2 SENIOR CITIZENS PINATAY SA PAGPUTOL NG PUNO NG NIYOG

DAVAO CITY – Dalawang senior citizens ang patay makaraang pagbabarilin dahil sa pagputol umano ng puno ng niyog, ilang araw na ang nakararaan. Dead on the spot ang mga biktima matapos pagbabarilin ng suspek sa Brgy. Cabantian, Davao City pasado, alas-7:00 ng gabi noong Lunes. Kinilala ng pulisya ang mga biktimang sina Gaudiosa Reutotar, 73-anyos, at Romeo Lumoha, 67-anyos. Ayon sa mga nakasaksi, nakaupo sa labas ng bahay ang babaeng biktima habang ang lalaking biktima ay nasa loob ng kanilang bahay nang biglang dumating ang isang lalaking lulan ng motorsiklo…

Read More

FILM DIRECTOR JADE CASTRO, 3 IBA PA NAKALAYA NA

NAKALAYA na noong Lunes ng gabi ang film director na si Jade Castro at ang kanyang tatlong kasama na inaresto at kinasuhan sa bintang na pagsunog sa isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon noong Enero 28. Sa text message, sinabi Atty. Michael Marpuri, isa sa mga abogado ni Catro, bandang alas-8:00 ng gabi nang makalabas ng BJMP facility sa Catanauan sina Castro at lumuwas na rin pauwi sa kanilang mga tahanan. Dagdag ni Marpuri, pinagbigyan ni Catanauan RTC Branch 96 Judge Julius Francis Galvez ang motion to quash the information…

Read More

QUIBOLOY PINA-CONTEMPT NA RIN SA KAMARA

TULAD ng inaasahan, hindi dumalo sa pagdinig ng House committee on legislative franchises si Pastor Apollo Quiboloy kaya tuluyan na itong pinatawan ng contempt at nakatakdang isyuhan ng arrest warrant. Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng komite na pinamumunuan ni Parañaque Rep. Gus Tambunting, kinatigan ng mayorya sa mga miyembro ang motion to contempt ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel. “By the fact that he is not appearing in this hearing, in this committee just shows he’s no respect on this committee. It just shows that he acts like god,…

Read More

MOTORCYCLE RIDER PATAY SA COUNTERFLOW SA SKYWAY

PATAY ang isang motorcycle rider matapos tangkaing mag-counterflow sa bahagi ng Balintawak Skyway Stage 3 sa Quezon City noong Linggo ng umaga. Ayon sa pahayag ng Skyway management, pumasok ang isang motorcycle rider mula sa A. Bonifacio Avenue sa northbound off ramp patungo sa North Luzon Expressway. Sinubukan umano ng kanilang mga tauhan na pigilan ang rider na magpatuloy ngunit masyadong mabilis ang takbo ng motorsiklo sa 80 kilometro bawat oras. Ang pinakamataas na bilis sa Skyway Stage 3 ay 60 kph. Ayon pa sa ulat, tumilapon ang rider ng…

Read More

RETIRADONG PULIS ARESTADO SA KIDNAPPING

INARESTO ng mga tauhan ng Integrity Monitoring Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police, Quezon City Team at ng Manila Police District- Jose Abad Santos Police Station 7, sa bisa ng warrant of arrest, ang isang retiradong pulis dahil sa kasong kidnapping for ransom, sa Tondo, Manila. Kinilala ang suspek na si Police Staff Sergeant Navarro, 58, ng Tondo, Manila, dating pulis ng MPD. Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:00 ng hapon noong Linggo nang arestuhin ang suspek sa kanyang bahay sa Barangay 56, Zone 5, sa Tondo. Hindi…

Read More

3 SUGAROL TIMBOG SA OPLAN GALUGAD

NABULAGA ang tatlong umano’y mga sugarol sa isinagawang Oplan Galugad ng mga operatiba ng Manila Police District – Delpan Police Station 12, habang nag-uumpukan sa Area C, Gate 54, Parola Compound, Barangay 275, Binondo, Manila noong Lunes ng gabi. Isa sa mga suspek ang nakumpiskahan ng improvised na baril na may isang bala ng .38 kalibreng baril. Ang mga suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Presidential Decree (PD) 1602 na inamyendahan sa Act 9287 (illegal gambling) habang may dagdag na kasong paglabag sa RA 10591 (Comprehensive Firearms and…

Read More

PATAS NA LABAN KAY QUIBOLOY – VP SARA

NAKIISA si Vice President Sara Duterte sa panawagan na pairalin ang batas at katarungan sa mga ibinabatong akusasyon laban kay Pastor Apollo Quiboloy at sa SMNI. Kamakalawa, nagbigay ng video message si VP Duterte sa ikaanim na araw ng Laban Kasama ang Bayan Prayer Rally at iginiit na dapat bigyan ng patas na laban si Quiboloy. Aniya, sa ginagawang pag-uusig ng Kongreso ay mistulang pinatawan na ng guilty verdict si Quiboloy kahit nakabatay lamang ang pagdinig na ito sa mga paratang ng mga testigo. “Marami sa atin ang naniniwala na…

Read More

PAG-AMYENDA SA GOVERNMENT PROCUREMENT ACT, MAGBABAWAS NG KATIWALIAN SA GOBYERNO

KUMPIYANSA si Senador Sonny Angara na mas magiging epektibo ang implementasyon ng mga proyekto ng gobyerno at mababawasan kung hindi man tuluyang masasawata ang katiwalian sa procurement ng mga suplay sa isinusulong na pag-amyenda sa Government Procurement Reform Act. Sa gitna ito ng tiwala ng senador na nabusisi nilang mabuti ang mga ipatutupad na pag-amyenda sa isinagawa nilang tatlong pagdinig, 10 technical working group meetings at ilang buwang konsultasyon para sa 13 panukala. Sinabi ni Angara na inaasahan nilang mapapaikli ang proseso ng government procurement sa isinusulong nilang pag-amyenda sa…

Read More

COMELEC NAKAABANG SA DESISYON NG SC SA PETISYON NG SMARTMATIC

HANDANG sumunod ang Commission on Elections (Comelec) sa desisyon ng Korte Suprema sa kasong inihain ng dating service provider na Smartmatic Philippines. Sinabi ni Comelec Chairperson George Erwin Garcia, hindi pa nila natanggap ang order mula sa Mataas na Hukuman na itigil ang anoman sa kanilang paghahanda para sa midterm polls sa susunod na taon. Noong Disyembre ng nakalipas na taon, tinutulan ng Smartmatic ang legalidad ng diskwalipikasyon nito sa proseso ng pag-bid ng poll body para sa 2025 automated election system, sa Korte Suprema. Gayunman, isinantabi ni Garcia ang…

Read More