MALING POSTING SA SSS CONTRIBUTION

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, taga San Jose Del Monte, Bulacan City po ako at nais ko pong ilapit sa inyo ang nakitang pagkakamali sa posting ng aking SSS contribution.

Lumabas kasi na ako ay nagtrabaho sa isang pagawaan ng semento rito sa Norzagaray, Bulacan. Samantalang hindi naman po ako nagtrabaho roon. Ang alam ko po ay tatlong kompanya lamang ang aking pinasukan at walang iba kundi ang mga kompanyang Magnolia Ice Cream, Scateh Paper at Mill Inc.

Nang aayusin ko po ang akin estado para sa retirement ko, lumabas nang may problema ako at pinakukuha ako ng Affidavit of Cancellation sa Continental Cement samantalang ‘di naman ako pumasok doon at kailangang pagawa raw ako sa abogado ng affidavit.

Misyon Aksyon, ang tanong ko po lamang ay bakit ako ang siyang gagawa ng pagkakamali ng SSS at ako rin ang gagastos? Sila ang nagkamali ng posting.

Nabalitaan ko noon na may pangyayari, isang factory worker pero naging seaman samantalang ‘di naman seaman ‘yung tao pero iba ang lumabas sa record.

Gumagalang,

Rosalina Arena Borreo Estabillo

03-6214723-2

Panawagan: Ma. Luisa P. Sebastian, Vice President SSS Media Affairs Department… Ma’am paki aksyunan naman ang isa po nating miyembro ng SSS bakit siya ang dapat gumawa ng paraan para maayos ang kaniyang SSS retirement samantalang ang nagkamali ang inyong tanggapan sa posting?

oOo

OPLAN TUGIS NG CIDG, BULACAN AT MGA ILEGAL HUHULIHIN

Saludo talaga ako sa bagong hepe ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Bulacan na si Major Rito Eglesia Sebuala, at sa kaniyang Deputy at Satellite Office ng CIDG chief na si SP04 Reginaldo Nicolas. Ito ay makaraang maaresto nila si Lito Geronimo Walinsundin alyas “Joselito” sa bisa ng WOA sa kaniyang safehouse sa Barangay San Roque SJDM Bulacan City. Ito kasi ay may kasong murder.

Si Walinsundin ay nagtago ng 16 taon at nahulihan ng cal. 45 at bala. Nagbabala rin si Major Sebuala na lahat ng may search warrant na nakabinbin ay kanilang aarestuhin kasabay ng mga ilegal na pa­sugalan, jueteng, paihi at buriki. Ito ang inihayag nina Major Sebuala at SPO4 Nicolas.

Saludo po ang Misyon Aksyon sa inyo! At sir, paki damay na rin po ang carnapper ng mga motor dito.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 /09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com /arnel_petil@yahoo.com/ arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon /  Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

LUPA NA BINILI SA KOMPANYA, AYAW IBIGAY?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, tubong Catanduanes po ako at nakipagsapalaran sa Maynila dahil sa aking sipag at katapatan.

Ito po ang naging armas ko kaya napasok ako sa isang poultry na Mabuhay Farm dito sa Barangay Gulod sa Novaliches. Kalaunan, ito ay naging laboratory agricultural supply na nasa 7th Floor Bldg. Ave Maria 1517 Quezon Avenue, Quezon City. Ang pangalan po ng kompanya ay Pharmagro Inc. 

1960 po ako nang mapasok sa kanila bilang isang kargador hanggang sa maging caretaker ng kanilang warehouse. Humigit kumulang sa limang dekada po ako nanilbihan sa kanilang negosyo kaya sa tuwa ng kanilang mga magulang, binigyan kami ng pakunswelo na lupa pero through salary deduction ang bayaran hanggang sa matapos ko po.

Natuwa po ang pamilya Abreu at in-offer ang lupa sa aming tatlong emple­yado kaya nabigyan kami ng tig-50 square meters na sukat sa mababang ­presyo.

Noong Mayo 15, 2000, lumagda po kami ng Deed of Sale with partition sa pagitan ng kanilang mga magulang na sina Gregorio M. Abreu at Cornelia M. Abreu para patunayan na sinsero sila sa mga em­pleyado na naging tapat sa kanilang mga trabaho.

