PARANG BAKLA AKONG MAGMAHAL

MY FATTY VALENTINE

olea“Para akong bakla pag na-in love. Ibibigay ang lahat-lahat. Pero pag umayaw ako, you will never like me…”

Hugot iyan ng 50-anyos na singer-comedienne na si Marissa Sanchez, nang makatsikahan namin sa Messenger kaugnay sa Valentine concert nila ni Eric Nicolas na My Fatty Valentine, na nakatakda sa Pebrero 14 nang 9:00 PM sa Km. 19, East Service Road, Sucat, Muntinlupa City.

Expect Marissa to bare her soul in this show! And more!

Aba! Hataw siya sa rehearsal ng dance number para sulit ang tiket na P1,000 sa concert.

“This should be a surprise but I’ll give you a clue: halos lahat, alam nang sayawin ang dance na pinaghahandaan namin,” sabi ni Marissa.

“But what’s going to set our performance apart is the personal touch we’ll add to the original choreography.

“Unfortunately, my movements will be quite limited due to slip disc (as advised by my Doctor Therapist, Dr. Leomil Adriano), but I can assure you this won’t stop me from making you laugh and providing entertainment.

“Kuya Eric is one of the most brilliant comedians I’ve known sa industriya. Before I met him, akala ko, ang galing ko na. Yun pala, ang dami ko pang kakaining bigas.

“It’s truly an honour for me to be working with this ultra talented guy.

“What will set this show apart from what I’ve done in the past is this time around, I have a a partner who perfectly complements my style. Hindi lang ako iyung magpapatawa, gigiling, and kakanta.

“Our musical director is still Elmer Blancaflor, and our director is none other than his beautiful wife, Vivian Poblete-Blancaflor. Back up vocals is headed by the renowned ‘halimaw’ Kearny Amarillo.”

Sa pagsapit ng Year of the Metal Rat, ano ang naba-vibes niya sa buhay at career, lalo pa’t Golden Girl na siya?

“First of all, Kung Hei Fat Choi to everyone celebrating it!” pagbati ni Marissa.

“As to how I think 2020 will be like, I just pray that God provides what He wills for me. I fully entrust my life to Him, and I offer my life’s (hard) work and all the effort I put in my craft.”

Si Marissa mismo ang producer ng My Fatty Valentine. Ito ang 2nd concert na prinodyus niya.

Nangarag si Marissa sa mga toxic na ganap sa paghahanda para sa concert.

Aniya, “I’ve faced a lot of obstacles throughout our preparation for My Fatty Valentine. In fact, there are times when I’ve cried about them (thanks to Sir Wowee Posadas of 19East who has been supporting me). “Coincidentally, the Taal Volcano incident happened, making me realize that whatever we had encountered for the concert is so small compared to what the victims are going through.

“Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Given the magnitude of help required sa mga pangyayari, I chose to help by lending a hand and donating resources to friends and acquaintances living near the disaster area.

“This calamity, also the other ones happening around the world, is sending us a message. We should be better stewards and make our lives count for God’s glory.

“Ako mismo ang nag-produce nito as I said to myself, this time, tulungan ko naman ang sarili ko. Kasi, I always live for other people. But turns out, mas happy pa rin pala ako helping others than myself.”

Sa mga gustong bumili ng tiket, makipag-alam kay Miss V sa cell number 0997-700-9573.

JADINE MALABONG MAGKABALIKAN

JADINE-4Kung Hei Fat Choy! Kiong Hee Huat Tsai! Congratulations and wishing you prosperity! Year of the White Metal Rat na, at ayon sa spirit questor na si Atty. Nick Nañgit, sasabog pa rin ang Bulkang Taal.

“Masasabi nating parang traydor ito, dahil dala ng katahimikan ang labis na panganib. Sa gitna ng kadiliman, ang apoy at tubig ay biglang bubulwak,” ani Atty. Nick.

Aniya, malabong magkabalikan sina James Reid at Nadine Lustre. Goodbye, JaDine!

“Mataas ang hangarin ng parehong Rooster at hindi sila papayag na basta-basta lang. Malalim ang hinanakit nila sa isa’t isa, bagama’t nandiyan pa rin ang respeto.

“Pag nag-give up na ang isang Taurus, hindi na ito babalik pa. Pag nasaktan naman ang Scorpio, ayaw na nitong maalala pa.”

Ayon sa National TV Ratings ng Kantar Media, wagi sa timeslot nito ang teleseryeng A Soldier’s Heart sa unang apat na gabi.

“Sa simula lang ito aarangkada, subali’t mahihinto agad, dahil magsasawa ang tao sa tema. Kasabay rin nito ang problema kung saan ito mapapanood.

MATAMLAY NGAYON PERO AANGAT SA SUSUNOD NA TAON

JULIA-GERALD-JOSHUA“Matamlay sa ngayon ang dating ni Gerald Anderson sa manonood, pero aangat siyang muli sa susunod pang taon.”

Magiging blockbuster hit ba ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na BlockZ?

“Matumal ang pagtanggap dito. Mas mainam na magkahiwalay na proyekto ang ibigay kina Joshua at Julia.

MAS SISIKAT SI JOSHUA

“Mas sisikat si Joshua kaysa kay Julia, dahil sa taglay nitong galing. Bukod sa kakulangan ng tiwala sa sarili ang dalaga, sasalungat din sa kanya ang sansinukob, maliban na lamang kung mas mapangahas ang mga gagawin niya.”

