“SA panahon ng pandemya, kung anu-ano ang inuuna. Ganyan ba ang palakad ng gobyernong nagseserbisyo sa masa? Ito ang tanong ni Senador Kiko Pangilinan sa Department of the Interior and Local Government (DILG) sa pagsasabing mas dapat unahin ang contact tracing sa COVID-19 sa halip na ang anti-terror bill. “Kesa bigyang pokus ng DILG ang mas maigting at malawakang contact tracing at pagtulong sa mga locally stranded individual, kasama pa rin sa pinagtuunan ng pansin ng DILG at ni Secretary Año ang pagkalap ng malawakang suporta mula sa mga LGU…
Read MoreMonth: June 2020
ESPINOSA NAMUMURONG MASIPA SA WPP
AALISIN sa Witness Protection Program (WPP) si Kerwin Espinosa sa sandaling mapatunayang sangkot pa rin ito sa operasyon ng ilegal na droga kahit nasa kustodiya ng National Bureau of Investigation (NBI). Ito ang paniniyak ni Justice Secretary Menardo Guevarra dahil si Espinosa ay tumatayong testigo laban kay Senator Leila de Lima kaugnay sa kaso nitong may kinalaman sa ilegal na droga. Kasabay nito, inatasan ni Guevarra ang NBI na magsagawa ng imbestigasyon sa alegasyon na patuloy na nakapagtatransaksyon sa ilegal na droga si Espinosa. Una nang sinabi ni PLtCol. Jovie…
Read MoreMURANG SERTIPIKASYON SA ORGANIC PRODUCTS, APRUB SA SENADO
TULUYAN nang inaprubahan ng Senado ang isang panukalang batas na magbibigay ng murang sertipikasyon sa produktong organiko upang makatulong sa maliliit na magsasaka, ayon kay Senador Cynthia Villar. Sa pahayag, sinabi ni Villar na marami nang Filipino ang makakakuha ng malusog at ligtas na farm products dahil sa pagkakaroon ng sistema ng organic product certification na abot-kaya ng magsasaka. Sa kanyang pagdepensa sa committee report na inaamyendahan ang Republic Act 10068 o Organic Agriculture Act of 2010, sinabi ni Villar, chairman ng Senate committee on agriculture and food na “farmers…
Read MorePAG-IRAL NG NAT’L ID SYSTEM, PUNTIRYA SA 2022
TARGET ng pamahalaan na maisama na sa data base ng National ID system sa taong 2022 ang lahat ng mga Filipino. Subalit, sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, na inuuna munang makumpleto ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang 5 milyong Filipino households bago matapos ang taong 2020. Ito, ayon kay Sec. Roque ang mariing ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Neda acting director general Karl Chua nang italaga siya sa ahensya. Ani Sec. Roque, pinamamadali na ng Punong Ehekutibo ang national ID system dahil nakita nito ang…
Read MoreDECRIMINALIZATION NG LIBEL, HINDI MADALI
AMINADO si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na hindi madaling isulong ang decriminalization ng kasong libelo. Reaksyon ito ni Sotto sa panawagan sa kanya ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na isulong na ang decriminalization ng libel. “Let’s decriminalize libel, Senate President Sotto. The money damages alone are far, far, far, far more painful,” saad ni Locsin sa Twitter. Alinsunod sa Revised Penal Code, ang kasong libelo ay may parusang anim na buwan hanggang anim na taong pagkabilanggo. Maging sa Cybercrime Prevention Act of 2012, o Republic Act…
Read MoreCARPIO TINABLA NI LACSON SA ANTI-TERROR BILL
TINABLA ni Senador Panfilo Lacson ang sariling interpretasyon ni Supreme Court Justice Antonio Carpio sa Anti-Terrorism Bill na pawang tinututulan ng ilang sektor dahil laban sa Saligang Batas. Sa pahayag, sinabi ni Lacson na mali ang ilang material points sa interpretasyon ni Carpio na mahusay nitong ipinaliwanag sa kanyang liham sa Integrated Bar of the Philippines (IBP). “With all due respect to former Justice Antonio Carpio, who I continue to admire and respect, he is mistaken on several material points in his interpretation on the contents of the Anti-Terrorism Bill,”…
Read MoreBARANGAY CHAIRMAN ITINUMBA SA QUIAPO
PATAY ang barangay chairman sa Maynila habang sugatan ang isang kagawad sa insidente ng pamamaril sa Quiapo, Maynila. Kinilala ang nasawing biktima na si Abubacar Sharief, chairman ng Barangay 384, Zone 39 ng Quiapo. Sinasabing naka-duty sa barangay outpost sa Globo De Oro Street si Sharief kasama ang tatlong kagawad bandang alas l-11 ng gabi ng Miyerkules nang dumating ang ilang armadong kalalakihan. Doon na sila pinadapa at saka pinagbabaril si Sharief. Sugatan naman sa insidente si Malik Abdullah. Sa imbestigasyon, sinabi ni Sta. Cruz Police commander Lt. Col. Reynaldo…
Read More3 PATAY SA SUNOG SA ANTIPOLO
ANTIPOLO City – Tatlo ang namatay, kabilang ang dalawang bata, sa sumiklab na sunog sa Barangay Bagong Nayon. Kinilala ng mga imbestigador ang namatay na sina Jenny Tabon, 38, at ang mga menor de edad na sina Cyrus Andrei Geronimo, 7, at Clark Jade Cambronero, 3. Sinabi ng Bureau of Fire Protection-Antipolo, na lumalabas na naipit sa kanilang bahay ang mga biktima. Malaki na kasi ang sunog na nagsimula pasado alas-4 ng hapon ng Miyerkules. Naapula ang naturang pagsiklab mga alas 5:30 ng hapon. Pasado alas-9 ng gabi nang makuha…
Read MoreBAKUNA NA LANG ANG PAG-ASA
Isa sa mga idinadalangin ko araw-araw ay magkaroon na ng bakuna para sa COVID-19 dahil masyado nang malaking perwisyo ang idinulot ng virus na ito sa ating lahat. Apat na buwan na tayong pinuperwisyo ng virus na ito na nagsimula sa China at lahat tayo ay naghihintay ng resulta ng pag-aaral ng mga eksperto ng mga posibleng gamot para dito. Nakakainip ang maghintay at araw-araw ay nai-stress tayo na nagpapalala sa ating anxiety dahil hindi natin alam kung kailan tayo makakabalik sa normal na nating gawain bago sumabog ang COVID-19…
Read More