ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa kanyang Talk to the People Address, araw ng Lunes, Hunyo 15, ang Cebu City sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ) simula ngayong araw, Hunyo 16. Ang patuloy na mataas na bilang ng mga bagong kaso at paglaganap sa komunidad ng pagkahawa sa mga pangunahing barangay sa lungsod at ang consistent case doubling time ng less than seven (7) days at significant increase sa critical care utilization laban sa critical care capacity ang mga dahilan kung bakit ibinalik ang Cebu City sa ECQ.…
Read MoreMonth: June 2020
DUAL CITIZEN SA MASS MEDIA NARARAPAT IPAGBAWAL
HINDI ko masisisi ang mga kongresista na ipagbawal na nang tuluyan ang dual citizen na mamahala o magmay-ari ng mass media company lalo na ang mga broadcast media dahil malalagay ang interest ng bansa sa alanganing situwasyon kapag nagbanggaan na ang dalawang bansa kung saan siya kapwa citizen. Oo nga naman, kailangang purong Filipino ang dapat mamamahala at magmamay-ari sa isang broadcast network para hindi na siya malito kung saan siya papanig at mangingibabaw sa kanya ang kapakanan ng bansa. Sa kaso ni ABS-CBN chairman emeritus Eugenio “Gabby” Lopez III…
Read MoreONLINE SEXUAL EXPLOITATION, BAGONG VIRUS SA BANSA
DUMAMI ang kaso ng online sexual exploitation sa kabataan habang nasa gitna nang pana-nalasa ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa bansa. Nitong nakaraang buwan ng Abril at Mayo, walang pasok sa mga eskuwelahan ang mga kabataan kung kaya’t nasa bahay lang sila. Hindi rin sila makalabas sa kanilang mga bahay basta-basta dahil sa ipinatutupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa buong bansa. Wala silang pinagkakaabalahan kundi mobile phone at internet sa kani-kanilang mga tahanan kaya may mga nasadlak sa kanila sa online sexual exploitation na kadalasan pa ang nasa likod…
Read MoreMAYOR SA DRUG LIST NI PDU30 INAMBUSH
TINAMBANGAN ng mga armadong lalaki ang sinasakyang van ni Teresa, Rizal Mayor Raul Palino. Pinalad namang makaligtas ang alkalde ngunit Sugatan sa insidente ang driver at body guard nito na hindi pa natukoy ang pangalan. Sa imbestigasyon ng pulisya, binabaybay ng sasakyan ng alkalde ang kahabaan ng E. Rodriguez Avenue sa Brgy. Poblacion, Teresa nang bigla na lamang silang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang armadong kalalakihan. Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. Si Palino ay isa umano sa mga politiko na kabilang sa listahan ni Pangulong…
Read MoreBERTIZ III BAGONG DEPUTY DIRECTOR GENERAL NG TESDA
KINUMPIRMA ng Malakanyang ang pagkakatalaga kay Aniceto dela Rosa Bertiz III bilang Deputy Director-General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Si Bertiz ay naging kinatawan ng ACTS OFW Partylist, na nakapagpabalik sa libong overseas Filipino workers sa bansa. Si Bertiz ay may malaking katungkulan o atas na dapat matupad at ito’y bigyan ang mga magbabalik na Filipino ng ‘quality-assured and inclusive technical education’ at skills development, na nakita ng TESDA. Umaasa naman si Presidential spokesperson Harry Roque na susuportahan ng lahat si DDG Bertiz sa pagsisimula niya sa…
Read MorePAGKONTRA NI PDUTERTE SA MANILA BAY RECLAMATION, IKINATUWA SA SENADO
NAGPAHAYAG ng katuwaan si Senador Cynthia Villar sa pagkontra ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga lobbyist na gustong magsagawa ng reclamation sa Manila Bay dahil pabor ito sa pro-environment sa new normal. Sa pahayag, sinabi ni Villar na ipinakikita lamang ni PDuterte ang kanyang commitment na ayusin at pangalagaan ang Manila Bay sa kanyang paulit-ulit na pahayag laban sa reklamasyon nito. Iginiit ni Villar, chairperson ng Committee on Environment and Natural Resources, sa kanyang mga public address briefing sa kalagayan ng bansa sa ilalim ng quarantine, tiniyak ng Pangulo na…
Read MoreTULAK TIKLO SA P.2M SHABU
BAGSAK sa kulungan ang isang lalaki makaraang makumpiskahan ng P200,000 halaga ng umano’y shabu sa buy-bust operation sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Kinilala ang suspek na si Michael Tagoto, 43, ng #78 Luna St., Brgy. Bangkulasi sa nabanggit na lungsod. Dakong ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ang operasyon kontra sa suspek sa Luna St., Brgy. Bangkulasi. Isang pulis na nagpanggap na buyer ang nakaiskor ng droga kay Tagoto na nagresulta sa pagkakadakip sa suspek. Nakumpiska sa suspek ang walo pang plastic sachets na naglalaman ng nasa 25.2…
Read More12 KATAO ARESTADO SA SABONG
ARESTADO ang 12 katao sa isinagawang operasyon ng mga pulis laban sa tupada sa magkahiwalay na lugar sa Valenzuela City, sa kabila na ipinagbabawal na pagtitipon dahil sa COVID-19. Ayon kay Valenzuela City Police chief, Col. Fernando Ortega, Linggo ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Intelligence Branch (SIB), sa pangunguna ni P/Capt. Marissa Arellano, ng operasyon laban sa tupada sa Washington Drive, Brgy. Lawang Bato. Nang mapansin ng mga nagtutupada ang presenya ng mga pulis ay mabilis na nagpulasan ang mga ito sa magkahiwalay na direksyon. Gayunman,…
Read MoreSa Tondo, Manila PASAWAY DUMAGSA SA LANSANGAN
BAGAMA’T mahigpit na ipinagbabawal na lumabas ang mga may edad na 21 pababa, marami pa ring mga kabataan ang nagkalat sa mga lansangan katulad ng mga nagpapalipad ng saranggola, sa tatlong barangay sa Tondo, Manila. Hindi na sinasaway ng barangay officials ng Barangay 221, 227 at 228, Sona 21 sa ika-2 distrito ng Tondo, ang pasaway na mga kabataan. Ultimo mga bata na may edad walo hanggang 12-anyos, mapalalaki man o babae ay animo’y parang mga ibon na nakawala sa hawla. Kahit wala umanong suot na facemask ang mga kabataan…
Read More