Makaraang gawan ng technical description ni Geo­detic Engr. Mariano Capayan at masuma, umabot ito sa halagang P50,400. May sukat itong 48.41 square meter lot 1129-C-4-C-S. Ang usapan ay sa­lary deduction na aabot sa dalawang dekada.

Nais ko po na mapa­tituluhan ito at ma-transfer sa aking pangalan. Pero dito na po pumasok ang problema. Ang unang hakbang ko pong ginawa ay nagpaabiso na po ako sa pamamagitan ng sulat pero binabalewala po ng anak ang aming kasunduan.

Dahil sa matanda na po ako, nais ko pong isaayos na ang mga dapat gawin sa aking lupa na binili mula sa kanilang mga magulang. May bahay na akong nakatayo sa nasabing lupa na aking binili. Misyon, ano ba ang dapat kong gawin?

Gumagalang,

Wilfredo Monticalvo Sr.

Panawagan: Pharmagro, Inc. General Manager Gregorio M. Abreu Jr. Sir, bakit naman po ayaw ninyong ibigay ang lupa ng dati ninyong mga em­pleyado? Sa tuwa ng inyong mga magulang, binigyan sila ng lupang matitirikan dahil sa kanilang ambag sa inyong kompanya, pinagkatiwalaan at ini-offer ang lupa ninyo. Bakit ngayon ay ayaw ninyong ibigay ang pangako ninyo at pagagawan umano ng titulo? Sir, pinaghirapan naman nila ang nasabing lupa. Dugo at pawis nila ang naging kabayaran at sa kanila po ay mala­king bagay ito. Sana po ay ibigay na ninyo, sir.

At kay Mr. Monticalvo, sir, magsadya po kayo sa RD ng Quezon City at palagyan ninyo ng Annotation ang titulo na nakapangalan sa magulang nila at Adverse Claim. Kumuha na po kayo ng abogado.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 /09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com /arnel_petil@yahoo.com/ arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon /  Arnel Petil)

 

Please follow and like us:
Read More

SSS PENSION NG ASAWANG NAMATAY MAAARI BA’NG ISALIN?

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, nais ko pong humingi ng payo ukol sa SSS pension ng aking namatay na asawa kasi minsan ninyong natulungan ang aking manugang na namatay sa pamamagitan ng inyong kolum.

Kasalukuyan po kaming naninirahan sa Bayan ng Bacolod City, Negros Occidental. Matagal po kaming nagsama ng aking asawa at nagbunga ang aming pag-iibigan. Nang mamatay siya ay doon na pumasok ang aking problema.

Hindi ko po alam na may unang asawa siya. Kasal sila at may mga anak.

Inilihim niya sa akin ito nang matagal na panahon pero natuklasan ko rin sa huli. Katunayan, pinakasalan din ako ng aking asawa.

Hindi ko po alam ang kanyang SSS number, pero binigay ko po sa anak niya sa una ang kanyang ATM card at mula po noong 2013, natigil na ang pagtanggap ng pension kasi naisangla ang card.

Hindi naglaon, namatay na rin ang aking asawa na si Baltazar Nicar Mosenes kaya ‘di ko po alam ang tamang spelling (Musones o Masones) na nakalagay sa SSS record niya. Ipinanganak siya noong March 21, 1939. Nag-file naman kami, kaya lang naka-hold sa Miagaw, Iloilo kasi pangalawang asawa ako.

Ang tanong ko po ay anu-ano ang requirements, kung kuwalipikado po ba ako sa batas ng SSS? Kapag patay na po ang asawa, maaari po ba na ako na ang makatanggap ng benefits nito?

Gumagalang, Carmelita Guardiario Mosenes,

Asawa

Panawagan kay Vice President SSS Public Affairs and Special Events Division Ma. Luisa M. Sebastian. Ma’am, nagtatanong po ang isa pong tagasubaybay ng Misyon Aksyon sa Saksi Ngayon na si Carmelita Guardiario Mosenes.

Ang kanyang asawa ay isang dating pensyonado ng SSS at namatay na. Ano po ang kanyang maaaring benepisyo?

At kay lola Carmelita, ang tanggapan po ng SSS ang tutulong sa inyo at ang Misyon Aksyon po ay isang gabay lamang. Kaya sa SSS, salamat po nang marami sa walang sawang pag-ayuda sa aking kolum. Mabuhay po kayo.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 /09755770656 email address: Misyonaksyon@yahoo.com /arnel_petil@yahoo.com/ arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

CITY ORDINANCE 2016-88-06 PINATUTUPAD NG CTM-SCOG

Misyon Aksyon

Misyon Aksyon, isa po ako sa mga masugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Saksi Ngayon.

