3 ARESTADO SA SHABU

ARESTADO ang isang adik at dalawang suki niyang tulak sa buy-bust operation noong linggo ng gabi sa Navotas City. Magkakasunod na ikinarsel ang hinihinlanag mga drug pusher na sina Allan Reyes, 40, at Rico dela Paz, 53, at ang umano’y adik na si Marlon Ilano, 42-anyos. Ayon sa ulat, alas-7:15 ng gabi nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek sa J. Alonzo St., Brgy. Daanghari, Navotas City na nagresulta sa pagkakadakip sa mga ito at nakumpiskahan ng isang sachet ng shabu at P300 buy-bust money. (ALAIN AJERO) 440

Read More

BINATILYO ARESTADO SA PANANAKSAK

BINITBIT ng mga barangay official ang isang 16-anyos na binatilyo makaraang saksakin sa dibdib ang isang 27-anyos na lalaking sumita sa suspek nang mabangga ang anak na pinaliliguan noong linggo ng gabi sa Intramuros, Manila. Itinago ang suspek sa pangalang “Isko” na nahaharap sa kasong frustrated murder. Habang kinilala ang biktimang si Jule Fuentes, merchandizer, ng #452 Cabildo St., Intramuros, na isinugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center. Ayon sa opisyal ng Barangay 655, Zone 69, ang suspek ay dinala na nila sa Manila Youth Recreation Center makaraang i-report ang…

Read More

AMBUSH SA MALATE: MAG-ANAK INULAN NG BALA

PATAY ang isang 24-anyos na lalaki habang sugatan ang kapatid nito makaraang pagbabarilin ang isang mag-anak na lulan ng kotse sa Malate, Manila nitong Lunes ng umaga. Hindi umabot nang buhay sa Philippine General Hospital ang biktimang Edgar Ramiro, 24, ng #2202 Tramo St. sa lungsod ng Pasay. Sugatan naman ang kapatid nitong si Luisa, 26, saleslady sa isang mall, makarang tamaan ng bala sa braso. Samantala, mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na lulan ng motorsiklo. Batay sa ulat ng Manila Police District- Homicide Section, bandang umaga nang mangyari…

Read More

AYUDA SA PINOY ARTIST, ISINUSULONG SA SENADO

ITINUTULAK ni Senadora Imee R. Marcos ang panawagang bigyang ayuda ang mga artist at producers sa creative work na may malaking maiaambag sa muling paglago ng ekonomiya ng bansa. Ayon kay Marcos, mahalagang suportahan ng gobyerno ang husay at galing ng mga Pilipino na makatutulong sa ekonomiya tulad ng mga animator na kinikilala ng Disney at maging ang ating mga malikhaing chef na nagdala sa Pilipinas sa pagiging culinary destination sa Asya. “Dapat tignan ng ating mga economic manager ang creative work bilang isang epektibo at kumikitang industriya, hindi lang…

Read More

Upang sumipa ang ekonomiya PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON, PAYAGAN

DAPAT simulan na ang pagbiyahe ng mga pampublikong sasakyan kung nais ng gobyerno na sumipa muli ang ekonomiya sa gitna ng COVID 19 pandemic. Ito ang binigyang-diin ni Senador Ralph Recto sa paghimok sa pamahalaan na payagan nang muli ang pagpasada ng public utility vehicles upang maserbisyuhan ang mga manggagawang pabalik sa kanilang trabaho. “There are three important T’s today: tests, trabaho, transportasyon. Screening for coronavirus is no longer a requisite for returning to work. But without a ride, there is no work. And no work, no pay,” saad ni…

Read More

‘POLICE ASSET’ ITINUMBA

CAVITE – Patay ang isang 19-anyos na lalaki makaraang pagsasaksakin ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga nang mapagkamalang police asset ang biktima sa Bacoor City sa lalawigang ito. Namatay habang ginagamot sa Binakayan Hospital ang biktimang si Louie Angello Vallada ng Bacoor Cavite dahil sa mga saksak sa katawan habang arestado naman ang suspek na si Orlando Garcia, 52, at pinaghahanap ang kasama nitong si Erwin Copones, 30, kapwa residente ng #228 Tabing Ilog, Bgry. Banalo, Bacoor City. Sa ulat ni P/SSgt. Alih Rimbang ng Bacoor City Police…

Read More

HITMAN NG DRUG GROUP NAPATAY SA LAGUNA

LAGUNA – Patay ang isang construction worker nang manlaban umano sa drug operation sa bayan ng Sta. Rosa sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ni CALABARZON PNP Regional Director P/BGen. Vicente Danao Jr., ang suspek na si Dennis Badilles Caratihan, 40, residente ng Brgy. Macabling, Sta. Rosa City, umano’y siya ring hitman ng Vallejo drug group na nag-o-operate sa 1st at 2nd district ng Laguna at Muntinlupa City. Ayon sa report ng pulisya, nanlaban si Caratihan sa mga pulis nang makatunog na mga operatiba ang katransaksiyon dakong alas-7:00…

Read More

KATAGAY TINAGPAS DAHIL SA COVID-19

CAPIZ – Halos humiwalay ang ulo sa katawan ng isang lalaki makaraang pagtulungang tagain ng dalawang kainuman dahil sa pagtatalo hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lalawigang ito, noong Linggo ng gabi. Kinilala ang biktimang si Jomin Nicolas, 36-anyos, habang tinutugis naman ang mga suspek na kinilalang sina Eric Valaqiuo at Felimino Villeza, pawang mga residente ng Brgy. San Juan, Jamindan, Capiz. Batay sa report ng Jamindan Municipal Police Station, dakong alas 6:30 ng gabi nang mangyari ang insidente ‘di kalayuan sa bahay ng biktima at mga suspek. Napag-alaman,…

Read More

2 REBELDE SUMUKO SA ISABELA PNP

ISABELA – Sumuko sa pulisya ang dalawang miyembro ng Sangay ng Partido sa Lokalidad (SPL), Milisyang Bayan sa San Mariano sa lalawigang ito, noong Sabado. Sa natanggap na email ng SAKSI NGAYON, mula sa Police Regional Office 2, napag-alaman, dakong alas-10 ng umaga sumuko sa 4th Manuever Platoon, 1st IPMFC sa Brgy. Malabbo, San Mariano, Isabela, Intel operatives ng 1st IPMFC, 2nd IPMFC, San Mariano PS, at 95IB, ang isang rebelde na residente ng Sitio Kurawatin, Brgy. Binatug, San Mariano, Isabela. Ang nasabing rebelde ay isinailalim sa AFP Community Support…

Read More