E, ang teleseryeng Tanging Mahal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla?

“Matamlay ang dating ng Tanging Mahal, subali’t maraming mag-aabang kay Kathryn. Sakto lang ang career ni Daniel na dadalhing pataas ng taon.”

Agree ka ba, Tito KC? Spin-a-win!

PRE-LOVED ITEMS NG AVANZADO FAM FOR SALE PARA SA TAAL

JESSA-2Kaugnay sa kaarawan ni Jessa Zaragosa, magbebenta siya ng pre-loved (second hand) items nila ng asawang si Dingdong Avanzado at anak na si Jayda Avanzado.

Gaganapin ito sa Enero 31, Biyernes, 4:00-7:00 PM sa Cornerstone Studio, Unit 205 Corporate, 145 Bldg. Mother Ignacia St., Quezon City. Malapit ito sa ABS-CBN.

Ang malilikom na pondo ay para sa mga nasalanta ng pag-aalburuto ng bulkang Taal.

MALIGAYANG KAARAWAN, GORGY

Maligayang kaarawan kay Gorgy Rula! Syempre, ginugunita rin natin today ang birth anniversary ng namayapang Tito Alfie Lorenzo. Bukas naman ang second death anniversary ni Direk Maryo J. de los Reyes.

Read More

BET BANG ISALI NG MACBETH SI DARREN ESPANTO SA RAKRAKAN 2020 MUSIC FEST?

DARREN ESPANTO-1

oleaTala nang Tala ang competing groups sa thanksgiving party ng Macbeth nitong Thursday night sa Elements, Centris Mall, Quezon City. Hindi na iyon ikinagulat ng hosts ng programa na sina Shalala at Rico Robles.

Kabilang sa guest performers sa Macbeth event si Kyline Alcantara, na bida sa upcoming Kapuso afternoon teledrama na Bilangin Ang Mga Bituin sa Langit.

Muntik nang tumambling si Shalala nang magtanong si Rico kung ang nasabing TV drama series ay related sa movie ni Sharon Cuneta, na nagbida sa Bituing Walang Ningning at Bukas, Luluhod Ang Mga Tala.

Ang bida sa pelikulang Bilangin Ang Mga Bituin Sa Langit ay ang Superstar na si Nora Aunor, na tampok din sa TV version.

“Hindi pa naman po ganoon kabigat ang mga eksena ko sa first and second taping day,” sabi ni Kyline.

“But tomorrow is my third day na mag-taping, and kinakabahan pa rin po ako until now. Ngayon pa lang po kami nagkakaroon ng relationship with Miss Mylene (Dizon), and especially with Direk Laurice (Guillen).”

Namataan din namin sa Macbeth party sina Marcelito Pomoy, Randy Santiago, Bayani Agbayani, Marc Pingris, Kim de Leon, Jeremiah Tiangco, Anthony Rosaldo, Alvin Patrimonio, at ang mag-amang Benjie and Andre Paras.

Ang vision ng Macbeth ay maging brand na nire-represent ang lifestyle at culture ng musicians at artists.

Pahayag ng marketing head ng Macbeth na si Rhome Yu, “Our mission is to enable creative expression and inspire band and music culture by providing creative and fun designs to our consumers.”

Kabilang sa mga banda na brand ambassadors ng Macbeth ang Chocolate Factory, Mayonnaise, Join The Club, Soapdish, I Belong To The Zoo, This Band, Maledine, Written By The Stars at Square One.

Oh, yes, Tito KC! Macbeth ang presenter ng forthcoming Rakrakan 2020 music fest.

Last year, controversial ang pagmumura at pagdi-dirty finger ni Juan Karlos “JK” Labajo sa heckler sa Rakrakan, iyong paulit-ulit sumigaw ng “I love you, Darren!”

Ayon kay Rhome, hindi naka-line up ang banda ni JK sa Rakrakan 2020. Napangiti si Rhome nang usisain namin kung bet nilang isali si Darren Espanto.

NAGKAGULO NA KAY MARCELITO POMOY

MARCELITO POMOYNoong una, wala masyadong pumapansin kay Marcelito Pomoy sa thanksgiving party ng Macbeth. Pero nang ipakilala na siya para kumanta, nagkagulo na ang mga bisita.

“Siya iyong kumanta ng The Prayer!” sabi ng babae sa likod namin, sa katabing lamesa.

Iniwan ng girl ang kanyang bag at nakipagsiksikan sa harap ng stage para ma-video si Pomoy. Pati iyong ibang band members, vinideo ang performance niya.

Despacito ang kinanta ni Marcelito. Sa chorus, sa halip na kantahin ng audience ay salitang “despacito,” pinalitan nila iyon ng “Marcelito”!

Kung iyong naunang guest performers ay tig-iisa lang ng kanta, “More!” ang sigaw ng audience, kaya bumanat na si Marcelito ng makapanindig-balahibo niyang rendition ng The Prayer.

Bitin pa rin ang mga tao. Kaya pinagbigyan niya ang mga ito at umawit siya ng My Heart Will Go On (theme song ng Titanic).

Iinterbyuhin namin sana agad si Marcelito after his performance, pero natagalan iyon sa dami ng nagpa-picture sa kanya!

Last week ng January ang alis ni Marcelito pa-America para sa semi-finals ng America’s Got Talent, na magte-taping sa first or second week ng Pebrero.