Residente ako ng San Jose Del Monte, Bulacan City. May isang pangyayari po kasi rito nang ipinatutupad ang RA 7160 ng ating gobyerno kung saan agad na inam­yendahan ng mga Konsehal ng Sangguniang Panlungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan.

Ito ay para sa kapakanan ng serbisyo-publiko dahil sa dumarami ang bilang ng mga pampublikong sasakyan at mga mananakay na kaagapay ng pag-unlad ng bayan.

Isa ang Barangay Muzon sa mga inaprubahan kaya nabigyan ang VCR Realty Corporation ng karapatang magtayo ng isang maayos na terminal. Ang Muzon Transport Terminal ay pinondohan ng isang pribado at mabuting tao para sa kapakanan ng publiko.

‘Yong mga enforcer na naatasang ipatupad ang City Ordinance ay mina-masama ng mga komyuter dahil nani­nibago sa bagong patakaran. Sa mga terminal na inilaan na hindi sagabal sa trapik, kaya ang dating may pakinabang ay nawalan kaya nagkaroon ng gulo.

Katunayan, ang isang enforcer ay sinaksak pa ng anak ng may-ari na inuupahan sa terminal. Tuloy sa City Traffic Management Service Clearing Operation Group (CTM-SCOG) nabunton ang sisi kaya sila ang masama. Hindi po sa pinapaboran ko sila. Hindi gaano kalakihan ang kanilang sahod pero madidisgrasya pa.

Kung mabibigyan ninyo ng espasyo sa inyong pitak para ipara­ting sa publiko ang kanilang pagmamalasakit na mapaliwanag dahil kapakanan at kabutihan ng publiko ang nakapaloob.

Sa pangunguna po ng kanilang CTTMO Director na si Bobby Esquivel, mahigpit pong direktiba ng punong lungsod na si Mayor Arthur B. Robes na ipatupad ang nasabing Ordinansa ng DILG-DOTC na atas rin ng Pangulong Duterte.

Gaya ng kanilang masisipag na CTM-SCOG Project Manager na si Reynaldo Pasco at Asst. Manager Fernando Manuel, kahit buhay ay handang ibuwis basta maipatupad ang direktiba ng DILG na maging kombin­yente ang mga mananakay. Hindi ito balakid sa pag-unlad ng bayan. Kaya naman ang RA 7160 Section 485(5)V Resolution no. 2016-1317-06 lalo pang isinasakatuparan.

 

Gumagalang,

Concerned Citizen

 

Sa CTM-SCOG ang mga kawani ng CTTMO, saludo po ang Misyon Aksyon sa inyo. Mabuhay po kayo! At sa mga kababayan natin na mga taga San Jose, kaunting pang-unawa naman po dahil sa ikabubuti naman ng bawat panig ang mga proyekto ng ating mayor.

Hapi-hapi b-day Kiram Canapi sa Nov. 12, 2019 ng San Pedro, Laguna Office of the Mayor. Pagbati mula sa Misyon Aksyon at iyong mga kasamahan.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, Pag-IBIG homeowners at iba pa. Cellphone No. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon /  Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

RESTRUCTURING NG NHMFC ‘KUMUNOY’ ANG SISTEMA; LAW FIRM MALA-HITLER (PART 2)!

Misyon Aksyon

Noong una po pinaalam namin na namayapa na ang aking ina na siyang principal borrower ng a­king bahay.

Akala ko, pag namatay na ang borrower ay awtomatiko na itong bayad dahil ayon sa paliwanag sa aking magulang kapag namatay raw siya wala na kaming problema dahil nakasaad sa kanilang kontrata na ang mananagot ay ‘yong insurance na, Misyon Aksyon.

‘Yon po palang pamana nila ay sakit ng kalooban at bulsa imbes na tapos na ay lumaki pa ang obligasyon sa National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC) sa loob ng 25 years na bayarin. Aabot ito ng 35 years dahil nabalewala na iyong 10 years na salary deduction, kaya lang natigil nang nag-resign sa company.

