ONLINE SELLER HINOLDAP HABANG NAGLA-LIVE SELLING

LAGUNA – Hinoldap ng dalawang lalaki ang isang online seller habang nagsasagawa ng online selling sa kanyang shop sa Sta. Rosa City sa lalawigang ito. Ayon sa ulat, noong nakaraang Lunes, Setyembre 4, makikita sa live video habang abala sa pagbebenta ng kanyang mga panindang bag at damit ang 52-anyos na biktimang si Agnes Serafica nang biglang mapahinto dakong alas-2:00 ng hapon. Nakapasok na pala ang suspek na nakasuot ng helmet. Bigla nitong itinaob ang cellphone na ginagamit ng biktima sa live selling ngunit dinig pa rin ang kanilang usapan.…

Read More

Mapayapang Barangay at SK poll matitiyak DND-AFP AT PNP POSITIBO SA PAGKAKAISA NG EX-REBEL GROUPS

POSITIBO ang pamunuan ng Department of National Defense, ang Armed Forces of the Philippine at maging ang Philippine National Police (PNP) na malaki ang maitutulong ng pagkakaisa ng iba’t ibang paksyon ng dating rebel groups para sa mapayapang Bangsamoro Autonomous Region for Muslim Mindanao. Tiwala rin ang mga government security force na malaki ang magiging epekto nito para makatiyak na magkakaroon ng mapayapang Barangay at Sangguniang Kabataan Election sa susunod na buwan sa mga lalawigan sa Mindanao. Una nang nagpahayag ng kumpiyansa ang PNP sa pagkakaisa ng mga faction ng…

Read More

3K BULAKENYO TUMANGGAP NG AICS AID

NASA 3,000 benepisyaryo mula sa mga bayan ng Balagtas, Obando at Marilao sa lalawigan ng Bulacan ang nakatanggap ng Assistance to Individuals In Crisis Situation (AICS) mula sa programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa tulong ni Senator Imee R. Marcos nitong Martes, Setyembre 12, 2023. Personal na binisita ni Sen. Marcos ang nasabing mga munisipalidad para sa nasabing aktibidad katuwang ang DSWD kung saan kabilang sa mga ipinagkaloob ay AICS benefits, school bags and supplies para sa qualified residents dito. Unang pinuntahan ni Sen. Imee ang…

Read More

BOC-CEBU AT PAOCC SANIB-PWERSA PARA SA SEGURIDAD NG KALAKALAN

TINALAKAY sa pagpupulong sa pagitan ni Bureau of Customs Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, at ng mga miyembro ng Serious and Orga­nized Crime Threat Assessments (SOCTA) Research Team ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), ang pagpapalakas ng seguridad sa kalakalan noong Agosto 31, 2023. Binigyang-diin dito ang kanilang hindi natitinag na pangako para tiyakin ang mabilis at ligtas na galaw ng imported goods sa lugar na nasasakupan ng Bureau of Customs-Port of Cebu. Kabilang sa mga du­malo sa pagpupulong ay sina District Collector Morales;…

Read More

PASKONG TUYO SA MGA PILIPINO

IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO HINDI na umaasa pa ang mga Pilipino na magiging maganda ang kanilang pagdiriwang ng Pasko at Pagsalubong ng Bagong Taon ngayong 2023. Dahil hindi na rin sila umaasa na bababa pa ang presyo ng pangunahing mga bilihin sa bansa ngayong taon. Sa katunayan, sa mga palengke ng Novaliches sa Quezon City, na isa sa mga lugar sa Metro Manila na kilalang may mababang presyo ng mga bilihin, ay nananatiling mahal ang pa­ngunahing mga bilihin. Ang sibuyas ay nananatiling nasa P160 ang kada kilo, ang…

Read More

935 PULIS SINIBAK SA SERBISYO

NASA 935 erring policemen ang inutos na sibakin sa serbisyo matapos sumalang sa PNP-Committee on Disposition of Administrative Cases review ang kanilang mga kaso. Sa datos ng Philippine National Police, umaabot na sa 4,082 disciplinary cases ng mga pulis ang kanilang naresolba sa loob lamang ng walong buwan o mula Enero 1 hanggang katapusan ng Agosto ngayong taon. Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, ang mga naresolbang kaso ay nagresulta sa 935 dismissal sa serbisyo, 242 demosyon, 1,850 suspensyon, 159 forfeitures of salary, 680 reprimand, 110…

Read More

SPEAKER IIMBITAHAN OIL COMPANIES DAHIL SA SUNOD-SUNOD NA OIL PRICE HIKE

IIMBITAHIN ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang lahat ng oil players sa bansa para hanapan ng solusyon ang halos lingguhang oil price hike. Ayon kay Speaker Romualdez, “The government is not insensitive sa sentimiyento ng mga mamamayan hinggil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin lalo na ang petrolyo”. “Pagtaas kasi ng presyo ng petrolyo, lahat tumataas din pero syempre dikta din yan ng world market,” ani Romualdez. “Isa pang problema ay mayroon tayong Oil Deregulation Law kaya tali ang kamay ng pamahalaan,” dagdag pa ng House Speaker. Ayon…

Read More

MAKATI DINAGSA NG REKLAMO SA SCHOOL SUPPLIES

DINAGSA ng reklamo ang Makati dahil sa mga palpak umanong school supplies na ipinamahagi nito sa mga estudyante. Ayon sa mga magulang na naglahad ng kanilang saloobin sa social media, hindi na kasya sa kanilang mga anak ang mga polo, shorts at sapatos na ipinamahagi ng lokal na pamahalaan para sa pasukan. Matatandaang sinabi ni Makati Mayor Abby Binay na “annual tradition” ang pamamahagi ng mga nasabing school supply sa mga estudyante sa Makati. Sinabi pa nito na pati ang mga estudyante sa mga eskwelahan na sakop ng 10 EMBO…

Read More

QC BRGY. CAPTAIN, 2 PA KINASUHAN NG GRAFT

SINAMPAHAN sa Office of the Ombudsman ng kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act at Falsification of Public Document ang kapitan ng Barangay Kaligayahan, Quezon City at dalawa pang opisyal kaugnay ng reklamong ghost payroll. Sina Brgy. Captain Alfredo “Freddy” Roxas, Kgwd. Arnel Gabito at Brgy. Treasurer Hesiree Santiago ng nasabing barangay ay inireklamo ni Arjean Abe. Si Roxas ay Ex-Officio Chairperson, Committee on Barangay Affairs ng Quezon City Hall. Sa reklamo ni Abe, nagtrabaho umano siya sa Brgy. Kaligayahan bilang isang teacher aide sa Day Care Center noong…

Read More