Pinaghahandaan syempre nang husto ang semi-finals, kung saan 20 silang magkakalaban.

“Parang bumalik ako dati sa umpisa. Pero mas malala ito!” sambit ni Marcelito, na palaboy at construction worker bago nagwagi sa 2nd season ng Pilipinas Got Talent noong 2011.

Nagpapasalamat si Marcelito sa mainit na suporta ng mga kababayan, lalo na iyong mga Pinoy sa Amerika. Humiling siya ng dasal para sa ikapagtatagumpay niya.

At wish din ni Marcelito na maka-duet si Celine Dion!

PARANG BAKLA KUNG MA-IN LOVE

“Para akong bakla pag na-in love. Ibibigay ang lahat-lahat. Pero pag umayaw ako, you will never like me…”

Hugot iyan ng 50-anyos na singer-comedienne na si Marissa Sanchez, nang makatsikahan namin sa Messenger kaugnay sa Valentine concert nila ni Eric Nicolas na My Fatty Valentine, na nakatakda sa Pebrero 14 nang 9:00 PM sa Km. 19, East Service Road, Sucat, Muntinlupa City.

Expect Marissa to bare her soul in this show! And more!

Aba! Hataw siya sa rehearsal ng dance number para sulit ang tiket na P1,000 sa concert.

“This should be a surprise but I’ll give you a clue: halos lahat, alam nang sayawin ang dance na pinaghahandaan namin,” sabi ni Marissa.

“But what’s going to set our performance apart is the personal touch we’ll add to the original choreography.

“Unfortunately, my movements will be quite limited due to slip disc (as advised by my Doctor Therapist, Dr. Leomil Adriano), but I can assure you this won’t stop me from making you laugh and providing entertainment.

“Kuya Eric is one of the most brilliant comedians I’ve known sa industriya. Before I met him, akala ko, ang galing ko na. Yun pala, ang dami ko pang kakaining bigas.

“It’s truly an honour for me to be working with this ultra talented guy.

“What will set this show apart from what I’ve done in the past is this time around, I have a a partner who perfectly complements my style. Hindi lang ako iyung magpapatawa, gigiling, and kakanta.

“Our musical director is still Elmer Blancaflor, and our director is none other than his beautiful wife, Vivian Poblete-Blancaflor. Back up vocals is headed by the renowned ‘halimaw’ Kearny Amarillo.”

Sa pagsapit ng Year of the Metal Rat, ano ang naba-vibes niya sa buhay at career, lalo pa’t Golden Girl na siya?

“First of all, Kung Hei Fat Choi to everyone celebrating it!” pagbati ni Marissa.

“As to how I think 2020 will be like, I just pray that God provides what He wills for me. I fully entrust my life to Him, and I offer my life’s (hard) work and all the effort I put in my craft.”

Si Marissa mismo ang producer ng My Fatty Valentine. Ito ang 2nd concert na prinodyus niya.

Nangarag si Marissa sa mga toxic na ganap sa paghahanda para sa concert.

Aniya, “I’ve faced a lot of obstacles throughout our preparation for My Fatty Valentine. In fact, there are times when I’ve cried about them (thanks to Sir Wowee Posadas of 19East who has been supporting me). “Coincidentally, the Taal Volcano incident happened, making me realize that whatever we had encountered for the concert is so small compared to what the victims are going through.

“Hiyang-hiya ako sa sarili ko. Given the magnitude of help required sa mga pangyayari, I chose to help by lending a hand and donating resources to friends and acquaintances living near the disaster area.

“This calamity, also the other ones happening around the world, is sending us a message. We should be better stewards and make our lives count for God’s glory.

“Ako mismo ang nag-produce nito as I said to myself, this time, tulungan ko naman ang sarili ko. Kasi, I always live for other people. But turns out, mas happy pa rin pala ako helping others than myself.”

Sa mga gustong bumili ng tiket, makipag-alam kay Miss V sa cell number 0997-700-9573. (PROOOF / Jerry Olea)

Read More

PRODU-DIRECTOR KUMITA NG LIMPAK-LIMPAK

Atty Joji Alonso

oleaGumastos ang movie producer na si Atty. Joji Alonso ng P3.5M para sa (K)AMPON na nag-first shooting day na. Bida sina Kris Aquino at Gabby Concepcion sa nasabing film project.

Naligwak sa MMFF 2019 ang nasabing horror project, kaya hindi na natuloy ang shooting niyon.

In-invest na lang ni Atty. Joji ang pera niya sa pelikulang The Panti Sisters, na kumita ng limpak-limpak sa 3rd Pista ng Pelikulang Pilipino.

Blessing-in-disguise na na-shelve ang (K)AMPON.

FIESTA SA KATAWANG LUPA NI MARCO SA NETFLIX

JUST A STRANGERNasa Netflix na ang hit movie na Just A Stranger. Pinagpipistahan ng mga Vadinger Z ang katakam-takam na katawang lupa ni Marco Gumabao. Pwetmalu! Talap-talap…

Nagulat si Migo Adecer na palabas pa rin hanggang ngayon ang FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Umpisa sa Lunes, kabakbakan ng teleserye ni Coco ang Kapuso primetime series na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan kasali si Migo at ang pangalan ng karakter niya ay Coco…

Save the date! Pebrero 9 ang 4th Film Ambassadors Night ng FDCP (Film Development Council of the Philippines). Ikinakasa na rin ng FDCP ang 4th Pista ng Pelikulang Pilipino sa Setyembre 11-17, 2020, na bale pagtatapos ng Sine Sandaan…

PINUSUAN ANG NEW TV SHOW NINA GERALD AT CARLO

Ayon sa National TV Ratings (Urban + Rural) ng Kantar Media noong nakaraang linggo, Enero 13-17, wagi sa timeslot nito ang finale week ng The Killer Bride nina Maja Salvador, Janella Salvador, Joshua Garcia at Geoff Eigenmann.