Noong una ang principal amount ng monthly amortization ay P3,914.96, ang loan value ay P278.800 na may 16% per annum ang interest na na takeout noong 1995. Pagkagaling ko po sa ibang bansa bilang OFW ay agad ko pong pinaayos sa dahilang walang tigil ang pananakot ng law firm na siyang may kontrata sa lahat ng delinquent borrower.

Nagbayad po ako ng halagang humigit kumulang sa P40k para sa interest at bayad sa kanilang law firm nang ma-compute po. Pumasok ang kontrata na 5 to 10 years na babayaran na may kabuuang bayarin na P365k na may monthly amortization na P4,758.32.

Nang mag-update po ako ng buwanang Oktubre, la­king-gulat ko dahil sa umaabot ng P850k halaga ng bahay, Mis­yon Aksyon. Saan napunta ang a­king monthly amortization na P4,800? Imbes na lumiit lumaki ito samantalang sila ang nagbigay ng lahat ng detalye kung magkano ang buwanang hulog at lahat ng bayarin.

Inaamin po naming pumalya sa paghuhulog bago namatay ang aking ina. Ilang buwan po ba? Ang dapat ay covered ng insurance para ma-avail ang benefits na kapag ikaw ay namatay para tapos na ang obligasyon mo sa iyong inutang na bahay.

Gumagalang

Mrs. OFW

 

Panawagan: NHMFC Chairman Eduardo del Rosario. Sir, pakiimbestigahan naman ang sumbong ng isa nating kababayan na OFW kasi imbes na matapos ang kanyang bayarin lalo itong lumaki dahil sa penalty samantalang updated naman ang kanyang hulog.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapa­liwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no.  Smart 09420874863/ 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com/arnel_petil@yahoo.com/arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

TUGON NG SSS SA MATERNITY BENEFIT NA HINDI NAKUHA DAHIL SA MANUAL POSTING

Misyon Aksyon

G. Petil:

Ito ay bilang tugon sa reklamo ni Gerlie Adoptante sa inyong pitak na may pamagat na, “SSS maternity benefit hindi makuha dahil sa manual posting at prior registration” na nailathala sa inyong pahayagan noong Oktubre 12.

Nakipag-ugnayan na ang SSS Sta. Maria Branch kay Ms. Adoptante at pinayagan na siyang isumite ang mga dokumento niya ukol sa kanyang maternity reimbursement claim. Ito’y ipoproseso sa sandaling maitama ang kanyang membership status.

Ikinalulungkot namin ang pagkaantala ng pagpa-file ng kanyang maternity benefit claim dahil “prior registrant” ang membership status niya sa SSS. Nangangahulugan po na hindi siya ini-report ng dati niyang employer, C and C Job Manpower, bilang empleyado nito. Dahil dito nanatiling “prior registrant” ang kanyang membership status sa halip na “covered employee.” Nais naming ipaunawa na ang hindi tugmang impormasyon ng miyembro ay isang sanhi ng pagkaantala ng pagpoproseso ng kanyang benepisyo.

Sa ilaim ng Republic Act 11199 o Social Security Act of 2018, obligado ang employer na i-report ang kanilang empleyado sa loob ng 30 araw mula sa unang araw ng kanyang pagtatrabaho sa kanilang kompanya sa pamamagitan ng SS Form R-1A o ang Employment Report.

Para kay Gerlie, aabisuhan siya ng aming branch kapag naipasok na sa kanyang ATM ang kanyang maternity benefit. Gayundin, pinayuhan siya ng branch na i-update ang kanyang civil status para sa kanyang aplikasyon sa Unified Multi-Purpose ID (UMID) card.

Nais naming samantalahin ang pagkakataong ito na ipaalala sa aming mga miyembro na i-update ang kanilang rekord sa SSS upang maiwasan ang pagkaantala ng kanilang mga benepisyo.

Salamat po.

Sumasainyo,

MA. LUISA P. SEBASTIAN

Vice President

Public Affairs and Special Events Division

SSS MEDIA AFFAIRS DEPARTMENT

(02) 9206401 local 5050, 5052-55, 5058

7th floor SSS Building, East Avenue

Diliman, Quezon City

Please follow and like us:
Read More

RESTRUCTURING NG NHMFC ‘KUMUNOY’ ANG SISTEMA; LAW FIRM MALA-HITLER!

