MULING humirit si Talisay, Batangas Vice Mayor Charlie Natanauan Sr. hinggil sa ipinatutupad na total lockdown sa 11 bayan sa nasabing lalawigan na naapektuhan ng pagsabog ng Bulkang Taal. Sa pagkakataong ito, si DILG Secretary Eduardo Año naman ang kanyang kinuwestyon. Sa text message na ipinadala ni Natanauan, tatlong katanungan ang ipinasasagot nito kay Año. Unang tanong nito ay kung hanggang kailan ipatutupad ang total lockdown kasama na ang kanilang bayan ng Talisay. Aniya, kung magtatagal ito, tuluyan nang mamamatay ang kanilang mga alagang hayop na naiwan sa kani-kanilang iniwang…
Read MoreDay: January 25, 2020
BAGONG KOMISYONER NG KWF SI CASANOVA
Ang may akda ng mga libro na si Arthur Casanova ay itinalaga bilang bagong commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) para lengwaheng Tagalog. Si Casanova na isa ring guro, linggwistiko, at direktor sa teatro ay magsisilbi bilang , full-time commissioner ng pitong taon. Sinundan niya ang National Artist para sa Literatura na si Virgilio Almario. Bilang may akda , si Casanova ay nakasulat na ng 40 libro. Nakapagdirek siya ng 50 theater production. Si Casanova ay nakapagtapos ng Bachelor of Secondary Education in Chemistry at Bachelor of Secondary Education…
Read MorePARANG BAKLA AKONG MAGMAHAL
“Para akong bakla pag na-in love. Ibibigay ang lahat-lahat. Pero pag umayaw ako, you will never like me…” Hugot iyan ng 50-anyos na singer-comedienne na si Marissa Sanchez, nang makatsikahan namin sa Messenger kaugnay sa Valentine concert nila ni Eric Nicolas na My Fatty Valentine, na nakatakda sa Pebrero 14 nang 9:00 PM sa Km. 19, East Service Road, Sucat, Muntinlupa City. Expect Marissa to bare her soul in this show! And more! Aba! Hataw siya sa rehearsal ng dance number para sulit ang tiket na P1,000 sa concert. “This…
Read MorePANININGIL NG BUWIS SA BATANGAS SINUSPINDE
SINUSPINDE ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang paniningil nito ng buwis sa buong lalawigan ng Batangas sa gitna ng pag-aalburoto ng bulkang Taal. Batay ito sa ipinalabas na Revenue Memorandum Circular (RMC) No. 7-2020 ni Internal Revenue Commissioner Caesar R. Dulay. Kasalukuyang nasa ilalim ng state of calamity ang Batangas at mayorya ng mga bayan at lungsod nito ay apektado. May deadline na hinahabol ngayong Enero para sa paghahain at pagbabayad ng income tax return sa BIR. “In view of the announcement of Batangas Gov. Mark Leviste, declaring the…
Read MoreASIA-OCEANIA OLYMPIC QUALIFIERS, WALA PANG VENUE
IKINASA ng IOC Boxing Task Force ang panibagong petsa para sa Asia-Oceania Olympic qualifiers sa Marso 3-11. Pero hindi pa rin nadesisyunan kung saan ito gaganapin. Kinansela na ang naturang event sa Wuhan, China, na dapat sana’y gagawin sa Pebrero 3-14, sanhi ng coronavirus outbreak. Dahil sa kanselasyon ng event sa Wuhan, ang Africa qualifiers na nakatakda sa Pebrero20-29 sa Dakar, Senegal na ang magiging una sa kalendaryo para sa 2020 Tokyo Olympic qualifying event. Ang Pilipinas ay nagpaabot na ng interes para tumayong host sa Asia-Oceania, kung saan tatlong…
Read MoreKAHANDAAN NG GOBYERNO SA KALAMIDAD PINASISILIP
SA kabila ng patuloy na pag-aalburoto ng Bulkang Taal, naghain si Senador Win Gatchalian ng isang resolusyon upang magkaroon ng isang pagdinig sa pagpapatupad ng Philippine Disaster Risk Reduction and Management Act of 2010 o Republic Act 10121. Ayon kay Gatchalian, mahalaga ang gagawing pagdinig upang mapalakas ang kahandaan at kakayahan ng bansa sa pagresponde sa mga sakunang tulad ng pagputok ng Bulkang Taal. Ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council o NDRRMC, mahigit limampu’t tatlong libong (53,716) pamilya sa Batangas, Quezon, Laguna, at Cavite ang naapektuhan ng…
Read MorePAGLALARO NI CRUZ SA GUAM, BAWAL
IPINAGBABAWAL ng Philippine Basketball Association (PBA) na ang isang player ng kasapi nitong team ay maglaro sa ibang koponan habang nakontrata pa ito, gaya sa kaso ni Jericho Cruz ng NLEX Road Warriors. Si Cruz ay kinuha para sa 24-man pool ng national team ng Guam para sa Fiba Asia qualifiers sa susunod na buwan. “Bawal talaga yan sa liga. Pero kung papayagan naman ng kanyang koponan, papayagan natin,” ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial. “Kailangan lang natin na may sulat mula sa mother team na pinapayagan nila ang player…
Read More‘YELLOW CARD’ SA INT’L FLIGHTS IBABALIK
Sa gitna ng pagkalat ng novel coronavirus KUMBINSIDO ang Malakanyang na ikukonsidera ni Health Sec. Francisco Duque ang pagbabalik ng health declaration checklist na kilala rin sa tawag na yellow card sa mga international flight na pumapasok sa Pilipinas lalo pa’t di umano’y may banta ng novel coronavirus sa bansa. “Siguro iko-consider ni Sec. Duque yan. Anything that will prevent the spread of any virus in this country coming from another would be factor in, in any decision making,” ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo. Sa ngayon ay pinaghahawakan ng…
Read MoreTAKBO SA KALIKASAN 2020: FIRE RUN PARA SA LGBTQ
UPANG maipagpatuloy ang adbokasiya ng mga pribadong sektor na mapanatiling malinis ang kapaligiran, aarangkada ang mga mananakbong may malasakit sa kalikasan sa Takbo sa Kalikasan 2020 na sisimulan sa Mayo 31. Mayroong iba’t ibang yugto ang Takbo sa Kalikasan na magsisimula sa Fire Run, bilang pagsuporta sa LGBTQ sa Pebrero 16 sa CCP Complex, Pasay City. Ayon sa isa sa mga opisyales ng event na si Jenny Lumba sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports (TOPS) ‘Usapang Sports’ 52nd edition, ang unang yugto ay paraan ng pasasalamat ng…
Read More