AFP NAKIISA SA SAMBAYANANG PILIPINO SA PAGGUNITA SA UNDAS

NAGPAHAYAG ng pakikiisa si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., sa buong sambayanan sa paggunita sa Undas. Ayon kay Brawner, ang panahong ito ay panahon para magbigay-galang sa mga santo at gunitain ang naging buhay ng namayapang mga mahal sa buhay. Pagkakataon din aniya ito para bigyang parangal ang legasiya, alaala at kabayanihan ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan. Dapat aniyang samantalahin ang oportunidad para buhayin ang commitment sa paglilingkod sa kapwa at pahalagahan ang buhay at kalayaan, habang kumukuha…

Read More

PNP FULL ALERT HANGGANG UNDAS

INIHAYAG ng pamunuan ng Philippine National Police na mananatiling naka-full alert ang buong pwersa ng pulisya sa buong bansa bagama’t tapos na ang ginanap na Barangay at Sangguniang Kabataan Election noong Lunes. Ito ay bilang paghahanda at pagtiyak na magiging maayos at mapayapa ang paggunita ng sambayanang Pilipino sa Todos Los Santos, ayon kay PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo. Inihayag ni P/Col. Jean Fajardo, hindi na sila magbababa ng antas ng alerto upang masiguro na magiging peaceful and orderly ang long weekend ng sambayanan lalo na ang mga umuwi sa…

Read More

PAGBABAGO NG PANGALAN NG WEST PHILIPPINE SEA DAPAT IPAUBAYA SA MGA EKSPERTO

HINIMOK ni Sen. Grace Poe ang gobyerno at ang publiko na pakinggan ang opinyon at pananaw ng mga maritime at international law expert sa panukalang palitan ang pangalan ng West Philippine Sea (WPS) sa “Sea of Asia” Sinabi ni Poe na ang mga eksperto ang nakakaalam ng makabubuti para sa laban ng bansa. Subalit dapat anyang tiyakin na sa bawat aksyon ay hindi mawawala o hihina ang ating territorial claims sa disputed area. Una nang inirekomenda ng Department of Justice (DOJ) na gamitin ang “Sea of Asia” sa halip na…

Read More

PAGKAKALOOB NG BUWANANG P1K HAZARD PAY SA MGA BARANGAY TANOD, IPINASASABATAS

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Estrada ang panukala para sa pagbibigay ng buwanang P1,000 hazard pay para sa mga barangay tanod bilang insentibo sa ginagampanan nilang tungkulin sa kapayapaan. Sa kanyang Senate Bill No. 794, inirekomenda ni Estrada na ang pondo para sa benepisyo ay magmumula sa budget ng Department of Interior and Local Government (DILG) at isasama sa budget ng local government units (LGUs). Ipinaliwanag ni Estrada, na binibigyan lamang ng hindi bababa sa P600 kada buwan na honoraria o allowance ang mga barangay tanod. Ang barangay tanod brigades anya…

Read More

19 PATAY, MAHIGIT 20 SUGATAN SA BSKE 2023 ELECTION PERIOD

UMABOT sa 19 katao ang namatay habang 20 naman ang nasugatan sa buong panahon ng election period para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections. Subalit ayon sa Commission on Elections, kasalukuyan pa nila itong bineberipika base sa datos at mga police report na nakalap sa buong bansa sa loob ng nasabing election period. Sinasabing mas mababa ang nasabing bilang kumpara sa 2018 barangay polls. Sa isang panayam, inihayag ni Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, “…while the numbers were ‘quite low’ compared to the previous 2018 village polls, the figures were…

Read More

5 TULAK LAGLAG SA BUY-BUST

CAVITE – Swak sa kulungan ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na nasa listahan ng Street Value Individuals (SLIs) matapos maaresto sa buy-bust operation noong Lunes ng gabi. Kinilala ang mga naaresto na si alyas “Tol”, “Louie”, “RJ”, “Elmer” at “Will”, pawang nasa hustong edad at mga residente ng Brgy. Molino 2, Bacoor City, Cavite. Ayon sa ulat ni Police Corporal Jerome Asid ng Bacoor City Police Station, dakong alas-11:40 ng gabi nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Bacoor…

Read More

26 ARESTADO SA LIQUOR BAN SA LAGUNA

LAGUNA – Umabot sa 26 katao ang naaresto sa ipinatupad na liquor ban sa lalawigan kaugnay ng Barangay at SK elections. Bilang pagtalima sa COMELEC Resolution 10924, ipinatupad ng Laguna PNP ang liquor ban noong Oktubre 29 hanggang 30, 2023 na nagresulta sa pagkakaaresto sa 26 na lumabag dito. Ang mga naaresto ay mula sa mga bayan ng Pila, Victoria, Bay, Cavinti, at Calamba City. Ang mga naaresto ay nahuli sa akto na umiinom ng alak sa mga pampublikong lugar. Ang mga lumabag sa naturang kautusan ay maaaring makulong ng…

Read More

NEW SPEED RECORD SA FIL-AM ICE SKATER

IPINAGPATULOY ng Filipino-American speed racer na si Peter Groseclose ang pagtatala ng mga bagong record para sa bansa habang naghahanda sa pagsabak sa 2024 Winter Youth Olympics Binura ng tanging lahok ng Pilipinas sa WYO ang Southeast Asian record sa short track speed skating nang magsumite ng 41.18 segundo sa World Cup 1 sa Montreal. Nasungkit ng 15-anyos na si Groseclose ang isang puwesto sa 2024 Winter Youth Olympics na gaganapin sa Gangwon, South Korea, nang magpakitang-gilas sa 2023 ISU Junior World Short Track Speed Skating Championships sa Dresden, Germany.…

Read More

37 TEAMS PALABAN SA PNVF CHALLENGE CUP

KABUUANG 37 koponan (20 men’s at 17 women’s) ang mag-aagawan sa titulo ng Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Challenge Cup simula sa Lunes (Nobyembre 6) sa Rizal Memorial Coliseum. “Ito ang pinakamalaking local volleyball tournament na makakatulong sa pag-highlight ng season-long activities ng federation. At sa napakalaking turnout, magkakaroon tayo ng dose-dosenang mga laban sa halos tatlong linggong kompetisyon,” sabi ni PNVF president Ramon “Tats” Suzara. Gaganapin ang Challenge Cup eliminations mula Nobyembre 6 hanggang 9 at 13 hanggang 19; quarterfinals sa Nobyembre 20 para sa men’s at 21 para…

Read More