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, isa po akong OFW at nais ko pong idulog ang aking problema ukol sa housing loan ng aking magulang na kinamatayan niya. Pero ako ang nagpatuloy kaya nag-OFW ako. Sa pamamagitan ninyo bilang isa kayo sa 4th state sa bansa, kapag idinaing sa inyo ay madaling mabibigyan ng aksyon ang anumang problema.

Ang isa po palang pabahay, at kapag empleyado sa pribadong sektor ang naroon, ang housing loan sa gobyerno ay “kumunoy” ang sistema. Imbes na matapos, lalong humahaba ang penitensya at kung ‘di mo makayanang hulugan ito sa bigat ng kanilang scheme, sa interes lamang nauuwi ang iyong mga hinuhulog. Kapag nagmintis sa hulog ay sa kalsada ka uuwi sa dahilang rematado ang iyong bahay.

Mabuti pa po ang grupong KADAMAY, kapag pinasok nila ang pabahay ng gobyerno ay may instant bahay na. Ka¬ming nagsisikap na mga OFW ay nganga. Ang panawagan ko po kay Pa¬ngulong Rodrigo Duterte ay alisin ang sistemang bulok na pinairal ng nagdaang administrasyon. Imbes na makabuti ay nakasama ito.

Misyon Aksyon, kaming mga OFW na dugo at pawis ang puhunan na kapag minalas sa amo ay malamig na bangkay at luha ang kapalit ng paghihirap sa ibang bansa. Ang aking panawagan, sana po ay marinig kami ni Pangulong Duterte.

Kapag umabot ka na ng 10 hanggang 15 taon na tuluy-tuloy ang hulog ay maaari nang ikonsidera ang aming kontrata kahit nakasaad na dapat ay 25 taon. Kasi ‘pag sinuma mo ang nahulog na monthly amortization, maging ang penalty, ay triple na mula sa principal loan ang halaga ng iyong bahay.

Housing-loan po ito sa SSS na napunta sa National Home Mortgage Finance Corporation o NHMFC na lalong nagkawindang-windang. Trauma rin ang inaabot kasi naroon ang panggigipit ng mga tauhan ng law firm na kinuha ng NHMFC para gipitin ang mga borrower. Sangkatutak na demand letter din ang darating sa bahay mo at mga follow-up na kulitan mula sa call center agent ng law firm ay wagas din ang takutan.

Gumagalang,

Mrs. OFW

oOo

Susunod po ay ilalahad po natin ang kanilang mapanikil na sistema at paano naloko ang ating kababayan.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG Homeowners at iba pa. cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 Email address: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com   (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

SSS MATERNITY BENEFIT HINDI MAKUHA DAHIL SA MANUAL POSTING AT PRIOR REGISTRATION

Misyon Aksyon

MISYON Aksyon, taga Pandi, Bulacan po ako at isang masugid na tagasubaybay ng inyong kolum sa Saksi Nga­yon. Una po’y pagbati sa lahat ng iyong mambabasa. Nais ko pong hu­mingi ng tulong ukol sa aking SSS Maternity Be­nefit kasi inaabot na po ng dalawang taon mula nang isilang ko ang aking anak.

Nanganak po ako noong March 16, 2018 sa aking pangalawang anak. Noong April 4, 2018, nag-file ako ng maternity benefit kaya lang nagkaroon po ng problema dahil sa aking dalawang employer na Kabayan San Jose Builders Hardware at C and C Manpower Agency dahil hindi nila pinare-receive ang R1-A para i-post ang aming hulog.

Kada buwan po nagpa-follow-up po ako at ang sabi nila ipa-manual ko raw para maayos ang aking record. Naisaayos naman ito noong July 2019 nang magsadya muli ako sa SSS Sta. Maria. Nag-note po sila ng “Prior Registration”, pero ang main office raw ang gagawa dahil IT ng SSS ang may karapatan para rito.

SSS number daw iyon, samantalang may SSS number naman ako. Hindi ko malaman kung ano ang talagang problema ng SSS, kada magpa-follow-up ay may problema. Hindi na lang nila sabihin kung ano talaga ang problema para ‘di naman ako pabalik-balik.