Enero 13, Lunes, 18.0% ang The Killer Bride, kontra sa 12.3% ng One of the Baes.

Enero 14, Martes, 18.2% ang The Killer Bride, kontra sa 11.9% ng One of the Baes.

Enero 15, Miyerkules, 17.6% ang The Killer Bride, kontra sa 12.4% ng One of the Baes.

Enero 16, Huwebes, 19.1% ang The Killer Bride, kontra sa 11.8% ng One of the Baes.

At Enero 17, Biyernes, 19.3% ang huling episode ng The Killer Bride, kontra sa 12.1% ng One of the Baes.

Gerald Anderson-Carlo AquinoAng kapalit ng The Killer Bride ay ang A Soldier’s Heart nina Gerald Anderson at Carlo Aquino. Kumusta kamo ang pagtibok nito?

Noong Enero 20, Lunes, naka-19.8% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.7% ng One of the Baes.

Noong Enero 21, Martes, naka-18.6% ang A Soldier’s Heart, kontra sa 11.3% ng One of the Baes.

Pinusuan din ng televiewers ang A Soldier’s Heart.

Syempre, undisputed champion pa rin sa ratings ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin, at pangalawa ang Make It With You nina Liza Soberano at Enrique Gil.

Sa mga panghapong drama, umarangkada pa rin last week ang Prima Donnas ng GMA 7, kontra sa madalas na katapat nito na Kadenang Ginto. May mga pagkakataon kasi na katapat o ka-overlap ng Prima Donnas ang huling bahagi ng It’s Showtime.

Enero 13, Lunes, 16.5% lang ang Kadenang Ginto, kumpara sa 19.2% ng Prima Donnas.

Enero 14, Martes, 16.0% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 18.2% ng Prima Donnas.

Enero 15, Miyerkules, 16.7% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 17.4% ng Prima Donnas.

Enero 16, Huwebes, 17.6% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 18.5% ng Prima Donnas.

Enero 17, Biyernes, 17.9% ang Kadenang Ginto, kumpara sa 16.8% ng Prima Donnas.

Enero 20, Lunes,  18.0% ang Prima Donnas, kumpara sa 15.8% ng Kadenang Ginto.

Enero 21, Martes, 17.0% ang Prima Donnas, kumpara sa 16.3% ng Kadenang Ginto.

Nakabawi ang Gold Squad last Friday, pero nalugmok muli.

Ma-extend kaya ang Prima Donnas, kung saan lucky charm si Aiko Melendez?

Exciting ang mga kaganapan sa local TV. Finale na ng Beautiful Justice mamayang gabi sa GMA 7, at sa Monday night ay magpapakitang-gilas na ang Anak ni Waray vs Anak ni Biday na pagbibidahan nina Barbie Forteza at Kate Valdez.

Ang conflict ng kuwento ay mag-uumpisa sa magkaibang matalik na sina Amy (Max Collins) at Susie (Lovi Poe), na kapwa iibig at mabubuntis ni Joaquin (Jason Abalos), kaya magiging mortal na magkaaway.

ARANETA CITY’S CHINESE NEW YEAR CELEBRATION

Araneta City joins the celebration of the Chinese New Year on January 25, 2020, with new beginnings and renewals spurred by the White Metal Rat.

To invite prosperity this Chinese New Year, Chinese dragons and lions and Chinese Drummers will be performing in all malls, hotels, and residential buildings in the City of Firsts.

Good luck and fortune await shoppers and patrons of Gateway Mall, Ali Mall, and New Farmers Plaza on Chinese New Year.

They will get a chance to hear from Feng Shui Master Hanz Cua, or get exclusive sessions with tarot card reader Rob Rubin.

Participants will also have a chance to join the tassel knot décor making contest, take selfies or groupies in the Chinese New Year-themed photobooth, and enjoy many more exciting surprises.

To participate, one simply has to present a minimum single-receipt purchase of Php 500 from any Araneta City establishment in registration tables at the activity area of these malls from 11:00 AM to 3:00 PM on January 25.

Hopia brand Eng Bee Tin is also expected to shower blessings on Chinese New Year. A minimum single-receipt purchase of Php 250 from any Araneta City food courts and Dampa entitles one with a free regular pack of Eng Bee Tin in any of its classic variants -– monggo, ube, buko or pandan. (PROOOF / Jerry Olea)

Read More

BUTI NA LANG KFC ANG INI-ENDORSO NG KATHNIEL

KATHNIEL-5

oleaLove is in the air! Konting kembot, kendeng at kandirit na lang, Valentine’s Day. Araw ng mga Puso, pinakahihintay ng mga magsing-irog!

Syempre pa, inaabangan natin ang mga patalastas na humahaplos at kumukurot sa puso sa pagsapit ng V-day. May forever na pampakilig, Tito KC?!

Aba! Sa Team Jollibee, andiyan ang patalastas ng JoshLia (Joshua Garcia at Julia Barretto, na bida sa zombie movie na Block Z na showing sa Enero 29) at JaDine (James Reid at Nadine Samonte, este, Lustre).

