LUMANG GUSALI NG PGH NASUNOG

NASUNOG ang lumang gusali ng Philippine General Hospital ( PGH) sa Taft Avenue, Ermita Manila nitong Miyerkoles ng hapon. Ayon sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon nang magsimula ang sunog at habang isinusulat ang balitang ito ay patuloy pang naglalagablab. Bunsod nito, nagkaroon ng tensyon sa mga pasyenteng naroroon sa iba’t ibang bahagi ng pagamutan Idineklara ng Manila Fire Department ng Bureau of Fire Protection, ang sunog sa ikaapat na alarma. Nabatid na nagresponde na sa nasabing lugar ang mga bumbero at fire volunteers para tumulong na maapula ang apoy.…

Read More

34K PULIS IDE-DEPLOY SA SUMVAC 2024

SINIMULAN na ng Philippine National Police (PNP) ang paglalatag ng kanilang security preparation para sa SUMVAC 2024 o Oplan Summer Vacation kaugnay sa paggunita ng Semana Santa. Tinatayang nasa mahigit 34,000 pulis ang ikakalat sa buong Pilipinas partikular sa pangunahing mga lansangan papasok sa iba’t ibang lalawigan. Ipauubaya naman ng PNP sa kanilang mga regional director ang security deployment ng kanilang mga tauhan at maging ang pagtatakda ng alerto, depende sa kanilang security status. Ayon kay PNP Public Information Office chief, PCol. Jean Fajardo, ang nasabing bilang ng mga pulis…

Read More

LIBONG FISHERMEN, SENIORS SA PALAWAN INAYUDAHAN

UMABOT sa 1,589 mangingisda na apektado ng West Philippine Sea issue at mahihirap na senior citizens sa Palawan ang pinabigyan ng ayuda ni House Speaker Martin Romualdez sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nagpaabot ng Assistance for Individuals in Crisis Situation (AICS) sa pamamagitan ng cash ng DSWD sa bayan ng Aborlan, Palawan. Si Speaker Romualdez and tumatayong caretaker ng district 3 ng Palawan matapos pumanaw si Rep. Edward Hagedorn. “Inilapit sa atin nina Cong. Jose Alvarez at ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo ang hinaing ng mga mangingisda pati…

Read More

P337-M DROGA NADISKUBRE SA BALIKBAYAN BOXES

TINATAYANG umabot sa halagang P337.73 milyon ang illegal drugs na nasabat ng Bureau of Customs (BOC)-Port of Manila (POM) matapos madiskubre ang mga kontrabando na itinago sa balikbayan boxes nitong nakalipas na linggo. Ayon sa Custom officials, sumailalim sa initial verification, at K9 inspection ang mga kargamento base sa nakitang mga imahe nang idaan sa X-ray machine. Kasunod ng K-9 inspection, isinalang ang balikbayan boxes sa Mobile X-Ray Rapiscan para higit pang mabusisi ang kargamento at saka hiniwalay ang mga ito at nilagyan ng tag para sa comprehensive physical examination.…

Read More

50 CHINESE VESSELS NAMATAAN SA WPS

MAY namataang 50 Chinese vessels sa karagatang sakop ng Pilipinas nitong mga nagdaang araw. Ito ay makaraan ang panibagong harassment ng mga barko ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard sa West Philippine Sea. Sa isinagawang monitoring ng Armed Forces of the Philippines (AFP), mayroong pitong China Coast Guard, 18 Chinese maritime militia vessels, 29 na maliliit na Chinese fishing boats ang kanilang namataan sa mga isla at features na sakop ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas. Kinumpirma ni AFP Spokesperson Col. Margareth Francel Padilla, ang mga ito…

Read More

PALAWAN SOLON PUMANAW NA

NAGLULUKSA ang Mababang Kapulungan ng Kongreso sa pagpanaw ng isa sa kanilang mga miyembro na si Palawan First District Congressman Edgardo “Egay” Salvame. Agad na inilagay sa half-mast ang bandila ng Pilipinas sa harap ng main building ng Batasan Pambansa bilang pakikidalamhati sa pagpanaw ni Salvame. “I am deeply saddened to hear the news of the passing of our colleague and friend, Palawan 1st District Rep. Edgardo “Egay” Salvame. It is a personal loss for me and a huge loss for our community and the nation,” ani House Speaker Martin…

Read More

Ngayong Women’s Month ACT-AGRI-KAAGAPAY NAMAHAGI NG BIGAS AT PATABA

NAMAHAGI ang ACT-Agri-kaagapay organization ng daan-daang sako ng de kalidad na bigas at mga pataba sa mahihirap na residente sa lalawigan ng Batangas. Mismong sina Mataas Na Kahoy Municipal Mayor Janet Ilagan at civic leader at ACT- Agri-Kaagapay President Virginia Rodriguez ang nanguna sa distribusyon ng may 500 bags ng bigas at 300 sako ng pataba sa mga pamilya at mga magsasaka sa lalawigan upang matiyak na mayroong sapat na suplay ng pagkain ang mga ito. Ayon kay Rodriguez, ang rice assistance program ng ACT-Agri-Kaagapay at distribusyon ng pataba ay…

Read More

DEMOLITION TEAM INATAKE NG ARMADONG GRUPO

PAMPANGA- Naging marahas ang demolisyon sa lupang ini-award sa mga magsasaka ngunit binawi ng gobyerno matapos madiskubre na ibinenta ng mga benepisyaryo na isang paglabag sa kasunduan. Ayon sa report, armado ng iba’t ibang kalibre ng baril at armas ay inatake ng armadong grupo ang demolition team at maging ang mga kagawad ng pulisya na nagresulta ng pagkasugat ng ilan. Ayon kay Sheriff Beth Marasigan ng Department of Agriculture (DAR), hindi awtorisadong magdala ng armas ang mga nagsasagawa ng demolisyon at hindi umano nila inaasahan na magiging marahas ito sa…

Read More

NAMITAS NG KAIMITO NAKURYENTE

CAVITE – Patay ang isang lalaki nang mahawakan nito ang linya ng kuryente habang namimitas ng bunga sa puno ng kaimito sa bayan ng Naic sa lalawigan noong Martes ng umaga. Kinilala ang biktimang si alyas “Jilan”, nasa hustong edad, ng Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite. Ayon sa ulat, dakong alas-11:00 ng umaga nang mangyari ang insidente sa Iglesia Compound sa Brgy. Palangue Central, Naic, Cavite. Napag-alaman, nagpaalam umano ang biktima sa kapatid na aakyat ito sa puno ng kaimito para manguha ng bunga ngunit pinagbawalan ito. Gayunman, umakyat pa…

Read More