SUPER HEALTH CENTER ITATAYO SA TANZA, CAVITE

ISANG Super Health Center ang nakatakdang itayo sa bayan ng Tanza, Cavite. Ang dalawang palapag na Super Health Center na  pinondohan sa ilalim ng Department of Health (DOH) Health Facility Enhancement Program sa ilalim ng GAA 2023, ay magbibigay ng lahat ng mga kakailanganin na basic health kabilang ang specialized health services, outpatient department, laboratory, X-ray, ultrasound, birthing services , diagnostic, pharmacy at emergency service. Sinabi ni DOH-Regional Director Ariel Valencia, ang pagtatayo ng health facility ay magpapalakas ng health referral system sa lugar at mas maraming Tanzenos ang mabibiyayaan…

Read More

ALBUFUERA DRUG GROUP MEMBER NAKORNER

CAVITE – Arestado ang isang hinihinalang tulak at miyembro ng Albufuera drug group sa isinagawang buy-bust operation sa Cavite City nitong Biyernes ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Pio Nieva y Villanueva, miyembro ng Albufuera drug group at nasa listahan ng high value individuals (HVIs). Ayon sa ulat, dakong alas-12:20 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Cavite City Police Station sa Barangay 8, Cavite City na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek na nakumpiskahan ng 1.75 gramo ng hinihinalang shabu na may…

Read More

4 TERORISTA NAPATAY, 3 NA-RESCUE SA SAGUPAAN

APAT na bangkay ng mga teroristang Daulah Islamiyah-Lanao ang natagpuan ng military kasunod nang engkuwentro sa Barangay Piangologan, Marogong, Lanao del Sur. Ayon sa ulat, nakasagupa ng mga tauhan ng Philippine Army 3rd Scout Ranger Battalion ang isang grupo ng local terrorist group na pinaniniwalaang kasapi ng DI-Lanao na pinamumunuan ni Abu Zacariah, sa isinagawang  operasyon sa Barangay Piangologan, Marogong. Habang nagsasagawa ng clearing operation sa encounter area ay na-rescue ng mga sundalo ang tatlo pang miyembro ng local terrorist group na kinabibilangan ng isang babae at dalawang menor de edad. Nakuha…

Read More

JAPAN BANK INTERESADO SA MAHARLIKA INVESTMENT

HANGAD ng Japan Bank for International Cooperation (JBIC) na makatuwang ang mga kompanya ng Pilipinas pagdating sa energy development. Nagpahayag din ang JBIC ng interes sa newly-passed Maharlika Investment Fund (MIF). Nagpahayag ng interes ang JBIC para sa energy tie-ups sa kompanya ng Pilipinas sa isinagawang courtesy call ni JBIC Chairman of the Board Tadashi Maeda kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa Palasyo ng Malakanyang. Tinuran ni Maeda, interesado silang tugunan ang papel ng liquified natural gas (LNG) bilang traditional source of power sa Pilipinas at ang pangangailangan na Philippines…

Read More

GEOMAPPING NG AGRI LANDS INIUTOS NI PBBM

NAIS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang lahat ng agricultural lands sa bansa ay sumailalim sa geomapping para magtatag ng soil maps para sa partikular na agricultural products upang tiyakin na maitataas ang ani at mapahusay ang kita ng mga magsasaka. Nagpalabas ng kautusan ang Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong sa Philippine Rice Industry Stakeholders Movement (PRISM) sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Miyerkoles. Ayon sa Pangulo, gumagamit na ang pamahalaan ng geomapping sa paglutas sa pagpapatitulo para palakasin ang agricultural production at itaas ang kita ng mga magsasaka.…

Read More

LEGALIDAD NG MIF KUKUWESTIYUNIN SA SC

(BERNARD TAGUINOD) IKINOKONSIDERA ng mga anti-Maharlika Investment Fund (MIF) na kuwestiyunin sa Supreme Court (SC) ang legalidad ng nasabing panukala na ipinasa at niratipikahan ng dalawang kapulungan ng Kongreso noong Miyerkoles ng gabi. Ito ang nabatid kay Gabriela party-list Rep. Arlene Brosas matapos pagtibayin ang kontrobersyal na panukala na pirma na lamang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kailangan para tuluyang maging batas. “Isa ‘yan (kukuwestiyunin sa SC) sa aming option,” ani Brosas sa press conference subalit hindi pa masabi ng mga ito kung anong mga probisyon sa MIF…

Read More

17 TAON KULONG, P10-M MULTA SA TAX RACKETEERS

MAHAHARAP sa pagkakakulong ng hanggang 17 taon at hanggang P10 milyong multa ang sinomang ang mandaraya sa buwis sa pamamagitan ng pekeng resibo. Ito ang nakasaad sa House Bill 8144 o An Act Defining the Crime of Tax Racketeering na pinagtibay sa botong 276 pabor, sa ikatlo at huling pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Mas mabigat ito sa kasalukuyang parusa na P50,000 hanggang P100,000 lamang at dalawa hanggang anim na taong pagkakabilanggo lamang. “This will restore public credibility and reliance on official receipts or invoices issued by the Republic…

Read More

PENSION FUNDS ‘DI KASALI SA MIF – PALASYO

WALANG balak ang gobyerno na gamitin ang state pension funds bilang “seed fund” para sa panukalang Maharlika Investment Fund (MIF). Sa isang panayam, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pension funds ay maaaring i-invest sa panukalang sovereign wealth fund kung sa tingin ng mga ito na ito’y “good investment.” “Of course, ah no, I agree. We have no intention of using… kukuha tayo ng pera ng pension fund,” ayon kay Pangulong Marcos. “We will not use it as a seed fund. However, if a pension fund, which is what…

Read More

MIF MAS MASAKLAP SA COCO LEVY FUND

ISANG daang beses na mas malala ang Maharlika Investment Fund (MIF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kumpara sa Coco Levy Fund ng kanyang amang si Ferdinand E. Marcos Sr. Ganito pinagkumpara ni Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) chairman emeritus at dating Congressman Rafael Mariano ang MIF kaya dapat aniya itong tutulan ng taumbayan. “The Maharlika Investment Fund is like the Coco Levy Fund on steroids. MIF is 100 times much worse than the Coco Levy fund that was extorted by the Marcos Sr. regime from coco farmers in the…

Read More