Sa Team McDo, andiyan ang Sharon Cuneta-Gabby Concepcion at AlDub (Alden Richards at Maine Mendoza), McLisse (McCoy de Leon at Elisse Joson), at BiGuel (Bianca Umali at Miguel Tanfelix).

Hiwalay kung hiwalay?!

Buti na lang, KFC ang inendorso ng KathNiel (Kathryn Bernardo at Daniel Padilla)!!!

APAT NA PROBINSIYANA ANG BAGONG KALABAN NI CARDO

COCO-4Apat na probinsyana ang bagong kalaban ni Cardo Dalisay (Coco Martin) sa ratings. Umpisa sa Lunes, makikipagsalpukan sa FPJ’s Ang Probinsyano ang Kapuso teleserye na Anak ni Waray vs Anak ni Biday, kung saan tampok bilang mag-inang Waray at mag-inang Ilocana sina Snooky Serna, Barbie Forteza, Dina Bonnevie at Kate Valdez.

Inspired ito ng 1984 Regal movie na tinampukan nina Nida Blanca, Maricel Soriano, Gloria Romero at Snooky Serna, plus Nestor de Villa, Luis Gonzales, William Martinez and Gabby Concepcion, directed by Maryo J. de los Reyes (na 2nd death anniversary sa Lunes, ang pilot telecast ng TV version ng Anak ni Waray vs. Anak ni Biday).

Nagbida sina Nida at Nestor sa 1954 movie na Waray-waray, samantalang bida sina Gloria, Ric Rodrigo, Rudy Francisco at Dolphy sa 1954 movie na Dalagang Ilocana.

Sina Amalia Fuentes at Luis Gonzales ang bida sa 1966 movie na Manang Biday.

Oh, yes! Sa pelikula ay anak ni Biday si Snooky, pero sa TV ay siya ang ina ni Waray. Mas bet ni Dina na gumanap bilang Ilocana dahil ang asawa niya ay kasalukuyang Congressman ng Ilocos Sur. Nakapag-campaign nga si Dina sa Ilocano dialect.

Chance din iyon ni Dina para ma-promote ang Ilocos Region. Kaya lang, sa Ilocos Norte ang karamihan ng Ilocos scenes ng bagong Kapuso primetime show.

Whereas comedy ang mga pelikulang Waray-waray, Dalagang Ilocana, Manang Biday at Anak ni Waray vs Anak ni Biday, itong TV version ng ANWvANB ay madrama.

Ang mga ina ay dating matalik na magkaibigan, na naging mortal na magkaaway. Iisang lalaki ang minahal nila at nakabuntis sa kanila. Sabay silang nanganak sa isang ospital, at nagkaroon ng switching ng babies.

Ang dalawang daughter, nang lumaki at nagkakilala, ay naging best friends din. At iisa ring lalaki ang nagpakilig sa kani-kanyang puso.

Biruin mo, tinaray-tarayan ni Biday ang anak ni Waray, samantalang ito pala ang tunay niyang anak?!

Ito na kayang Anak ni Waray vs Anak ni Biday ang magpapatumba sa FPJ’s Ang Probinsyano? Abangan ang susunod na kabanata!

JAY MANALO NAGPAPABATA?

JAY MANALONakalagay sa Google na 43 years old pa lang si Jay Manalo, pero ang aktor na mismo ang nagsabi sa amin na mali iyon.

“Hindi ako nagpapabata, 47 na ako,” sabi ni Jay.

Si Jay ang gaganap bilang ama nina Barbie Forteza at Kate Valdez sa Anak ni Waray vs Anak ni Biday. Walang kamalay-malay ang mag-best friends na half-sisters pala sila.

Sa tunay na buhay, sandosena ang mga anak ni Jay sa iba-ibang babae. Magkakakilala ang mga anak niya. Nakakasama niya ang mga ito kung b-day niya at Kapaskuhan.

Kaya malabong mangyari sa mga anak niya ang sitwasyon ng TV series kaugnay sa daughter ni Waray at daughter ni Biday.

At any rate, tatlo na ang mga apo ni Jay. (PROOOF / Jerry Olea)

Read More

INDIE ACTOR NAPANIGINIPAN ANG PAGSABOG NG TAAL

oleaPanay-panay ang shout out ng indie actor na si Miko Pasamonte sa Facebook. May pangitain daw siya na sasabog pa nang bonggang-bongga ang bulkang Taal.

“Hihigitan pa ang Pinatubo!” aniya.

Nang mag-alburoto ang nasabing bulkan noong Enero 12 ay nag-shout out na agad si Miko na napanaginipan niya iyon.

Nakatira si Miko sa Dasmariñas, Cavite, na malapit-lapit sa Tagaytay.

Kabilang sa indie movies ni Miko ang Kape Barako, The Escort, #LabYu at Kumpare.

MAKABUBUTING IPAGPALIBAN ANG SHOWING NG D’NINANG, NIGHTSHIFT AT  BLOCK Z

SHOWINGAbala pa rin ang mga tao sa pagtulong sa mga nasalanta ng pagsabog ng bulkang Taal sa Batangas. Maraming nakaka-inspire na kuwento.

Meron ding mga negatron, pero natatabunan ang mga iyon.

