PATULOY sa pag-angat ang bilang ng mga gumagaling sa COVID-19 sa Pilipinas na para sa Department of Health (DOH) ay dahil nagkaroon na ng sapat na karanasan ang mga doktor sa loob ng limang buwan ng pandemic. Sinabi ni Health Undersecretary Maria Vergeire, nakakabisado na ng mga doktor kung paano gamutin ang isang COVID-19 patient kaya dumarami na ang gumagaling. Bukod dito, mayroon na rin umanong function of reporting kung saan nalilinis na ang data at naisasama na ang recovery cases na dati ay hindi naiuulat ng mga local government…
Read MoreMonth: June 2020
Pagyurak sa reputasyon ang isyu, hindi press freedom RESSA SWAK SA CYBER LIBEL
HINATULAN ng isang judge ng Manila Regional Trial Court (RTC) na mabilanggo ng maksimum na anim na taon si Maria Ressa, executive editor ng Rappler, nang labagin nito ang probisyon tungkol sa cyber libel ng Cyber Prevention Act of 2012. Kasama ni Ressa ang reporter ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr., ang nagsulat ng artikulong pinag-ugatan ng kasong isinampa ng negosyanteng si Wilfredo Keng laban sa dalawa. Ayon sa desisyon ni Judge Rainelda Estacio-Montesa ng Manila RTC Branch 46, nilabag nina Ressa at Santos ang Seksiyon 4 ng Cybercrime…
Read MoreNOYNOY PROMOTOR NG ONLINE BUSINESS REGISTRATION
PANAHON pa ng Aquino administration nang ipatupad ang pagre-require sa mga online seller na magparehistro sa Bureau of Internal Revenue (BIR) at magbayad ng buwis. Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ipinatutupad lamang ng Duterte administration ang polisiya na nilikha noong termino ni dating BIR Commissioner Kim Henares. “Ipinatutupad lang po natin ang instruction at isang batas na pinasimulan ni Presidente Noynoy Aquino,” ayon kay Sec. Roque. Ipinakita sa record ng BIR na nagpalabas si Henares ng Revenue Memorandum Circular 55-2013 noong August 2013, na nagpapaalala sa mga nasa online…
Read MoreP8-B PUHUNAN NG MGA DAYUHAN SA ABS-CBN
MAHIGIT walong (8) bilyong piso ang inilagak na puhunan ng mga dayuhan sa ABS-CBN sa pamamagitan ng Philippine Depository Receipts (PDR) na ibinenta ng ABS-CBN Holdings na siyang may-ari rin ng ABS-CBN Broadcasting corporation. Ito ang isiniwalat ni Dasmariñas City Rep. Elpidio Barzaga sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government sa paglabag umano ng ABS-CBN sa kanilang prangkisa. Ayon kay Barzaga, umaabot sa 289,827,100 ang PDRs na inisyu ng ABS-CBN Holdings Corporation mula 1999 hanggang Marso 2020 kung saan ibinenta ito sa…
Read MoreSafety protocols sa dine-in siguruhin RANDOM INSPECTION SA MGA RESTO IKAKASA
NAGPAALALA ang Department of Trade and Industry sa mga restaurant at food establishment owners ng ibayong pag-iingat sa kanilang operasyon sa gitna ng banta ng COVID-19. Ito’y dahil nagsimula na ang unti-unting pagbubukas ng dine-in services sa general community quarantine (GCQ) areas. Sinabi ni DTI Undersecretary Boy Vizmonte sa mga business owner na ipatupad ang mga protocol na itinakda ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng virus. Inatasan na aniya ng Inter-Agency Task Force ang DTI, Department of Tourism, Department of Labor and Employment, at ang Department of the Interior…
Read MoreSENIORS POPROTEKTAHAN LABAN SA ONLINE SCAM
INIHAIN ni Senador Nancy Binay ang isang panukalang batas na magbibigay proteksiyon sa mga senior citizen laban sa mga panlolokong aktibidad tulad ng scam at phishing sa internet. Sa pahayag, sinabi ni Binay na layunin ng Senate Bill No. 1376 na kikilalanin bilang Senior Citizen’s Fraud Education Act, na protektahan at itaguyod ang kagalingan ng senior citizen sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila, caregiver at publiko kung paano matutukoy at lalabanan ng panlolokong aktibidad. “Bad people make a living by defrauding others. Unfortunately, senior citizens have become primary targets of…
Read MorePRESYO NG KRUDO TULOY SA PAGSIPA
PATULOY ang pag-angat ng presyo ng krudo. Mahigit piso ang inaasahang dagdag sa kada litro ng gasolina at kerosene simula ngayong araw. Sinabi ng Pilipinas Shell Petroleum Corp. at SEAOIL Philippines Inc. na magdadagdag sila ng P1.25 sa kada litro ng gasolina habang P1.10 sa diesel at sa kerosene ay P0.75. Gayundin ang Petro Gazz pero hindi kasama ang kerosene dahil wala sila nito. Sinabi ng oil companies na hindi pa rito kasali ang 10% additional duty sa imported crude oil at refined petroleum products na ipinataw ng administrasyong Duterte…
Read MoreP1.6-B ATRASO NG MGA LOPEZ, KAKALKALIN NA RIN SA KAMARA
HAHALUKAYIN na rin ng mababang kapulungan ng Kongreso ang P1.6 Billion na inutang ng mga kumpanya ng pamilya Lopez sa bangko ng gobyerno na pinatawad at hindi na pinabayaran sa mga ito. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House committee on legislative franchise at committee on good government sa prangkisa at paglabag umano ng ABS-CBN sa batas, nagdesisyon ang dalawang komite na isama na sa imbestigasyon ang utang ng pamilya Lopez sa Development Bank of the Philippines (DBP) na hindi na pinabayaran sa kanila. Kasunod ito ng manifestation ni DUMPER PTDA…
Read MorePANGULONG DUTERTE, SINUWAY NG PHILHEALTH?
“HABANG meron tayong krisis, ang naging desisyon ng Presidente (ay) huwag na muna tayong magpataw ng karagdagang pahirap sa ating mga OFWs, lalong lalo na sa panahon na napakarami sa kanilang nawalan ng trabaho at pinauwi. Iyan naman ay nagkaroon nang mabilisang aksyon ang ating Kalihim ng Kalu sugan at sinuspinde nga ang increased collection para sa PhilHealth,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. Mahigpit na pinanghawakan ito ng ating mga kabayaning overseas Filipino workers (OFWs) kung kaya labis nagpasalamat ang mga ito sa ating pangulo. Pagkakaunawa ng karamihan ay…
Read More