IPINAABOT ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kanyang ‘warmest greetings and best wishes’ para sa mga Tsinoy na nagdiriwang ngayon ng kanilang Chinese New Year. Sa kalatas na ipinalabas ng Malakanyang, sinabi ni Pangulong Duterte na ang katotohanan na niyakap na rin ng mga Filipino ang Chinese New Year celebration at taunang nagdiriwang na rin nito ay nagpapakita lamang ng malakas at hindi mapaghiwalay na magandang pagkakaibigan at beneficial relations ng Pilipinas at China. Umaasa rin ang Chief Executive na sa pagbubukas ng bagong pahina ng mga Filipino at Chinese…
Read MoreMonth: January 2020
PINAS NO. 1 ANTI-VACCINE COUNTRY SA MUNDO
BUMAGSAK na sa 30% ang tiwala ng mga Filipino sa bakuna simula noong 2018 kumpara sa mataas na 93% noong 2015, dahilan upang ang Pilipinas ang siyang nangunguna ngayong anti-vaccine country sa buong mundo. Ang kawalan ng tiwala sa bakuna ay naging dahilan din upang magbalikan ang mga sakit na dati nang nalunasan at pagkalat ng iba pang karamdaman. Ito ang inihayag ni Dr. Lulu Bravo, Executive Director ng Philippine Foundation for Vaccination, na nagsabing nakalulungkot na ang Pilipinas ay nangunguna ng anti-vaccine country sa buong mundo. Ayon pa kay…
Read MorePDUTERTE KINALAMPAG SA PALPAK NA MRT
NANAWAGAN kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga mananakay ng Metro Rail Transit (MRT) na pagtuunan ang pagpapabuti sa serbisyo ng nasabing transportasyon. Daing ng mga commuter, dapat siyasatin ng Pangulo ang mga nangangasiwa sa MRT upang masiguro na mas magiging epektibo ito at mabawasan kundi man tuluyang mawala ang mga aberyang kakambal na ng operasyon nito. Sa tindi ng trapiko sa Metro Manila ay ang mga commuter ang pangunahing napiperhuwisyo kapag nagkakaaberya ang opersayon ng MRT na siyang inaasahan dapat ng publiko sa maalwang sistema ng transportasyon. Subalit, maikling panahon…
Read More7 KOMUNIDAD SA MM TUMANGGAP NG ECOBRICKS MULA SA GLOBE PLASTIC XCHANGE PROGRAM
MAKARAANG lumahok sa Globe Plastic Xchange Program noong nakaraang taon, pitong komunidad sa Metro Manila ang pinagkalooban ng ecobricks na maaari na nila ngayong magamit para sa iba’t ibang construction projects. Ang nasabing mga komunidad ay kinabibilangan ng Barangay Magallanes sa Makati, Andres Bonifacio Integrated School sa Mandaluyong, Barangay 455 sa Manila, Barangays Palatiw at San Antonio sa Pasig, at Barangays Signal Village at Upper Bicutan sa Taguig. “We are glad to be part of Globe’s Plastic Xchange Program. Not only did it help us reduce our single plastic waste…
Read MoreLA SALLE PINADAPA NG FEU
INAKAY ni Pocholo Bugas ang Far Eastern University-Diliman sa 2-0 panalo laban sa De La Salle-Zobel sa UAAP Season 82 high school boys’ football tournament, Miyerkoles ng hapon sa Rizal Memorial Stadium. Naiwan ang U-23 national campaigner na walang bantay sa may penalty area sa 67th minute para tapusin ang tsansa ng La Salle na makaiskor pa. Ang strike ni Bugas ay kasunod ng goal ni Josel Abundio, apat na minute pa lamang sa laro. Pinangunahan ni Rafael Aldeguer ang opensa ng La Salle, subalit bigong makaiskor ang Junior Archers.…
Read MoreMARINERONG PILIPINO WALANG ATRASAN!
WALA nang ibang pupuntahan pa kung hindi ang kampeonato. Ito ang target ng Marinerong Pilipino sa 2020 PBA D-League sa susunod na buwan. Kargado ng kanilang runner-up finish sa Foundation Cup noong nakaraang Oktubre, misyon ng Marinerong Pilipino na mapasakamay na ang mailap na titulo sa pag-arangkada ng Aspirant’s Cup sa Pebrero 13. Taglay sa ngayon ng Skippers ang ekspiriyensa, ang angking tikas at talento upang makuha na ang pinapangarap na kampeonato ngayong taon. Ayon kay Marinerong Pilipino assistant coach Jonathan Banal mas handa sila ngayon kaysa noong nakaraang taon.…
Read MoreP882-M PEKENG YOSI NASABAT SA CDO
CAGAYAN de Oro City – Nakumpiska ng pinagsanib na mga operatiba ng Bureau of Internal Revenue (BIR) at National Bureau of Investigation (NBI) ang P882 milyong halaga ng mga pekeng sigarilyo nitong Enero 21 sa lungsod na ito. Gayunman, hindi nahuli ng mga tauhan ng BIR at NBI ang mga may-ari ng mga sigarilyong nakalagay sa 5,000 kahon. Ang nasabing operasyon ay patunay na nananatiling talamak ang ilegal na pagnenegosyo ng sigarilyo at kapalpakan ng BIR at NBI na mahuli ang mga negosyanteng gumagawa nito. Ang operasyon ay batay sa…
Read More2 PANG EVACUEES NAMATAY SA BATANGAS
BATANGAS – Nadagdagan ang bilang ng namatay na mga biktima ng pag-aalburoto ng Taal Volcano, habang nasa evacuaction center sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, dalawa pang biktima mula sa bayan ng Taal ang binawian ng buhay habang nananatili sa evacuation center sa Sto. Tomas. Ito ay batay sa report ng Provincial Disaster Risk Reduction ang Management office. Napag-alaman, nitong Miyerkoles ng madaling araw nang malagutan ng hininga ang biktimang si Elmer Salvia habang nilalapatan ng lunas sa St. Camillus Hospital sa Batangas City. Si Salvia ay una munang isinugod…
Read MoreANCAJAS, TULOY ANG ENSAYO KAHIT KANSELADO ANG LABAN
TULOY pa rin ang ensayo ni IBF super flyweight champion Jerwin Ancajas sa kabila nang kanselasyon ng kanyang laban. Dapat sana’y makakalaban ni Ancajas para sa ikasiyam niyang title defense si Mexican Jonathan Javier Rodriguez sa Pebrero 23 (Manila time). Pero dahil nasanay na si Ancajas sa paulit-ulit na kanselasyon ng kanyang laban, ipagpapatuloy lang niya ang pag-eensayo. Katunayan mula sa Magallanes, Cavite ay lumipat ang IBF champion ng kanyang training camp sa Barangay Olingan, Dipolog City, sa isang compound na pag-aari ni Engr. Gilbert S. Cruz, pangulo at chief…
Read More