OUST MARCOS PLOT HALUSINASYON LANG – ROQUE

TINAWAG ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na “hallucination” ang napaulat na planong pagpapatalsik ng kampo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa puwesto. Ang pahayag na ito ni Roque ay tugon sa ibinunyag ni dating Senador Antonio Trillanes III na dahil sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte kaya may ugong ng planong destabilisasyon sa administrasyong Marcos. Sa isang press conference, sinabi ni Trillanes na dating mga retirado at aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) na aniya ay sanggang dikit…

Read More

BULAKENYO INALERTO KONTRA HIV, AIDS

LUNGSOD NG MALOLOS – Ginunita ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan ang International AIDS Candlelight Memorial sa The Pavilion sa Hiyas ng Bulacan Convention Center sa Malolos, sa pamamagitan ng pagtataas ng kamalayan at paghihikayat ng suporta sa paglaban sa HIV at AIDS noong Lunes, Mayo 6. Isang mensahe ng pagkakaisa ang ibinigay ni Provincial Health Officer Annie Balingit mula sa Provincial Health Office – Public Health sa ginanap na Lingguhang Pagtataas ng Watawat, kung saan iprinesenta ang simbolikong pulang laso na sagisag ng patuloy na laban sa HIV at AIDS.…

Read More

6-DOOR APARTMENT NILAMON NG APOY SA LUCENA CITY

LUCENA CITY – Tinupok ng apoy ang isang 6-door apartment nang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa lungsod, mag-aalas-6:00 ng gabi noong Martes. Ayon sa report ng Bureau of Fire Protection – Lucena, nagsimula ang apoy sa isang pinto ng apartment na pag-aari ni Genina Palillo at inookupa ng tenant na si Melody Cueto Alcala, sa Ibarra St., Barangay 1, dakong alas-5:56 ng hapon at mabilis na kumalat sa katabing mga istruktura. Agad namang nagresponde ang mga pamatay sunog ng Lucena City BFP at itinaas sa ikalawang alarma…

Read More

PULIS PATAY SA AKSIDENTE SA MOTORSIKLO

CEBU – Patay ang isang pulis sa aksidente sa motorsiklo sa national highway sa bayan ng Sibonga sa lalawigan, noong Martes ng gabi. Kinilala ang biktimang si Patrolman John Anthony Quintao, nakatalaga sa Regional Mobile Force Battalion. Ayon sa report, binabaybay ng pulis ang national highway nang sumalpok ito sa likuran ng nakaparadang trailer truck. Malubhang napinsala ang katawan ng biktima na agad dinala sa Carcar District Hospital ngunit idineklara itong dead on arrival ng doktor. Ayon sa mga imbestigador ng Sibonga Police, nakaparada ang truck sa bandang gilid ng…

Read More

MGA BARIL NI QUIBOLOY ISINUKO NG SUPPORTERS

ISINUKO sa Davao PNP ng kampo ni Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy ang limang baril na pag-aari umano ng self-proclaimed appointed son of God. Kinumpirma ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos ang ginawang pagsusuko ng mga baril ni Pastor Quiboloy kasabay ng pahayag na inihahanda na rin nila ang mga susunod na pagsuko ng matataas na mga kalibre ng baril sa Police Regional Office 11. Magugunitang binigyan ng PNP ng anim na buwan si Pastor Quiboloy para i-surrender ang kanyang 19 assorted firearms matapos na…

Read More

MGA BARKO NG NAVY, NAHIHIRAPAN NANG DUMAONG SA MGA PANTALAN

NANANAWAGAN si Senador Robin Padilla sa Department of Transportation na aksyunan ang nagiging problema ng mga barko ng Philippine Navy na ibinunyag niyang nahihirapan nang makadaong sa mga pantalan dahil binibigyang prayoridad ang mga pribadong barko. Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Padilla na inaabot ng 48 oras bago mabigyang pahintulot o espasyo sa mga daungan ang mga barko ng Philippine Navy at dumedipende pa ito sa permisong ibibigay ng private concessionaire na nagpapatakbo ng mga pantalan. Dahil anya dito, nadedelay ang kanilang mga misyon dahil natatagalan sa pagrerefuel at…

Read More

LIVELIHOOD SKILLS TRAINING PROGRAM PARA SA KABABAIHAN INILUNSAD NG ACT AGRI-KAAGAPAY ORGANIZATION

BILANG pagdiriwang sa Mother’s Day sa Linggo, ang Act Agri Kaagapay Organization, sa pakikipagtulungan ng Batangas local government officials sa pangunguna ni Mayor Janet Ilagan, ay nag-organisa ng isang livelihood skills training program sa paggugupit at pag-rebond ng buhok kahapon, Mayo 8, sa Barangay Lumang Lipa, Mataas na Kahoy, Batangas. Aabot sa 300 kababaihan at ilang kalalakihan, ang lumahok sa naturang training program, na may titulong “Gunting at Suklay Caravan” at pinasimulan ni Act Agri-Kaagapay Organization founder at president Virginia Ledesma Rodriguez upang matulungang maiangat ang pamumuhay ng mahihirap na…

Read More

3 SUGATAN SA KARAMBOLA NG 3 SASAKYAN

APAT ang sugatan makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa Aurora Boulevard sa panulukan ng Blumentritt Road, Sta. Cruz, Manila nitong Miyerkoles ng madaling araw. Ayon sa ulat, bandang alas-12:07 ng madaling araw nang magkarambola ang tatlong sasakyan na kinabibilangan ng Toyota Wigo, Honda Click motorcycle, at Yamaha Aerox. Sugatan ang apat na mga biktima na pawang sakay ng nasabing mga sasakyan. Base sa ulat ni Police Major Jaime Gonzales, Jr., hepe ng Vehicular Traffic Investigation Section (VTS) ng Manila District Traffic Enforcement Unit (MDTEU), bigla umanong huminto ang Toyota Wigo…

Read More

PILIPINAS HANDA NA BA SA PAPARATING NA LA NIÑA?

RAPIDO ni PATRICK TULFO ILANG buwan ding nakaranas ng matinding tag-init, hindi lang ang Pilipinas, kundi maging ang ibang mga bansa sa mundo. Pero ayon sa PAGASA, patapos na ang nararanasan nating tag-init at may ilang mga lugar na sa bansa ang makararanas ng mga pag-ulan. Ngayon ngang patapos na ang El Niño ay papalit naman ang La Niña o ang labis naman na pag-ulan. Epekto pa rin ito ng natapos na El Niño. Handa ba ang Pilipinas ngayong papalapit na ang La Niña? Dapat ngayon pa lamang na hindi…

Read More