PINIGILANG MAGLAKWATSA NAPRANING CEBU- Bagaman hindi bangag sa pinagbabawal na droga at hindi rin lango sa alak, nagawang saksakin ng isang 26-anyos na lalaki ang kanyang mga magulang dahil lamang sa hindi pagpayag na maglakwatsa siya sa Talisay City. Sa ulat ng Talisay City Police sa Cebu Provincial Police Office, inaresto ng mga pulis si Martin Fernandez, ng Barangay Mohon, Talisay City, na nahaharap sa kasong parricide at frustrated parricide. Napatay ni Fernandez ang kanyang amang si Juanito Ferrocho, 57, habang nasa kritikal na kalagayan ang kanyang inang si Jen Fernandez,…
Read MoreMonth: February 2020
LALAKI BINAUNAN NG BALA SA ULO
SANGKOT SA DROGA? PALAISIPAN sa awtoridad ang motibo sa pamamaslang sa isang lalaki na binaril sa ulo nang hindi nakilalang salarin sa Quiapo, Manila kahapon ng madaling araw. Dead on the spot ang biktimang inilarawan na edad 35- 40; naka suot ng kulay na itim na may pink na sando at checkered na short pants. Base sa ulat ni Det. Jansen Rey San Pedro, ng Manila Police District- Homicide Section, bandang 1:15 ng umaga, nang makarinig ng sunod- sunod na putok ng baril sa ilalim ng Quezon Bridge malapit sa Quinta,…
Read MoreGURO PATAY, 15 PASAHERO SUGATAN
BANGGAN NG BUS AT JEEP ALBAY – Isang guro ang nasawi habang nasugatan ang 15 pasahero nang magbanggaan ang isang pampasaherong bus at jeep sa Camalig sa lalawigan, Linggo ng hapon. Naipit sa tumagilid na bus ang nasawing si Lea Paliangayan, 49, guro ng Marcial O. Rañola Memorial School (MORMS) sa Guinobatan, Albay. Nilalapatan naman ng lunas sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital (BRTTH) ang 15 pasahero ng jeep at bus na pawang nasugatan. Nabatid kay P/Major Dante Rosal, hepe ng Camalig Municipal Police Station (MPS), naganap ang insidente…
Read MoreP3.4-M SHABU NAKUMPISKA SA OPERASYON
3 NASAKOTE NG QCPD, PDEA INARESTO ng pinagsanib na puwersa ng Quezon City Police District (QCPD) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang tatlong lalaking nakumpiskahan ng P3,400,000 halaga ng shabu sa isininagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Karen Leal, 32, alias Michelle; John Rhens Timing, 20, at Jason Ymalay, 26, pawang ng Novaliches, Q.C. Ang mga suspek ay inaresto sa harap ng isang convenience store sa Barangay Kaligayahan, Novaliches matapos iabot sa isang poseur buyer cop ang P500,000.00 halaga ng shabu. Maliban…
Read MoreNAGPAKAMATAY DAHIL SA KABIGUAN
Pag-ibig masdan ang ginawa mo LAOAG- Dahil hindi na nakayanan ang pag-iisa sa kanyang buhay, iang soltero ang tumapos sa kanyang buhay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang bahay sa lalawigan kahapon ng umaga. Si Louie Salvador, 43, ng Barangay Vira, Laoag City, bagaman nagbigti ay natagpuan sa sahig malapit sa kanyang katre o kama. Hinihinalang bumaba nang bumaba ang bangkay dahil na rin sa bigat nito kaya’t lumapat na sa sahig ng kanyang bahay. Naniniwala naman ang mga miyembro ng pamilya ni Salvador na ito mismo ang kumitil…
Read MoreNIRATRAT SA PAANAN NG BUNDOK, 2 MAGSASAKA BANGKAY NA NATAGPUAN
BATANGAS – Patay ang dalawang magsasaka makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang salarin sa loob ng kanilang tinitigilang kubo sa Barangay Santiago, Sto Tomas sa lalawigan kamakalawa. Nadiskubre ang bangkay ng dalawang biktimang sina Antonio Sabala, 46 at Florencio Latorre 51, na nakabulagta sa kubo na nasa ilang na lugar sa paanan ng bundok Makiling. Ayon sa nakdiskubre na si Eddie Boy Barmillo, nagtungo siya sa kanilang sinasakang bukid subalit nagtaka siya nang hindi makita ang dalawa sa labas bagamat alas-11 ng umaga na. Nang sumilip sa kubo, nagulat ang lalaki nang makitang…
Read MoreTATAY, 7 ANAK NALASON SA TINAPAY
COTABATO- Isinugod sa pagamutan ang isang haligi ng tahanan at pito nitong anak matapos umanong malison sa kinain na tinapay, iniulat kahapon sa lalawigan. Ginagamot sa ospital ang amang si Carlos Kayawi at pitong anak nito na pawang menor de edad. Batay sa report ng pulisya, bumili ng tinapay na “double buddy” si Kayawi sa isang bakery na pag-aari ni Rose Rabia at iniuwi sa kaniyang pamilya sa bayan ng Tupi, South Cotabato. Matapos kainin ng mag-anak ang tinapay, sumakit ang tiyan ng mga ito makalipas ang ilang minuto bago…
Read MorePAGBASURA SA VFA
WALANG katulad sa kasaysayan ng Pilipinas ang ginawang pagbasura sa Visiting Forces Agreement (VFA) ni Pangulong Rodrigo Duterte at mismong ang founding chairman ng Communist Party of the Philippines na si Jose Ma. Sison ang pumuri sa pangulo. Ayon kay Sison, posibleng maging “greatest president” si Duterte kung magiging consistent ito sa pagsusulong ng pambansang soberenya gaya nang pagbasura sa VFA na sasabayan ng makabuluhang mga reporma sa ekonomiya at panlipunang pagbabago partikular ang pambansang industriyalisasyon at repormang agraryo. Idinagdag pa ni Sison na kung mangyayari ang gayon ay magkakaroon ng…
Read MorePREVENTION IS BETTER THAN CURE
HINDI lang dapat natatapos sa pangakong suweldo at benepisyo para sa 500 Filipino crew na na-expose sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang responsibilidad ng Diamond Princess Cruise Ship. Marami pang dapat gawin ang may-ari ng barko at agency ng seamen ng Diamond Princess maliban sa pangakong dalawang buwang sweldo. Ayon sa impormante ng PUNA, isa sa mga recruitment agency sa Pilipinas na contact ng Diamond Princess ay nasa Intramuros, Manila. Dapat mabatid ng Diamond Princess at ng ahensiyang nagpaalis sa seamen na nagkaproblema dahil sa COVID-19 na nalagay sa kapahamakan…
Read More