4 PATAY, 6 SUGATAN SA BANGGAAN NG 3 TRUCK

BAGUIO City – Patay ang anim katao makaraang magkarambola ang tatlong truck, kabilang ang isang garbage truck ng lokal na pamahalaan ng Baguio City, nitong Lunes ng umaga sa Marcos High-way sa nasabing lungsod. Kinilala ang mga biktimang sina Reymark Dela Rama, empleyado ng General Services Office-Baguio; Mark Collantes, Mrson Aoay Manalastas, Rustom dela Rama, Mark Alvin Collantes, at Billy Joe Collantes. Ayon kay P/Maj. Dominador de Guzman, hepe ng Tuba Municipal Police Station, dakong alas-4:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Marcos Highway, Bontiway, Poblacion, Tuba, Benguet. Lumalabas…

Read More

17-anyos na ka-chat pinaghubad VIDEO IKINALAT NG LGU OFFICIAL

QUEZON – Pinaghahanap nang mga awtoridad ang municipal administrator ng bayan ng Unisan sa lalawigang ito makaraang magpakalat umano sa social media ng video ng hubo’t hubad na dalagita. Batay sa report, nagsampa ng kaso ang mga magulang ng 17-anyos na dalagita laban kay municipal administrator Arnel Castillo matapos na kumalat sa facebook ang video ng dalagita na ini-record umano ng suspek sa kanilang video call. Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti-Voyeurism Act at Cybercrime Law in relation to RA 7610 (child abuse) Batay sa kwento ng…

Read More

LAHAR RUMAGASA SA LAUREL, BATANGAS

BATANGAS – Muling nasalanta ang mga residente sa isang barangay sa bayan ng Laurel na napinsala ng pag-alburoto ng bulkang Taal, nang rumagasa ang lahar dahil sa malakas na buhos ng ulan noong Linggo ng hapon. Kanya-kanyang salba ng mga kagamitan ang mga residente ng Barangay Buso-Buso nang rumagasa pababa sa ilog ang magkahalong baha at putik na nagmula sa karatig na highland areas na sakop ng bayan ng Laurel at Lemery. Bunsod nito, umapaw ang tubig at lahar sa kabahayan at mga kalsada. Ang Barangay Buso-buso na nasa western…

Read More

Strict protocols tiniyak DAVAO INTERNATIONAL AIRPORT, BUKAS NA

DAVAO City – Ipinatupad ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang strict protocol sa muling pagbubukas ng commercial flights dito sa lungsod simula nitong Lunes. Isang flight lamang kada araw ang darating at aalis mula sa Davao International Airport. Ayon sa CAAP, hindi lalagpas sa 350 pasahero ang sasakay sa eroplano at isasailalim sa strict health screening upang masigurong hindi madadagdagan ang bilang ng mga nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Nagsagawa rin ng dry run ang mga opisyal ng CAAP noong Biyernes kung saan ipinakita ang ipatutupad…

Read More

INDEPENDENCE DAY PROTEST PWEDE PERO ONLINE

MAARING magsagawa ng kilos protesta sa online ang mga Filipino sa Independence Day, Hunyo 12. Ito’y dahil sa social distancing na ipinatutupad kaugnay ng coronavirus pandemic. Sa katunayan, ang mga rally noong Araw ng Paggawa, Mayo 1 ay isinagawa rin sa online bunsod na rin ng pag-iral ng enhanced community quarantine (ECQ). “Sa mga lugar na talagang mataas ang banta ng COVID-19, eh huwag niyo naman po i-violate yung ating quarantine rules kagaya ng social distancing,” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque. “Puwede po magprotesta online. Hindi po natin sinusupil…

Read More

FOOD SELF-SUFFICIENCY SA NEW NORMAL, ITINUTULAK NG SENADOR

Naniniwala si Senador Cynthia Villar na nalantad ang limitasyon ng suplay ng pagkain at pagkukulang sa food distribution system nang nagsimula ang pandemya ng corona virus 2019 (COVID-19) hindi lamang sa bansa kundi sa buong mundo. Sa pahayag, sinabi ni Villar na dapat maipakilala at maghatid ng kaalaman ang kinauukulan sa mga Filipino hinggil sa food self-sufficiency partikular sa pamilya, sambayanan at komunidad. “COVID-19 is an eye-opener for many people, not only in relation to our health, but the sufficiency and source of the food we eat, too. It made…

Read More

Tugon sa kalbaryo ng mga obrero 11 NEW CITY BUS ROUTES NILARGA

NAPAKINGGAN ng Malakanyang ang sentimyento at naiintindihan ang kahalagahan ng mga manggagawa sa pagko- commute mula sa kanilang tirahan patungo sa kanilang trabaho at vice-versa kapag muling binuksan ang ekonomiya. Dulot nito, binuksan na ng Department of Transportation ang (8) city bus routes noong nakaraang linggo at sa naging kautusan ng Pangulo, ay dinagdagan pa ito ng 3 na pumasada na rin ngayong araw, Hunyo 8, at mas maraming rationalized routes sa mga susunod na araw. Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kailangan nila kasing ikonsidera ang Metro Manila…

Read More

POKWANG AT LEE, BONDING NGAYON ANG PAG-AALAGA SA ANAK

SOBRANG tutok ngayon sa pag-aalaga ng kanilang anak na si Malia sina Pokwang at Lee O’Brian. Stranded sa probinsya ang kasamahan ng magkasintahan sa bahay kaya nagsisilbing bonding umano ang pag-aalaga sa bata. “Yes, bonding talaga namin. Hands-on kami ngayon dahil wala ang kanyang yaya,” nakangiting pahayag ni Pokwang. Dalawang taong gulang na ngayon si Malia. Limang taon na ring magkarelasyon sina Pokwang at Lee pero mayroon pa ring ilang kumukuwestiyon kung talagang tunay ang hangarin ng aktor sa komedyana. “Actually hanggang ngayon, pinagdaraanan pa rin namin ‘yan eh. ‘Yung…

Read More

YOUTUBE MUNA BAGO TULONG?

AKO OFW

DAGDAG na kita ang hanap ngayon ng mga OFW dahil karamihan sa kanila ay talagang naapektuhan ng ‘No-Work, No Pay’ policy. Marami ng OFW ang sumubok na online selling katunayan maging ang kanilang mga lumang damit at kasangkapan ay ibinebenta na rin. Meron din namang mga OFW na bihasa sa information technology ang nagsimula na rin mag-’monetize’ ng kanilang YouTube account. Ang pag-monetize ng isang YouTube account ay nakakamit lamang kung mapapansin ng YouTube administrator na ang iyong YouTube account ay tinatangkilik ng maraming subscriber o followers. Nakadepende ito sa…

Read More