DPA ni BERNARD TAGUINOD KARANIWAN na nating naririnig sa mga magkakaibigan na naghiwalay ng landas, ang mga salitang “user” o “manggagamit” na kesyo nakipagkaibigan lang ‘yung isa dahil gusto niyang gamitin ang isa para sa kanyang sariling kapakanan. May mga bitter na nagsasabi rin ng “Naku, iwasan mo ang taong iyan, gagamitin ka lang niyan,” o kaya kapag tinanong ng common friends ang isa bakit hindi nila kasama ‘yung kanilang kaibigan, sasagot ng “user kasi eh”. Pero ang matinding gamitan ay nangyayari sa mundo ng pulitika, sa mundo ng mga…
Read MoreAuthor: admin 5
BUDOL NI VILLAR SA LAGAY NG TRAPIKO SA METRO MANILA
CLICKBAIT ni JO BARLIZO HILONG-TALILONG na ang mga otoridad ng transportasyon sa kahahanap ng remedyo sa malupit na trapiko sa Kalakhang Maynila. ‘Yan tuloy nabulatlat ng mga netizen ang pagyayabang ng dating kalihim ng DPWH na si Mark Villar na 20-30 minutes na lang ang biyahe sa Metro Manila pagsapit ng 2022. Bago naging senador ay nagsilbing DPWH secretary si Villar noong 2016 to 2021, panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Pero naging meme na lang ang pahayag ni Villar kasi hanggang ngayon malaking konsumisyon pa rin ang lagay ng…
Read MoreNPC ELECTION TAGUMPAY
PUNA ni JOEL O. AMONGO MAKALIPAS ang ilang taon, makaraan ang pananalasa ng pandemic ng COVID-19, ay muli na namang bumabalik ang dating sigla ng National Press Club (NPC). Nitong nakaraang Linggo, Mayo 5, 2024 ay muling isinagawa ang NPC Election, mahigit sa dalawang daang miyembro nito mula sa iba’t ibang media outlets, ang bumoto. Naging masaya ang halalan dahil nagkaroon ng dalawang kandidato sa pagkapangulo na sina Leonel “Boying” Magistrado Abasola at Joey Venancio. Wala namang naging katunggali sina Vice President Benny Antiporda, Secretary Kristina “Tina” Maralit, Treasurer Mina…
Read MoreSEN. BATO KINUYOG SA PAGPATOL KAY MORALES
KINUYOG ng administration congressmen si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpatol kay dismissed Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) agent Jonathan Morales na wala umanong kredibilidad. Sa press conference ng mga mambabatas na mga miyembro ng administration bloc sa Kamara, hindi naitago ng mga ito ang labis na pagkadismaya kay Dela Rosa dahil mistulang hindi umano nito alam ang ‘rule of evidence’ gayung naging hepe ito ng Philippine National Police (PNP). “Many of us are friends of Senator Bato, being a policeman, he is a former PNP chief, alam ho…
Read MoreSA CONTRACT FARMING NG NIA, P29 PER KILO NG BIGAS SA AGOSTO
POSITIBO ang pamunuan ng National Irrigation Administration na bunsod ng kanilang sistemang contract farming ay posible na silang makapagbenta ng bigas sa halagang P29 kada kilo sa KADIWA stores. Naniniwala si NIA Administrator Eduardo Guillen, kakayanin na ng pamahalaan na makapagbenta ng murang bigas pagsapit ng Hulyo o Agosto Ayon kay Administrator Guillen, tinatayang nasa P29 kada kilo ang ibebenta nilang bigas sa Kadiwa stores bunsod ng inaasahang malaking ani sa darating na mga buwan. Sa pagtataya ng kawanihan, posibleng aabot ng 100 milyong kilo ng bigas ang mapo-produce pagsapit…
Read MorePangako ng yumaong si FM siningil CLAIMANTS NG MARCOS ‘HIDDEN WEALTH’ SUMUGOD SA BSP
SUMUGOD sa harapan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) nitong Miyerkoles ng umaga ang libong claimants ng umano’y tagong yaman ng mga Marcos upang kubrahin ang ipinangako sa kanila. Ayon sa kanilang lider na si Novel Prince Gilbert Salvador, kailangan nang ipamigay ang kayamanan ng namayapang diktador na si Ferdinand Marcos Sr. dahil fully matured na ito. Noong 2016 aniya una silang nagtungo sa BSP. Sa loob aniya ng lumipas na 8 taon sila ay naglakbay sila patungong Maynila upang malaman ng taumbayan na mayroong batas na kailangang ipairal at…
Read MoreFormer ES Vic sa Marcos admin: TAUMBAYAN ‘WAG NAKAWAN NG KARAPATAN
NANAWAGAN si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag sikilin ang karampatan ng taumbayan sa malayang pagpapahayag. Si Rodriguez ay kabilang sa mga dumalo sa MAISUG Peace Rally sa Quezon Park, Dumaguete City sa Negros Oriental, Martes ng gabi (Mayo 7). “Ginoong Pangulong Marcos, ‘wag naman ninyong sikilin ang aming karapatan na malayang makapagpahayag at payapang makapagtipon-tipon. Respetuhin naman ninyo ang ating Saligang Batas. Talamak na nga ang pagnanakaw at korupsyon sa pamahalaan pati ba naman ang ating karapatan ay inyong nanakawin? Huwag naman!”…
Read MoreBANTANG PAG-AAKLAS LABAN KAY PBBM, ITINANGGI NG PNP
TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos na walang validated threat hinggil sa pinalutang na planong pag-aaklas laban kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ayon kay Sec. Abalos, hindi magtatagumpay ang anomang balak na destabilization move laban sa administrasyon na magmumula sa Philippine National Police, dahil solido ang suporta ng mga pulis sa Pangulo, bukod pa sa pagiging isang professional organization ng pambansang pulisya. Kaya kahit umano may magtangka o sumubok na magsagawa ng mga ganitong pagkilos ay hindi umano nila ito papatulan. Ginawa ng opisyal…
Read MoreRED TAPE ISA SA MGA HADLANG SA FOREIGN INVESTORS
TINATAYANG 56% ng mga Pilipino ang naniniwala na ang kumplikadong “rules and regulations” gaya ng red tape at pagbabago sa government policies and regulations, ang mga pangunahing dahilan kung bakit dismayado ang mga dayuhan na mamuhunan sa Pilipinas. Ito ang lumabas sa survey ng Pulse Asia noong nakaraang March 6 hanggang 10, nakasaad na ang pangalawang dahilan ay ang ‘restrictive rules’ sa foreign ownership na may 55%, sumunod ang korupsyon sa public sector na may 46%. Ang iba pang dahilan na tinukoy ng mga respondent ay kinabibilangan ng kakapusan ng…
Read More