KUNG TOTOO ANG INTRIGA SA ‘YO HUWAG KA NANG MAG-DENY – ZOREN

0

(By ROMMEL GONZALES)

Dahil mga artista na (under the Kapuso Network) ang mga anak niyang sina Mavy at Cassy Legaspi,

tinanong namin si Zoren kung may advice ba siya sa twins on how to handle intrigues.

“Well, kasi ngayon ang intriga… sabi ko nga, mas malala ‘yung intriga namin dati eh. Mas malala, kasi ngayon pag may intriga kaya mo kaagad i–correct eh. Kasi meron kang Twitter, may Instagram ka, may Facebook.”

“Puwede mong sabihing hindi totoo ‘yung sinabi ni ganito, ni ganyan. Dati talagang hindi, magpapa-presscon ka,” at tumawa si Zoren.

Ano ang in-advice niya sa mga anak niya?

“Sabi ko laging ano, ang artista talaga hindi mawawala ang intriga, especially pag nagkaroon ka na ng competition sa kapwa artista.

“Kasi siyempre may fans siya, may fans ka. Minsan ‘di ba, ‘yung isang fan ipagmamalaki ka, tapos medyo hindi maganda masasabi sa isang artista, siyempre magre-react ‘yung fans naman nung kabilang artista.

“So, ganun ‘yung nangyayari. But ang sabi ko sa kanila, ako kasi fair ako eh, pag ang intriga totoo — wala kang magagawa.

“Totoo ‘yan e, ginawa mo ‘yan eh! But kung hindi totoo, then you have all the right to… bahala ka kung ano gusto mong sabihin, pero ‘pag ang isang intriga ay totoo, wala kang magagawa.”

Walang magagawa kundi umamin…

“Oo, wala kang magagawa.”

Or huwag na lang magsalita.

“’Wag ka na lang magsalita, ‘wag ka nang mag-deny, ‘yan.”

Co-managed ng mag-asawang Zoren at Carmina Villaroel ang GMAAC sa pagha-handle sa showbiz career ng twins.

Nasa GMA rin si Carmina.

This early ay social media sensations na ang kambal; pinag-uusapan at nagte-trending na. Si Mavy ay crush na ng mga girls; si Cassy ay crush na ng mga boys.

“Yeah…regarding that? Minsan nagugulat ako na may magsasabi sa akin na nag-trending sila, nag-trending ‘yung family, ganyan, hindi ko nga alam kung bakit nagte-trend ang isang bagay.

“Ang maganda lang kasi sa twins very approachable kasi sila, at saka ano…mapagkumbaba naman ‘yung dalawa, hindi mahirap i-please. Makikita ninyo naman sa personality nila eh.

“Pero iba kasi pag nag-artista ka na, kesa dun sa mga commercials na ginagawa mo. Pag nag-artista ka na, medyo ma-e-expose ka na talaga ng hundred percent — the way you talk, the way you present yourself, ayan, ma-e-expose ka na talaga,” wika pa ni Zoren.

Napapanood sina Carmina at ang twins sa Sarap, Di Ba?

Read More