CAVITE – Patay ang isang 24-anyos na security guard makaraang lumusot at mahulog mula sa rooftop ng isang gusali nang tumapak sa plastic na bubong sa bayan ng Silang. Hindi umabot nang buhay sa UMC Hospital sa Dasmarinas City ang biktimang si Jake Manaligan, tubong Negros Occidental, naka-duty sa Taifini Company Inc, at residente ng Navarro St., Brgy. San Gabriel General Mariano Alvarez (GMA), Cavite . Sa ulat ni P/SMSgt. Glenn Soriano ng Silang Municipal Police Station, dakong alas-9:00 ng umaga noong Martes umakyat ang biktima sa rooftop ng gusali…
Read MoreMonth: June 2020
9 CURFEW VIOLATORS PINALANGOY SA KANAL
DAVAO City – Umalma ang siyam na mga lumabag sa curfew hours sa Sitio San Antonio, Brgy. Agdao nitong lungsod matapos silang palangoyin sa isang maruming kanal noong Lunes ng gabi, Hunyo 1. Naging emosyonal sina Zosimo Uyanguren at Eric Enguillo sa panayam ng media, dahil sobra umano ang parusa sa mga pulis na nakahuli sa kanila. Hindi rin matanggap ng single father na si Frederick Matias ang ginawa sa kanila ng mga awtoridad kahit aminadong lumabag sila sa curfew hours dahil sobra umano ang ginawang parusa sa kanilang kasalanan.…
Read MoreSa hindi pagbibigay ng kompensasyon sa healthworkers BAYANIHAN LAW, NILABAG NG DOH
MALINAW na lumabag sa Bayanihan to Heal as One Act ang Department of Health (DOH) dahil sa hindi pa rin pagkakaloob ng kompensasyon sa mga healthworker na namatay at tinamaan ng COVID 19. Ipinaalala ni Lacson na bukod sa tig-P1 milyon na kompensasyon sa 32 healthworkers na namatay, dapat pa ring ibigay ng DOH ang special Risk Allowance sa government health workers; Free medical expenses sa public at private health workers; at P100,000 allowance sa public at private health workers na tinamaan ng virus. “This makes us wonder: How can…
Read MoreSUSPENDED LANG ANG VFA TERMINATION – MALAKANYANG
“NAPAKALALIM ng sagot ko dyan, I defer to SFA.” Ito ang tugon ni Presidential spokesperson Harry Roque sa utos ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na suspendihin ang pagkalas ng Pilipinas mula sa Visiting Forces Agreement nito kasama ang US. “Antayin nyo, bukas kami mag-uusap ni Presidente,” ayon kay Sec. Roque. Inamin ni Sec. Roque na dalawang linggo na niyang alam ang usaping ito ngunit wala siyang narinig mula sa Chief Executive ukol dito. “Alam mo, alam ko na yan two weeks ago, pero I did not hear it from the…
Read MoreANTI-HOARDING AT PANIC BUYING MEMO, PLANONG ALISIN NA NG DTI
PINAG-AARALAN ng Department of Trade and Industry (DTI) ang pagtanggal ng limitasyon sa pagbili ng ilang piling produkto na ipinatupad noon sa kasagsagan ng pandemya. Ayon kay DTI Undersecretary Ruth Castelo, masusi nilang pinag-aaralan ang pagtatanggal ng ilang hakbang para iwasan ang hoarding at panic buying bunsod na rin ng hiling ng ilang negosyante. “We have been receiving requests from manufacturers and retailers, both na i-lift na po natin ang ating anti-hoarding at anti-panic buying memorandum circular… We are studying if we will remove the purchase limit na. Si Sec.…
Read MoreDALUYAN NG TUBIG SA CALAMBA, NAGPOSITIBO SA POLIOVIRUS
NAGPOSITIBO sa poliovirus ang daluyan ng tubig sa pagitan ng Bgy. Bucal at Bgy. Halang, sa Calamba City, Laguna. Ito ang lumabas sa isinagawang pagsusuri ng mga eksperto. Sinabi ng Sangguniang Barangay ng Bucal, ang ilat o ligasong na pumapagitna sa dalawang barangay, o ang tubig mula sa Pamana Homes papuntang Laguna de Bay, ay nagpositibo sa poliovirus matapos ang isinagawang pag-aaral ng Community Environment and Natural Resources Office (CENRO). “Kami po ay humihingi sa inyo ng lubos na pakikiisa na huwag munang bumaba (lumusong) o pumunta sa nasabing lugar…
Read More2 PUI NA TUMAKAS SA MAYNILA, NAIBALIK NA SA QUARANTINE FACILITY
NAIBALIK na sa Delpan quarantine facility ang dalawang Person Under Investigation (PUI) dahil sa COVID-19 matapos silang tumakas kahapon. Nabatid kay Manila Police District Director P/Brigadier General Rolando Miranda, ang dalawang PUI ay mga detainee na may kasong paglabag sa RA 9165 at paglabag sa RA 7610. Pansamantala silang dinala sa Delpan facility upang maiwasang mahawa ang kanilang mga kasamang bilanggo. Gayunman, bandang 7:30 ng umaga kahapon ay natuklasan ang kanilang pagkawala. “Nakuha lang po sila ng pulis kanina sa Sta. Ana area,” ayon kay General Miranda sa panayam. Kasabay…
Read MoreMONTALBAN MAY LIBRENG SAKAY SA STRANDED NA MGA OBRERO
NAGBIGAY ng libreng sakay ang Montalban, Rizal local government unit para maibsan ang kalbaryo ng mga manggagawa na ilang oras nakababad sa init ng araw para lang makasakay. Ayon kay Montalban Mayor Tom Hernandez, apat na ruta ang libreng sakay: San Isidro to Litex, San Rafael to Litex Jollibee, Burgos to Litex Market, at Montalban to Marikina, na may takdang mga lugar para sa babaan ng mga mananakay na taga-Montalban. “Dahil limitado po ang pampublikong transportasyon sa ilalim ng GCQ at marami na ang nagbabalik trabaho, prayoridad po natin na…
Read MoreREDISTRICTING NG RIZAL 2ND DISTRICT, LUSOT NA SA KAMARA
APRUBADO na sa ikatlo at pinal na pagbasa sa Kamara ang panukalang batas na naglalayong hatiin ang Ikalawang Distrito ng lalawigan ng Rizal. Sa ilalim ng House Bill No. 6222 na inakda ni Rizal second district Rep. Fidel Nograles, ang mga bayan ng Teresa, Morong, Cardona, Baras, Tanay, Pililla, ay mananatili sa Ikalawang Distrito, habang ang bayan ng San Mateo ay 3rd district at Rodriguez ang gagawing 4th congressional district. Samantala, mananatili ang mga bayan ng Cainta, Taytay, Angono at Binangonan sa 1st district na kinakatawan ngayon ni Congressman Jack…
Read More