Pakiwari ko ay wala pang interes ang mga tao na manood ng local movies. Hindi ako makaramdam ng excitement sa mga pelikulang D’ Ninang (Ai Ai de las Alas at Kisses Delavin) at Nightshift (Yam Concepcion) na mag-o-open bukas, maging sa Block Z (Julia Barretto at Joshua Garcia) na magso-showing sa Enero 29.

Feeling ko ay mas makabubuting ipagpaliban ang showing ng nasabing movies. Ano sa palagay mo, Tito KC?

KISSING SCENES NI RUPAUL WALANG DAYA

AJ and The QueenMae-enjoy ng mga divaklong ang season 1 ng Netflix series na AJ and The Queen,  na pinagbibidahan ng 59-anyos na drag queen na si RuPaul.

Tarusch ang kissing scenes ni RuPaul, huh?! Walang daya!

Pogilicious ang hunks na nagbuyangyang na wetpaks, pero walang frontal nudity.

Iba-iba ang location ng bawa’t isa sa sampung episode, mula New York hanggang Dallas. Bonggacious at fabulous ang musical numbers, mula I Will Survive hanggang It’s Raining Men.

Sandamukal na drug queens ang may cameo rito, kabilang sina Bianca del Rio at Manila Luzon.

Agaw-eksena ang 53-anyos na si Tia Carrere bilang kontrabidang si Lady Danger.

Kumukurot at humahaplos sa puso ang istorya nito. (Proof ni Jerry Olea)

Read More

NUTAM/AGB AT KANTAR MEDIA NAGKASUNDO: KAPUSO MO, JESSICA SOHO ‘PAG WEEKEND, ANG PROBINSIYA ‘PAG WEEKDAYS

oleaSa ratings ng Kantar Media, wagi ang karamihan sa Kapamilya shows. Sa NUTAM/AGB Nielsen, panalo ang karamihan sa Kapuso programs.

Pero may mga palabas na “nagkakasundo” sila kung alin ang umaariba. Kung Linggo, madalas na kampeon ang Kapuso Mo, Jessica Soho.

Kung weekdays, #1 ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin. Kaya walang kuwestiyon na siya ang kasalukuyang Hari ng Telebisyon.

Winnie Santos ang fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos nang magtapos, ganoon din ang pumalit ditong Make It With You na tampok ang LizQuen.

Sa tagal ng Kadenang Ginto, lumaylay ang istorya nito, at patuloy nang kinakabog ng Prima Donnas kung saan lucky charm si Aiko Melendez.

Aba! Dedicated naman talaga si Aiko sa kanyang teleserye. Matuk Astorga, hindi siya nagtagal sa golden birthday party ni Ogie Diaz noong January 5, Sunday dahil may taping siya kinabukasan.

At dahil umaarangkada ang Prima Donnas, natutulungan nito ang kasunod na GMA teledrama na Magkaagaw. May mga hapon na pinapataob ng Magkaagaw ang Sandugo.

Nagsi-see saw rin ang kabugan ng Gandang Gabi, Vice at The Boobay and Tekla Show.

Kaabang-abang ang Pinoy version ng Descendants of the Sun (DOTS), na pagbibidahan ng prime stars ng GMA na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado.

Wagi sa ratings sa South Korea ang orig na DOTS, at expectorant ang marami na magpapakitang-gilas din ang Pinoy version nito.

PERSPEKTIBO AT KONTEKSTO ANG KAILANGAN

The Last Temptation of ChristWalang katapusan ang debate kung ang paksa ay relihiyon at pulitika. Parang pagtatalo iyon ng dalawang panig kung alin ang nauna, ang itlog o ang manok.

Lumikha ng munting kontrobersya ang Netflix comedy film na The Last Temptation of Christ. Kakabit ng diskusyon dito ang nobela at pelikulang The Last Temptation of Christ, maging ang nobela at pelikulang The Da Vinci Code, na pawang kontrobersyal.

Kailangan ng context at perspective sa paghihimay ng The First Temptation of Christ, kaya dapat napanood din ang pelikulang The Last Hangover from the group na nagprodyus niyon.

Sa balitaktakan ng pananampalataya, mapapanood din sa Netflix ang Bollywood film na PK, at ang pinakabago ay ang first season ng series na Messiah.

Maalab ang balitaktakan sa Messiah, sa pagiging cerebral ba o manipulative nito, kung relevant ba ito sa mga kaganapan ngayon sa mundo. Far fetched man ay maikokonek dito ang pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Sa panahon ngayon, paano ba natin haharapin kung may dumating na Mensahero ng Panginoong Diyos? Basta-basta ba tayo mananalig sa mga himala?

SINO ANG ‘DI TRUSTWORTHY KINA GANDARANG NEGOSYANTE AT BETERANANG AKTRES?

Nag-post ang isang kilalang aktor sa socmed tungkol sa “trust” issue. Aba! Naikonek agad iyon ng marami sa pinagdadaanan ng dalawang kilalang aktres.

Hello?! Basta-basta lang ba ang sasawsaw si kilalang aktor sa misunderstanding ng dalawang aktres, Tito KCG?!

Of course not. Ang “trust” issue na iyon ay walang kinalaman sa tampuhang pururot ng dalawang aktres. Syempre, disconnected din iyon sa condom.

Ang usapin ng pagtitiwala ay kaugnay sa isang beteranang character actress, at sa relasyon nito sa isang gandarang negosyante.

Nawarat ang naturang samahan bago pa mag-Pasko.

