CLICKBAIT ni JO BARLIZO SESERTIPIKAHAN daw na urgent ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang amyendahan ang Republic Act No. 11203 o ang Rice Tariffication Law. Sabi ito ni House of Representatives Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na kuntodo pabida na pupunta siya sa Malacañang at ikokonsulta sa Pangulo ang posibleng pag-amyenda. Ngunit, iba ang maaari sa tunay na mangyayari. Kahimanawari lang ata ang sigla ni Speaker. Kung aamyendahan daw ang RTL, mas mura ng P10 hanggang P15 na lalapit sa P30 kada kilo ang pagbebenta ng NFA ng bigas. Pero…
Read MoreAuthor: admin 5
SUPORTA AT PAGKILALA NINA GOV. CANE AT CONG. PLAZA SA MGA ATLETANG TAGA-AGUSAN DEL SUR
TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagsisimula ng Caraga Regional Athletic Games (CaRAGa) 2024, isang mahalagang anunsyo ang ibinigay ni Gov. Santi Barriga Cane Jr. sa isang press conference sa Datu Lipus Makapandong Cultural Center noong Linggo. Ipinahayag niya na ang mga atleta mula sa Agusan del Sur na makakukuha ng pinakamahusay na pambansang rekord sa mga kaganapan sa palakasan ay bibigyan ng gantimpalang P1 milyon. Ang gantimpalang ito ay isa sa malaking mga insentibo na inaalok ng pamahalaang panlalawigan sa mga lokal na atleta sa Palarong Pambansa ngayong taon. Bukod…
Read MoreDAPAT LANG IBASURA KUNG ‘DI RIN NAMAN NAKATUTULONG
EDITORIAL MAAARING maibenta ang bigas na mas mababa sa P30 kada kilo sa mga piling lugar sa Hulyo. Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez. Magtutulong umano ang House of Representatives at Department of Agriculture (DA) upang maabot ang layunin. Ang pahayag ni Romualdez ay kasunod ng sinabi ni President Ferdinand Marcos Jr. na nais nitong bilisan ang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law. Nangako si Romualdez na aaprubahan ng Kamara ang panukalang amyenda sa RTL bago matapos ang buwan ng Mayo. Pinagbabawalan ng RTL ang National Food Authority na…
Read MoreMARCOS RESIGN RALLY NANGALAMPAG SA SENADO
HINILING ng grupong nagprotesta sa harapan ng Senado kahapon ang pagbaba sa pwesto ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Bukod dito, hinimok din nila ang Pangulo na sumailalim sa hair follicle drug test. Pinangunahan ang grupo ng Marcos Resign Movement na nagpahayag ng kanilang pagiging diskontento sa pamumuno ni Marcos Jr. Kasabay ito sa ikalawang pagdinig ng Senado matapos na makaladkad ang pangalan ni Marcos Jr. sa paggamit diumano ng ipinagbabawal na gamot noong 2012. Nakiisa rin sa protesta ang Whistleblowers Association of the Philippines na sinabing nawalan sila ng kumpiyansa…
Read MoreP2.3-B INVESTMENT NG GSIS NALUSAW
ISINUGAL ng Government Service Insurance System (GSIS) ang pera ng government employees na umaabot sa P2.308 billion sa mga kumpanyang hindi kumikita sa nakaraang tatlong taon. Dahil dito, inihain ng Makabayan bloc sa Kamara ang House Resolution (HR) 1705 para imbestigahan ito lalo na’t P183.6 million sa nasabing halaga ang lugi sa kanilang biniling stocks sa tatlong kumpanya pa lamang. “We need to investigate these investments and ensure that the GSIS is transparent and accountable in its dealings. We must protect the pension funds of our government employees and workers…
Read MoreP150 WAGE INCREASE BIBILANG NG TAON SA WAGE BOARD
POSIBLENG maghintay ng sampung (10) taon ang mga manggagawa sa pribadong sektor bago makamit ang hinihingi ng mga ito na P150 umento sa kanilang sahod kung ipauubaya ang desisyon sa mga regional wage board. Ito ang pahayag ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) na kinakatawan ni Rep. Raymund Democrito Mendoza sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. “Congress is the ultimate hope for P150 wage increase,” ayon sa grupo ni Mendoza kaya dapat aniyang ipasa ng Kongreso ang nasabing panukala sa halip iasa sa mga regional wage board. Ipinaliwanag ng…
Read MoreSa pag-amin ni Soriano na kanya ang condo unit TIWALA NI SEN. BATO SA PDEA LEAKS LUMAKAS
INAMIN ng aktres na si Maricel Soriano na hanggang noong 2012 ay siya ang nagmamay-ari at siya ang occupant ng Unit-46C Rizal Tower Rockwell, Makati City. Sa pagdinig ng Senate committee on public order and dangerous drugs kaugnay sa PDEA leaks, inihayag ng aktres na naibenta na niya noong 2012 ang kanyang unit habang ang pre-operational report na nabanggit sa pangalan niya ay noong March 2012. Dahil dito, sinabi ni Senador Ronald Bato dela Rosa na ang pag-amin ni Soriano “adds credence” sa PDEA leaks. Subalit walang naging direktang denial…
Read MorePAGPAPALIBAN SA 2025 BSKE ISINULONG SA KAMARA
INIHAIN sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukala para ipagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataang Election sa susunod na taon. Ang mga kasalukuyang barangay at SK officials ay kahahalal lang noong December 2023 at muling isasagawa ang BSKE sa December 1, 2025. Gayunpaman, nais ni Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa kanyang House Bill (HB) 10344 na ipagpaliban ang eleksyon hanggang October 2026 dahil dalawang taon lang umano manunungkulan ang mga incumbent barangay at SK officials. Magugunita na idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang Republic Act (RA) 11935 o…
Read MoreHIGIT 50K CUSTOMERS AT EMPLOYEES DATA NG LTO, NAG-LEAK?
TIKOM ang bibig ng Land Transportation Office (LTO) sa mga kumakalat na isyu sa social media na nagkaroon umano ng security breach sa information technology (IT) platform nito na Land Transportation Management System (LTMS) na dinevelop ng kanilang banyagang IT provider. Sa isang Facebook post ng IT expert na si Art Samaniego, nabunyag na nasa 45,008 customer credentials at 8,442 na datos ng ilang kawani ng LTO ang posibleng nakompromiso dahil sa isang leak. Dagdag pa ni Samaniego, nai-report na ang naturang leak sa Department of Information and Communications Technology…
Read More