanggang 30 kilo ng bigas mula sa accredited retailers at Kadiwa ng Pangulo. Katuwang ng DSWD ang DA sa pagsasagawa ng pilot-testing na hindi lamang ikinasa sa Tondo kundi maging sa Cebu City at CARAGA. Sinabi ni DSWD Sec Rex Gatchalian, 900 ang retailer…
Read MoreDawit sa missing sabungeros POLICE COLONEL, 14 PA INILAGAY SA RESTRICTIVE CUSTODY
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Philippine National Police na may 15 police officers ang isinailalim sa restrictive custody dahil sa posibilidad na may kinalaman sila sa pagkawala ng tinaguriang missing sabungeros. Ayon kay PNP chief, General Nicolas Torre III, labinglimang tauhan ng PNP ang hawak na nila sa Camp crame. Sa ginanap na pulong balitaan, inihayag ni Gen. Torre; “We have placed several personnel under restrictive custody pending the investigation on the missing sabungeros. We have partnered with NAPOLCOM (National Police Commission) for the in-depth investigation of this case to ensure…
Read MoreLETTERS OF AUTHORITY AT MISSION ORDERS SA ADUANA SINUSPINDE
SA kanyang unang direktiba bilang bagong Bureau of Customs (BOC) chief, ipinag-utos ni BOC Commissioner Ariel Nepomuceno na suspendihin ang pagpapatupad ng lahat ng naunang naaprubahan ngunit hindi naisilbing Letters of Authority (LOAs) at Mission Orders (MOs). Sa kanyang memorandum na inilabas nitong nakalipas na linggo, sinabi ni Nepomuceno na naaangkop ang direktiba sa lahat ng LOA at MO na inisyu bago ang Hulyo 2, 2025, “That have yet to be served and covers all units under the Intelligence and Enforcement Groups.” Sa pinakahuling memorandum ng BOC, nag-utos din sa…
Read MoreCALAMITY FUND AGAD IPINASA PARA SA MANILA FIRE VICTIMS
AGAD inaprubahan ng Konseho ng Maynila ang pagpapalabas ng calamity fund para sa mga biktima ng sunod-sunod na sunog sa lungsod, sa pangunguna ni Manila Vice Mayor Chi Atienza. Inilagay sa state of calamity ang Barangay 439 at 448 para sa agarang pagpapalabas ng calamity fund ng mga barangay, na ilalaan para sa direktang tulong pinansyal sa mga residenteng nawalan ng tirahan. “Under my leadership, together with the entire council, we passed these resolutions to provide immediate support to the fire-affected barangays,” ani Atienza. Noong Hulyo 2, personal na binisita…
Read More