Samantalang iyong usapin ng dalawang kilalang aktres ay pumutok makalipas ang Bagong Taon.

Nagsasanga-sanga tuloy ang intriga. Lalong nagiging masalimuot. Pero pasasaan ba’t magkakalinawan din. Lulutang at lulutang ang totoo.

MOVE ON NA ANG MGA SALAWAHANG COUPLE

Expectorant tayo sa paghihiwalay ng gandarang aktres-aktresan at pogilicious personality. Hindi iyan nakakagulat.

Noong yumanig ang isyung nakipagtikiman ang gandarang aktres-aktresan sa co-star nitong hunk actor na may dyowang premyadong aktres, tahimik lang ang pogilicious personality.

Hindi hiniwalayan ni pogilicious personality ang gandarang aktres-aktresan, bagkus ay buo ang suporta niya rito.

Eh kasi naman, sanay si pogilicious personality sa extra-curricular activity. May bunga at ebidensya ang pagiging mapusok ni pogilicious personality, at nang nabunyag iyon ay sinuportahan naman siya ni gandarang aktres-aktresan.

Sipag-sipagan si gandarang aktres-aktresan at todo kayod sa kung anu-anong karaketan, samantalang si pogilicious personality ay tila naging palam.

Palam as in palamunin, dahil ang career ay malamlam. Ikinawindang ni gandarang aktres-aktresan nang matuklasan niya ang pagtataksil ni pogilicious personality. Hindi iyon masikmura ni gandarang aktres-aktresan, kaya nag-alburoto siya hanggang Alert Level 4, at nagbuga ng nagbabagang mga salita at tungayaw kay pogilicious personality.

Nagkasumbatan sila at nagsaulian ng kandila.

Matapos bumugalwak ang kanilang tinimping ngitngit, kapwa sila naging payapa. Nagkasundo sila na mag-move on na lang, kesa maglabasan pa ng bantot at putik sa madla. (PROOOF / JERRY OLEA)

Read More

JULIA AT GERALD IWAS NEGATRONS

oleaLast month pa na-pralala na Enero 2020 ipalalabas ang zombie movie nina Julia Barretto at Joshua Garcia na Block Z, at ang teleseryeng A Soldier’s Heart ni Gerald Anderson.

Of course, crucial kay Julia ang pelikulang iyan, matapos na so-so ang rating ng recent MMK episode na iyan. Kung saan man pulutin ang Block Z, may career pa rin si Joshua at mabango pa rin sa advertisers.

Chance na rin ni Gerald na patunayan ang hatak niya sa advertisers at televiewers ang showing ng kanyang teleserye.

Kaya expectorant tayo na gagawin nina Julia at Gerald ang lahat upang maipo-promote nang husto ang kani-kanyang project. Iwas sila sa negatrons. Kailangan, good vibes lamang.

At noong Sabado nga ay nag-presscon ang Block Z sa 9501 Restaurant ng ELJCC Bldg., ABS-CBN Cmpd., Quezon City. Monday night naman itinakda ang red carpet screening ng A Soldier’s Heart sa Gateway Mall, QC.

Pero ngitngit ng langit! Hagupit ng kalikasan! Noong Sunday, nag-alburuto ang bulkang Taal sa Batangas!

Na-upstage ang promo ng BlockZ! Na-postpone ang pa-red carpet ng A Soldier’s Heart!

Force majeure?!

COCO PAPALITAN NA NG KATHNIEL?

Nagsimula nang magpakilig ang LizQuen sa teleseryeng Make It With You last Monday, bilang kapalit ng fantaseryeng Starla ni Judy Ann Santos.

Sa pagtatapos ng The Killer Bride nina Maja Salvador, Janella Salvador at Joshua Garcia, naka-line up na ang A Soldier’s Heart.

Sa Pebrero naman nakatakda ang Love Thy Woman nina Kim Chiu, Xian Lim at Yam Concepcion (pumalit kay Erich Gonzales). Nasa cast din nito sina Christopher de Leon at Ruffa Gutierrez.

Ang apat pang bagong Kapamilya teleserye ay Tanging Mahal nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla na magsu-shoot sa Mexico, Kahit Minsan Lang ni Bea Alonzo with Richard Gutierrez and Rafael Rossel, Heart to Heart nina Maymay Entrata at Edward Barbers, at Ligaya ni Ivana Alawi.

Wow! Magsasabog na ng kaseksihan si Ivana! 

Pero teka! Tatapusin na ba ang FPJ’s Ang Probinsyano ni Coco Martin? Ito ba ang papalitan ng KathNiel teleserye?

At ano na ang update sa teleserye dapat ni James Reid with Nancy ng Momoland? Priority ba ni James ang mag-vacay with Nadine Lustre at mga katropa nila?

LABING-ISA ANG NOMINASYON NG JOKER SA OSCARS

Frontrunner ang Joker sa 92nd Oscars (Academy Awards) na gaganapin sa Pebrero.

Ito ang may pinakamaraming nominasyon… labing-isa (11), kabilang ang best picture at best actor (Joaquin Phoenix).

Tigsasampu ng nominasyon ang 1917, The Irishman at Once Upon A Time in Hollywood, na best picture nominees din.

Tig-aanim ng nominasyon ang Parasite (South Korean film, na llamado sa kategoryang best international feature), Little Women, Marriage Story, at Jojo Rabbit — kabilang ang best picture.

Ang ikasiyam na best picture nominee ay Ford v Ferrari, na apat ang nominasyon.

