QUEZON – Tatlong lalaki ang nalunod sa magkahiwalay na insidente sa lalawigang ito, nitong Linggo. Parehong malalaking alon at masamang panahon ang sinasabing dahilan ng pagkalunod ng mga biktimang pawang bakasyunista at dumayo sa Quezon para mag-outing. Ayon sa report ng Quezon Police Provincial Office, unang nalunod ang isang rider habang naliligo sa Real Fantasea Beach Resort, sa Brgy. Tignoan, Real dakong alas-8:40 ng umaga noong Linggo. Ang biktimang si Gabriel Austria Francisco, 29, ay natangay ng malalaking alon habang naliligo kasama ng kanyang kapwa riders mula sa Metro Manila.…
Read MoreDay: November 27, 2023
5 MANGINGISDA NAWALA SA LAOT
INIULAT ng Philippine Coast Guard (PCG) na limang mangingisda mula sa Quezon at Oriental Mindoro province ang umano’y nawawala. Nagsagawa na ng search and rescue operation ang PCG-District Southern Tagalog (PCG-DST) para kina Reneboy Alva at Jovinal Gamitin, kapwa residente ng Barangay Caridad Ilaya sa Atimonan, Quezon. Sakay umano ang dalawa ng bangka at nawala simula pa noong Biyernes, Nobyembre 24 ng gabi habang mangingisda sa bisinidad ng Isla ng Jomalig sakop ng Pacific Ocean. Iniulat din ng PCG-DST na ang mangingisdang si Sanny Frias ay nawala rin noong Sabado,…
Read MoreCHINESE CHEF DINUKOT SA PASAY, INABANDONA SA CAVITE
NAGPASAKLOLO sa pulisya ang isang lalaking Chinese national makaraang umano’y dukutin ng anim na kapwa Chinese at iniwan sa isang lugar sa Ternate, Cavite, nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Wen Non Su, 36, tubong Fujian, China, may-ari at chef ng AQ Kitchen sa Ayala Malls Manila Bay, Diosdado Macapagal Blvd., Parañaque City, at residente ng Pasay City. Inaalam naman ang pagkakakilanlan ng anim suspek na umano’y pawang mga Chinese national. Ayon sa biktima, pauwi siya sa kanilang bahay sa Pasay City dakong alas-9:00 ng gabi noong…
Read MoreSANDOVAL, OUTSTANDING MAYOR SA HKPH PUBLIC OPINION AND RESEARCH CENTER
MULING nanguna si Malabon City Mayor Jeannie Sandoval sa top performing mayors sa buong National Capital Region, sa pagkakataong ito sa HKPH Public Opinion and Research Center. Nakabase sa Hong Kong ang HKPH Public Opinion and Research Center na nagsagawa ng survey sa detailed performance evaluation ng mga mayor sa buong National Capital Region. Isinagawa ang naturang pag-aaral mula November 3 hanggang 10 na may 1,200 participants, at si Malabon Mayor Sandoval ang nakakuha ng pinakamataas na iskor na 89.7% Iprinisinta ni Steven Su, survey director, ang comprehensive report ng…
Read MoreKASO NG COLONEL NANAKIT, NAGPAPUTOK NG BARIL PINABUBUSISI
MARIING hiniling ni Quezon City Mayor Joy Belmonte kay QCPD Chief P/BGen. Redrico Maranan na magsagawa ng malalim, patas at mabilis na imbestigasyon hinggil sa umano’y pananakit at pagpapaputok ng baril ni Police Lieutenant Colonel Mark Julio Abong. Naaresto si Abong noong Sabado ng madaling araw matapos magtungo sa Ralyoz Bar sa Brgy. Laging Handa at iginiit na makaharap ang manager ng bar. Kinompronta umano nito at sinunggaban ang necktie ng isang waiter. Dalawang beses pa umano itong nagpaputok ng baril nang lumabas sa bar. Nabatid mula sa QCPD, kabilang…
Read MoreIkinulong ng 2 kapwa kababayan 16 CHINESE NASAGIP NG NBI SA PAMPANGA
NASAGIP ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 16 Chinese nationals habang inaresto ang dalawa nilang kababayan na umano’y sapilitang nagpapatrabaho sa kanila ng hanggang 18-oras at hindi pinalalabas sa Angeles City, Pampanga. Katuwang ang pinagsanib na pwersa ng Central Luzon Regional Office, Pampanga District Office (PAMDO), at International Operation Division (IOD), ikinasa ng mga awtoridad ang rescue operation na nagresulta sa pagkakasagip sa mga biktima at nadakip ang kababayan nilang sina Huan Heng Su at De Long Wang na kapwa kinasuhan ng serious illegal detention sa…
Read MoreNEWLY-ELECTED OFFICERS NG FRATERNAL ORDER OF EAGLES ISINUSULONG ANG PAGPAPALAKAS NG UGNAYAN SA PAMAHALAAN
LAS PIÑAS CITY — Ipinakilala ang mga bagong halal na opisyal ng Fraternal Order of Eagles-Philippine Eagles (TFOEPE) matapos ang isinagawang eleksyon sa Las Piñas City noong Linggo, Nobyembre 26, 2023 . Ang halalan ay dinaluhan ng mahigit 4,000 matataas na opisyal ng grupo mula sa iba’t ibang panig ng bansa. Nakakuha ni 1,042 boto ni Fraternal Order of Eagles President-elect Eagle Ronald Delos Santos ang pinakamataas na boto na s’yang magsisilbing ika-38 na Pangulo ng Philippine Eagles. Itinataguyod ni Delos Santos ang unification, organizational restructuring, transparency at general appropriations…
Read MoreLALAKI TUMALON MULA SA CAR PARK NG MALL
DEAD on arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 40-anyos na lalaki makaraang tumalon mula sa car park building ng isang mall sa Lacson Avenue, Sta. Cruz, Manila nitong Lunes ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si James Erwin, may asawa, residente ng Tondo, Manila. Batay sa ulat ni Det. Boy Niño Baladjay na isinumite kay Police Captain Dennis Turla, hepe ng Manila Police District – Homicide Section, bandang alas-12:26 ng madaling araw, habang nagpapatrulya si Jimmy Guiron, 33, security guard, nang makarinig ito ng kalabog . Agad…
Read MoreECCP KINILALA NI RUBIO SA PAGTUGON SA INVESTMENT-RELATED ISSUES
ISA sa naging panauhing pandangal si Commissioner Bienvenido Y. Rubio sa European Chamber of Commerce of the Philippines (ECCP) Joint Luncheon Meeting kasama ng Food and Drug Administration (FDA) at ilang mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) noong Nobyembre 14, 2023, sa Dusit Thani Hotel, Makati City. Bilang isa sa pinakamalaking foreign chambers sa bansa, layunin ng ECCP na pag-ugnayin ang mga negosyo, entrepreneur, at professional mula Europe at Pilipinas. Sa pagtutulungan ng BOC at FDA, ang luncheon meeting ay nagsilbi bilang daan para sa pakikipag-ugnayan ng stakeholders sa…
Read More