ISANG Super Health Center ang nakatakdang itayo sa bayan ng Tanza, Cavite. Ang dalawang palapag na Super Health Center na pinondohan sa ilalim ng Department of Health (DOH) Health Facility Enhancement Program sa ilalim ng GAA 2023, ay magbibigay ng lahat ng mga kakailanganin na basic health kabilang ang specialized health services, outpatient department, laboratory, X-ray, ultrasound, birthing services , diagnostic, pharmacy at emergency service. Sinabi ni DOH-Regional Director Ariel Valencia, ang pagtatayo ng health facility ay magpapalakas ng health referral system sa lugar at mas maraming Tanzenos ang mabibiyayaan…
Read MoreCategory: PROBINSIYA
ALBUFUERA DRUG GROUP MEMBER NAKORNER
CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at miyembro ng Albufuera drug group sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Pio Nieva y Villanueva, miyembro ng Albufuera drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs). Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite City Police Station sa Barangay 8, Cavite City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng 1.75 gramo ng hinihinalang shabu na may…
Read More4 TERORISTA NAPATAY, 3 NA-RESCUE SA SAGUPAAN
APAT na bangkay ng mga teroristang Daulah Islamiyah-Lanao ang natagpuan ng military kasunod nang engkuwentro sa Barangay Piangologan, Marogong, Lanao del Sur. Ayon sa ulat, nakasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Scout Ranger Battalion ang isang grupo ng local terrorist group na pinaniniwalaang kasapi ng DI-Lanao na pinamumunuan ni Abu Zacariah, sa isinagawang operasyon sa Barangay Piangologan, Marogong. Habang nagsasagawa ng clearing operation sa encounter area ay na-rescue ng mga sundalo ang tatlo pang miyembro ng local terrorist group na kinabibilangan ng isang babae at dalawang menor de edad. Nakuha…
Read More15K KAPALIT NG PERWISYO SA OIL SPILL SA OR MINDORO
PINAPIRMA ng waiver ang mga mangingisdang naapektuhan ng oil spill sa Oriental Mindoro noong Pebrero 28, na nagsasaad na hindi nila idedemanda ang may-ari ng MT Princess Empress kapalit ng P15,000. Sa joint hearing ng House committee on ecology at committee on environment and natural resources isiniwalat ni ACT party-list Rep. France Castro ang nasabing waiver na itinanggi naman ng may-ari ng tanker. “Nagpapapirma raw sa probinsya na hindi maintindihan ng mga tao ‘yung mga pinipirmahan. Pero ang malinaw doon na ni-report sa amin ay meron daw doong waiver na…
Read MoreKILLER NG RESORT CARETAKER SA QUEZON NATIMBOG
QUEZON – Natimbog ng mga awtoridad ang suspek sa pamamaril sa babaeng caretaker ng Beneraza Resort sa Brgy. Guisguis, Talon sa bayan ng Sariaya sa lalawigan. Ayon kay Lt. Col. Rommel Sobrido, hepe ng Sariaya PNP, naaresto sa follow-up operation kahapon ang suspek na si RV Joy Flores Paderon alyas “Tek,” 24, miyembro umano ng notorious na Paderon drug group. Ayon pa kay Sobrido, usapin sa illegal drugs at paghihiganti ang motibo ng pamamaril sa biktima. Ang asawa ng biktima na dating asset ng pulisya, ang siyang talagang target ng mga suspek dahil…
Read MoreP340K SHABU NASAMSAM SA CAVITE BUY-BUST
CAVITE – Mahigit sa P300K halaga ng hinihinalang shabu ang nasamsam sa arestadong mga tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Imus City noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga suspek na sina Luisito Dominguez y Malinis, 56, at Marjay Dominguez y Espiritu, 33-anyos. Ayon sa ulat, dakong alas-7:30 ng gabi nang madakip ang mga suspek sa Brgy. Palico IV, Imus City at nakumpiska ang tinatayang 50 gramo ng hinihinalang shabu na may street value na P340,000. Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o…
Read More1 PATAY, 1 SUGATAN SA ARARO NG MOTORSIKLO
BATANGAS – Patay ang isang lalaki habang isa pa ang sugatan makaraang araruhin ng motorsiklo na minamaneho ng isang estudyante sa Brgy. Mavalor, sa bayan ng Rosario sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Godofredo Quizon, 59, habang sugatan naman at nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang kasama nitong si Guiller Abol, 36-anyos. Batay sa report ng Rosario Police, naglalakad ang dalawa sa barangay road nang masalpok ang mga ito ng motorsiklong minamaneho ng 18-anyos na estudyanteng si Ariel Gapaz dakong…
Read MoreTRAFFIC ENFORCER PATAY SA LASING NA RIDER
CAVITE – Nagsasagawa ng manhunt operation ang Cavite Police sa isang lalaki at kasama nito na bumaril at pumatay sa isang traffic enforcer matapos sitahin dahil sa pagmamaneho nang lasing sa bayan ng Tanza sa lalawigang ito, noong Linggo ng hapon. Kinilala ang suspek na si Joseph Llagas, nasa hustong edad, ng St. John Subdivision, Brgy. Biga Tanza, Cavite, responsable sa pamamaril at pagkamatay ng biktimang si William Mentes Quiambao, traffic enforcer ng Tanza MPS at residente ng Brgy. Tres Cruses, Tanza, Cavite. Tinutugis din ang isang Aries Carlos na kasamang…
Read MoreP1.93-B HAHABULIN NG SSS LUZON CENTRAL 2 DIVISION SA DELINQUENT EMPLOYERS
SINUYOD ng mga kawani ng Social Security System (SSS) ang ilan sa mga tinaguriang ‘delinquent employers’ sa lungsod ng Baliwag at San Jose Del Monte nitong Huwebes at Biyernes kung saan kabilang ito sa P1.93 billion na hinahabol ng ahensya mula sa mga area sakop ng Luzon Central 2 Division Office. Ayon kay SSS Vice President for Luzon Central 2 Division Gloria Corazon Andrada, pinatawan ang mga delinquent employers ng 15-araw na palugit upang i-settle ang kanilang obligasyon sa nasabing ahensiya. Nabatid na abot sa P144-million ang dapat na makolekta…
Read More