Lalaki lahat ang nominadong best director. Inisnab si Greta Gerwig na nagdirek ng Little Women.

Sa unang pagkakataon ay nominado sa Oscars si Scarlett Johansson, at dalawang kategorya siya palaban — best actress para sa Marriage Story, at best supporting actress para sa Jojo Rabbit.

Kapwa nominado ang dalawang bida ng The Two Popes — sina Jonathan Pryce for best actor, at Anthony Hopkins for best supporting actor.

Nominado ring best supporting actor si Brad Pitt para sa Once Upon A Time In Hollywood.

Ligwak ang Frozen II sa kategoryang best animated feature film, kung saan matunog ang Toy Story 4.

Wala na namang host sa Oscars ceremony this year! (PROOF/Jerry Olea)

Read More

JOYCE-JUANCHO PRE-NUP PICTORIAL BUWIS-BUHAY

JOYCE-JUANCHO

oleaBuwis-buhay ang isang pre-nup photo nina Joyce Pring at Juancho Trivino na kinunan sa Siargao, huh?!

Umakyat ang magsing-irog sa nakatabinging puno ng niyog at doon nag-pose. Any moment ay mahuhulog sila sa Maasin River.

Ano ang ibig nilang ipahiwatig?! Alat man o tamis, hahamakin ng kanilang pag-ibig?!

Best wishes sa Juanchoyce!

AIKO VILLAINESS NA TUMATATAK

AIKO-2Kinakalawang na ang istorya ng Kadenang Ginto, na noong Oktubre 2018 pa nag-umpisa. Na-stretch nang na-stretch ang mga ganap nito sa tagal. Lumaylay na. Nakakaumay.

Andaming reklamo ang nabasa ko sa socmed. At na-reflect iyon sa ratings. Kinakabog na ito ng kasabay na Prima Donnas, sa NUTAM/AGB Nielsen man o sa Kantar Media.

Aba! Lucky charm ng Prima Donnas si Aiko Melendez, ha?! Tumatatak ang pagkokontrabida ni Aiko, at humahatak ng televiewers.

Kaya dapat tapusin na ang Kadenang Ginto bago tuluyan itong sumadsad, ‘no?!

JENINE KNOWS BEST ABOUT JANELLA

Jenine at Janella SalvadorMasalimuot ang samahan ng mag-inang Jenine at Janella Salvador, lalo pa’t nakipag-ayos na si Janella sa ama nitong si Juan Miguel Salvador.

Huwag nating basta-basta husgahan si Jenine. Huwag siyang i-provoke. Maraming isinakripisyo si Jenine para kay Janella, at naniniwala akong totoo para sa kanila ang kasabihang, “Mother knows best.”

May mga bagay, usapin o pangyayari na nananahimik, at makabubuting huwag nang ungkatin at halukayin.

GALING NI SNOOKY BILANG INA NI PACHO

SNOOKY-2Oh, yes, Tito KC! Kalahok ang pelikulang In the Name of the Mother sa 40th Fantasporto-Porto International Film Festival (Pebrero 25-Marso 😎 sa Portugal.

Lalaban ito sa Director’s Week section, maging sa Orient Express section.

Idinirek ito ni Joel Lamangan, mula sa panulat ni Eric Ramos. Ang galing-galing dito ni Snooky bilang ina nina Pancho Magno, Rita Daniella at Miggs Cuaderno.

Kasama rin sa cast ng family drama na ito sina Gardo Versosa, Empress Shuck, Alan Paule, Vince Rillon, Jennifer Sevilla, Soliman Cruz, Mico Aytona at Diana Zubiri. Prinodyus ito ng Heaven’s Best Entertainment.

Naku! Isali rin sana ito sa 1st Metro Manila Summer Film Festival. Iyon na, Dennis Evangelista! (PROOOF NI JERRY OLEA )

Read More

MAINE AT ARJO BINULABOG ANG NETIZENS

MAINE-ARJO-2

oleaNabulabog ang netizens sa pagta-Tala Challenge ng magkasintahang Maine Mendoza at Arjo Atayde sa Twitter.

Wish ko lang na mainit pa rin ang suporta ng fans ni Maine. Disappointing kasi ang box office results ng recent movies niya na Isa Pa, With Feelings at Mission Unstapabol: The Don Identity.

OK lang ba iyon kay Maine, basta maligaya siya sa piling ni Arjo? Kaya niyang harapin maging ang pagiging Bituing Walang Ningning, o ang Bukas, Luluhod Ang Mga Tala Challenge.

oOo

LITMUS TEST KAY JULIA

JULIA BARRETTO-2Bongga ang career ni Bea Alonzo noong nagdaang taon. Kumita ang dalawang pelikula niya,ang horror na Eerie, at ang drama na Unbreakable.

Marami pa rin ang nagre-react sa social media basta may hugot siya sa pagiging sawi. Sapul na sapul si Gerald Anderson, kaya tingnan natin kung susuportahan ng advertisers ang bagong teleserye ni Gerald na A Soldier’s Heart.

Sabi-sabi, ngayong Enero na ipalalabas ang zombie movie na Block Z, kung saan bida sina Julia Barretto at Joshua Garcia.

Mabango sa advertisers at televiewers si Joshua. OK ang tambalan nila ni Janella Salvador sa The Killer Bride.

Litmus test sa career ni Julia ang kahihinatnan ng Block Z sa takilya.

Read More