Misyon Aksyon, sana ay matulungan po ninyo ako dahil may katagalan na ang maternity ko. Sabi ay hanggang 10 years daw bago mapaso ang pag-claim ng maternity. Baka 10 na ang anak ko ay hindi pa ako nakakapag-claim. Nagtanong naman po ako kung makakapag-claim ako. Kuwalipikado naman daw pero bakit ganoon? Dapat sabihin ng SSS nang minsanan at hindi chop-chop ang payo nila dahil umaasa ako sa aking benepisyo.

Gumagalang,

Mrs. Gerlie Adaptante

SSS. No. 0507370589

Panawagan: Para kay Madam Ma. Luisa M. Sebastian, Vice President, SSS Public Affairs and Special Events Division at Madam Beth Suralvo. Paki tulungan naman ang isa nating miyembro ng SSS na nagki-claim ng kaniyang SSS maternity benefit dahil humigit kumulang dalawang taon nang pabalik-balik ay hindi pa niya ito nakukuha. Paki aksyunan naman po.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: Problema sa SSS, GSIS, PagIBIG homeowners at iba pa. Cellphone no.  Smart 09420874863/ 09755770656 Email address: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com / arnelpetil12@gmail.com http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More

KAPITAN NG GAYA-GAYA HINDI KUMIKILOS SA BARANGAY?

Misyon Aksyon

Sinadya ng Misyon Aksyon na puntahan si Kapitan Victorino H. Gerona Jr. ng Barangay Gaya-Gaya para kunan ng panig sa isyung lumabas sa Saksi Ngayon nitong Setyembre 28,  “Istasyon ng pulisya nakatiwangwang, adik at kriminal nagkalat?” Ito ay hinggil sa Peace and order sa kaniyang Barangay.

Agad akong ipinasa kay Kagawad Rogelio Gojo Cruz na siyang chairman ng Peace and Order. Aminado ang kagawad na talagang magulo at maraming kriminal sa Tower-Ville 6 dahil galing sa iba’t ibang mga lugar sa Metro Manila ang mga tao at hindi alam ang kanilang mga pagkatao. Sa katunayan aniya pinatay ang isa niyang hepe ng tanod nang magresponde sila noong nakaraang linggo kung saan naaktuhan nila ang nagaganap na bentahan ng shabu.

“Humingi naman kami ng responde sa pulis dalawang oras bago dumating at ‘yong Police Station na dinonate ng Tower-Ville sa 6-c dapat lagyan ng pulis kaya lang paano kami mabibigyan ng pulis sa Barangay eh kulang na kulang ang pulis ng San Jose Del Monte, Bulacan?

“Umaabot sa 60k ang mga residente ng naturang Barangay. Kahit maraming tanod ang idagdag mo hindi pa rin sasapat, higit sa lahat hindi kami makaporma dahilan sa batuta lamang ang aming sandata. ‘Yong mga kriminal ay mga armado ng matataas na kalibre ng baril. Sana aksyunan ito ng PNP ani pa ni kagawad Cruz.,” aniya.

Panawagan: Kay Region III PbGen. Joel Napoleon Martinez Coronel at Bulacan Provincial Dir. PCol. Chito Galvez Bersaluna. Sir, paki aksyunan naman ang problema ng Tower-Ville Gaya-Gaya dito.

Kay Mayor Arthur B. Robes, sir, mukhang ‘di kaya ng kapitan ng Barangay Gaya-Gaya na si Victorino H. Gerona Jr.  ang lugar na ito. Wala itong bisa bilang kapitan, magbitiw na lang siya dahil hindi kumikilos sa kaniyang Barangay. Sayang lang po ang pinasusweldo sa kaniya.

oOo

Nakikiramay po ang iyong lingkod sa Pamilya Buniel dahil namayapa si Ulyses L. Buniel noong Setyembre 26 sa edad na 46. Ang kanyang mga labi ay nakahimlay sa St. Peter Chapel Tandang Sora Commonwealth, ihahatid ito sa huling hantungan ngayong araw, Oktubre 5.

Bukas po ang aking kolum para sa inyong panig at kapaliwanagan. Note: problema sa SSS, GSIS, Pag-IBIG Homeowners at iba pa. Cellphone no. Smart 09420874863 / 09755770656 EMAIL ADDRESS: Misyonaksyon@yahoo.com / arnel_petil@yahoo.com/ arnelpetil12@gmail.com. http://misyonaksyon.blogspot.com (Misyon Aksyon / Arnel Petil)

Please follow and like us:
Read More