NANANATILING limitado ang inilalabas na detalye ng U.S. Navy sa kanilang counter part sa Pilipinas maging sa media hinggil sa ulat na pagbagsak ng isang U.S. Navy F/A-18F Super Hornet sa karagatang sakop ng Pilipinas. Sa inisyal na ulat na nakarating sa punong himpilan ng Philippine Navy, matagumpay na naka-eject ang dalawang crew ng F18 fighter jets at na-rescue ng ang mga ito ng isang MH-60S Sea Hawk helicopter mula sa Helicopter Sea Combat Squadron 8 (HSC 8) na nakatalaga rin sa Nimitz class aircraft carrier Theodore Roosevelt. Sinasabing naganap…
Read MoreMonth: June 2020
CHINA TEL BANTA SA PRIVACY NG PH SUBSCRIBERS Papel ng Tsina sa 3rd telco pinapalagan ng solons
LUMOBO pa ang pangamba na magdudulot ng panganib hindi lang sa seguridad ng Pilipinas ang partisipasyon ng China Telecom sa tinawag na Third Telco na ang prangkisa ay naipagkaloob na ng Kongreso sa Dito Telecommunity consortium. Sa Kamara ay nadagdagan ang boses ng pagsalungat sa papel ng China Telecom nang sabihin ni Deputy Minority Leader Isagani Zarate na may mga bagong isyung kinasangkutan ang state-owned telecom ng Tsina na kung mapatunayan ay lubhang mapanganib hindi lang sa seguridad ng bansa kundi maging sa privacy ng bawat internet subscribers. Ipinaliwanag ng…
Read MoreALERT LEVEL 1 ITINAAS SA BULKANG TAAL
INILAGAY sa alert level 1 ang bulkang Taal matapos makapagtala ng limang volcanic earthquakes sa paligid nito, umaga ng Huwebes. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), bukod sa pagyanig ay nakapagtala rin ng weak steaming o fumarolic activity ang bulkan. Babala ng Phivolcs, nagbabanta pa rin sa pagputok ang bulkang Taal, pagkakaroon ng volcanic earthquakes, at mahinang pagbuga ng ashfall at volcanic gas. Nananatiling bawal ang pagpasok ng sinoman malapit sa bulkan. Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga local government unit na patuloy na maging alerto sakaling…
Read MoreABC PREXY NG KALAYAAN, LAGUNA, PATAY SA PAMAMARIL
PATAY ang pangulo ng Association of Barangay Captains ng Kalayaan, Laguna matapos pagbabarilin ng riding in tandem suspects habang sakay ng kanyang sasakyan sa national highway sa nasabing bayan,Huwebes ng tanghali, June 18. Kinilala ng Kalayaan police ang biktima na si Foilan Reyes, alyas Kapitan Aweng, 48, chairman ng Barangay San Antonio. Batay sa report ng pulisya, galing sa isang water refilling station ang biktima at papauwi na sakay ng kanyang kulay green na Isuzu Crosswind nang buntutan ito ng mga suspek. Naabutan ito sa highway sa Barangay Longos at…
Read MoreKULELAT PA RIN ANG QC KAPIT LANG
Nagtataka tayo bakit hindi makaalis-alis ang Quezon City sa pagiging kulelat kung ang pag-uusapan ay ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa pandemyang dulot ng COVID-19. Sa isang survey na nalathala sa social media kaugnay ng satisfaction rating ng mga punong lungsod sa Metro Manila mula May 14 hanggang June 2, pangalawa sa huli si Mayor Joy Belmonte matapos siyang makakuha ng 47 porsiyento, isang puntos lang na kalamangan sa 46 porsiyento ng pinaka-kulelat na si Mayor Mel Aguilar ng lungsod ng Las Pinas. Ang mga nanguna sa survey ay…
Read MoreMANDATORY INSURANCE SA OFW, MAY PAKINABANG NGA BA?
KAHAPON ay naimbitahan ako kasama ang iba pang mga opisyal ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at mga insurance providers sa ginanap na pagpupulong ng Coalition of Landbase Agencies for Domestic and Skilled workers (CLADS) sa pamumuno ni Gng.Lucy Sermonia. Layunin ng pagpupulong ang pagkakaroon ng paglilinaw sa mga pakinabang na maaaring makuha ng mga overseas Filipino worker (OFW) mula sa kanilang binabayarang mandatory i nsurance. Dahil sa pandemya na dulot ng COVID-19 virus ay mara ming mga benepisyo ang diumano ay hindi nasasakop ng…
Read MoreNANGUNGUPAHANG PINAALIS NGAYONG MAY COVID-19
MARAMING nag-email sa PUNA mula sa mga nangungupahan na pinaalis sila habang nasa gitna tayo ng pamdenya ng COVID-19. Sa kabila ng pakiusap ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang public address kamakailan sa mga may-ari ng paupahan na ‘wag munang singilin ng renta ang mga nangungupahan ay marami pa ring hindi nakinig. Imbes na pakinggan nila ang pakiusap ni Pangulong Duterte ay pinaalis pa nila ang kanilang mga nangungupahan. Tulad na lamang ng ilang nag-email sa PUNA na hindi nakababayad ng bill sa kuryente, renta ng paupahan dahil sa kakupusan…
Read MoreDUQUE, DAPAT MAG-LEAVE HABANG INIIMBESTIGAHAN
HINIMOK ni Senador Win Gatchalian si Secretary Francisco Duque na mag-leave muna sa Department of Health (DOH) habang gumugulong ang imbestigasyon sa kanya ng Ombudsman. Ipinaliwanag ni Gatchalian na layon nito na matiyak na hindi maiimpluwensyahan ng kalihim ang pagsisiyasat lalo na ang mga impormasyon at mga dokumentong hihingin ng Ombudsman sa DOH. “To make the investigation impartial, I think the best and the most appropriate thing to do is to take a leave of absence at the very least para maging impartial ang investigation,” saad ni Gatchalian sa Zoom…
Read MorePDU30 MAKIKIISA SA VIRTUAL CONFERENCE NG ASEAN LEADERS
KINUMPIRMA ng Malakanyang na sasali at makikiisa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang mga kapwa lider sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) sa virtual conference sa June 26 na ang tatayong host ay ang Vietnam. “Kinukumpirma ko po na dadalo po [si President Duterte] dahil ito po ay online meeting ng Asean,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Magdaraos sana ang ASEAN leaders ng kanilang 36th annual summit noong Abril ng taong kasalukuyan subalit ipinagpaliban ito dahil sa global threat na bitbit ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.…
Read More