ANTI-TERROR BILl, BAKIT KINATATAKUTAN?

DPA

PINAKAKONTROBERSYAL na sa lahat ng panukalang batas na ipinasa ng dalawang Kapulungan ng Kongreso ang Anti-Terror Bill dahil halos lahat na ng sektor ang natatakot dito. Unang ipinasa ang panukala sa Senado noong Pebrero 2020 pero hindi napagtuunan ng pansin ng publiko dahil sa panahong iyon ay nagsimula nang manalasa ang coronavirus disease 2019 sa ating bansa at sa ibang panig ng mundo. Ngayon lamang napansin ito ng mga tao dahil in-adopt na lamang ng Senado ang buong-buong bersyon ng Senado dahil wala nang panahon ang mga kongresista, marahil na…

Read More

‘AGIMAT’ NI DUQUE KAY PDU30 KINUWESTYON NG SENADOR

NAGTAKA si Senador Panfilo Lacson kung anong agimat ang ginagamit ni Health Secretary Francisco Duque kung bakit hindi ito masibak ni Pangulong Duterte sa Department of Health (DOH) sa kabila ng sunod-sunod na kapalpakan. Sa pahayag, sinabi ni Lacson, hindi mabilang sa daliri sa kamay ang kapalpakan ng kalihim at pinakahuli ang kabiguan nitong bayaran ng tig-P1 milyon ang 32 health workers na namatay at ilang nagkasakit sa corona virus 2019 disease (COVID-19). “Many of us are starting to wonder what “amulet” DOH Secretary Francisco Duque III has to deserve…

Read More

SASAKYAN NG MANGGAGAWA ‘WAG IASA SA MGA NEGOSYANTE

HINDI patas kung aatasan ang pribadong negosyante na umaahon pa lamang mula sa pandemya na magtalaga ng shuttle service para sa kani-kanilang mga empleyado. Ito ang dahilan kaya nanawagan si Senador Ramon Revilla Jr. sa Inter-Agency Task Force (IATF) na agad repasuhin ang public transport policy dahil sa kakulangan ng ligtas na pampublikong sasakyan na maaaring magresulta sa pagkalat ng COVID-19 sa halip na ito ay mapigilan. Ayon sa senador, dahil ang buong bansa ay lumipat na sa General Community Quarantine (GCQ) noong nakaraang Lunes (Hunyo 1), nahaharap sa mabigat…

Read More

PINAS HINDI PA HANDA SA BLENDED LEARNING

HINDI naniniwala si Pangulong Rodrigo Roa Duterte na handa na ang bansa na mag-shift sa blended learning o combined methods para turuan ang mga estudyante sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. Ang pahayag na ito ni Pangulong Duterte ay makaraang sabihin ng Department of Education (DepEd) na handa na sila sa pagbubukas ng klase sa darating na Agosto 24 na mamarkahan ng online schooling at take home modules lalo pa’t ang face-to-face classes ay hindi papayagan habang nakabinbin ang bakuna laban sa COVID-19. Ang DepEd ay nagsasagawa na…

Read More

Ayala, Pangilinan ‘di pwedeng lumamang PDU30: WATER DEAL DAPAT PATAS

REREBISAHIN ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang bagong concession agreements sa water companies na Maynilad at Manila Water upang masigurong patas ito. Sa public address ni Pangulong Duterte, binigyang-diin nito na ang bagong kontrata ay kailangang patas. Kailangan din aniyang ibalik ng mga water company ang perang kinuha ng mga ito mula sa kanilang consumers sa ilalim ng kasalukuyang concession deals. “I think starting tomorrow the papers are here. I will review the contracts that are proposed by the government panel to the Ayala and Pangilinan consortium,” ayon sa Pangulo.…

Read More

‘Special power’ ni PDuterte sa Bayanihan Act, Tapos na pero… KULANG PA ANG P353-B?

UMABOT sa P353 bilyon ang kabuuang perang inilabas ng Department of Budget and Management (DBM) upang ipamahagi sa 23 milyong pinakamahihirap na pamilyang Filipino, mga manggagawa sa maliliit na negosyo at mga overseas Filipino worker (OFW) at perang pambili ng mga kagamitang gagamitin laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19). Eksaktong P78 bilyon ang sobra nito sa P275 bilyong itinakda at ipinag-utos ng Bayanihan to Heal as One Act na kailangang ilabas ng administrasyong Duterte para sa ayudang pinansiyal sa mga pinakamahirap na pamilyang Filipino, manggagawa at OFWs. Kahapon (Hunyo 5)…

Read More

Pero hanggang sampu katao lang kada misa SIMBANG QUIAPO BALIK NA

SA unang Biyernes ngayong buwan ay pinayagan nang makapasok sa Quiapo church ang mga deboto. Bilang pagsunod sa guidelines na inilabas ng gobyerno ay 10 katao lamang ang pinapayagang makapasok kasa misa. “Nagpapasok kami ng magsisimba tuwing mayroong misa pero limitado lang talaga sa sampu gaya ng sinabi ng IATF,” ayon kay Fr. Danichi Hui, Parochial Vicar ng Minor Basilica. Kung wala namang misa ay maaaring pumasok ang nasa 50 ngunit papayagan lamang sila na manatili sa loob ng limang minuto. May markings na nakalagay kada silya upang paalalahanan ang…

Read More

SABONG BAWAL PA RIN – DILG

HINDI pa rin pinapayagan na mabuksan ang mga sabungan sa kahit saang lugar sa Pilipinas. Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya na inabisuhan  nila ang mga lokal na pamahalaan na huwag munang payagan ang mga sabong sa kanilang lugar hangga’t wala pang direktiba ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). “Bawal po ang sabong hanggang ngayon,” ayon kay Usec. Malaya. Aniya, nakarating sa DILG ang ulat na may mga lugar na pinayagan na muli ang pagsasabong. Binigyang diin nito na walang…

Read More

PALPAK NA IMPLEMENTASYON NG BAYANIHAN ACT 1, IIMBESTIGAHAN

BAGAMA’T ipinasa na sa ikalawang pagbasa ang ekstensyon ng Bayanihan to Heal as One Law bago magdeklara ng sine die ang Kongreso kahapon ng tanghali, nabitin ang pagpapatibay sa panukalang palawigin ito dahil kailangan munang imbestigahan at panagutin ang mga opisyal sa palpak na implementasyon ng unang batas. “Going to Bayanihan 2, we commit to the President and the Filipino we will be supportive. But we will follow the president’s lead, we will demand accountability,” ani House Speaker Alan Peter Cayetano. Hindi itinago ni Cayetano ang kanyang pagkadismaya sa implementasyon…

Read More