HUWAG MANAHIMIK LABAN SA MGA ABUSADO SA GOBYERNO – EX-ES VIC

(SAKSI NGAYON NEWS TEAM) NANAWAGAN sa publiko si dating Executive Secretary Atty. Vic Rodriguez na huwag manahimik sa pag-abuso ng mga nasa gobyerno. Sa kanyang pagsasalita sa prayer rally ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) noong Biyernes ng hapon, sinabi ng nagsilbing unang ES ng administrasyong Marcos na dapat magsalita ang publiko laban sa mga gahaman at abusadong politiko. Aniya, ang pananahimik ay mistulang pagkampi sa mga nang-aapi. Dumalo si Rodriguez noong Biyernes upang makiisa sa mga lumalaban sa mga abusado, korap, at gahaman sa gobyerno. “Bagama’t hindi ako miyembro,…

Read More

ELEKSYON ‘DI RIN LIGTAS SA KORUPSYON, DAYAAN SA PAGPASOK NG MIRU

NANGANGAMBA ang isang mambabatas sa Kamara na hindi maililigtas sa dayaan at katiwalian ang 2025 election at mga susunod pang halalan kung itutuloy ng Commission on Elections (Comelec) ang kontrata sa Miru System. Dahil dito, nagpatawag si House deputy minority leader at ACT party-list Rep. France Castro ng imbestigasyon kasabay ng panawan sa Comelec na ikonsidera ang pagbibigay ng kontrata sa nasabing kumpanya na nakabase sa South Korea. “The past failures of Miru voting machines in other countries highlight the significant risks associated with their use in the Philippine electoral…

Read More

3 KUMPANYA LANG PWEDE MAG-OPERATE NG MC TAXI -LTFRB

WALANG karapatang legal ang kumpanyang Grab na mag-operate bilang isang motorcycle taxi dahil isa lang sila ng Move It. Magiging monopolya ito sa sandaling payagan. Ganito ipinaliwanag ni Atty. Roberto Peig, executive director ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posisyon ng ahensya sa nasabing usapin. Ito ay kaugnay ng ulat na nag-ooperate na ang Grab bilang isang MC taxi gayong hindi ito authorized ng MC Taxi Technical Working Group na nagsasagawa ng pilot study sa MC Taxi operation sa bansa. Ang mga kumpanyang Angkas, JoyRide at Move…

Read More

IKA-161 MALASAKIT CENTER PINASINAYAAN

PINANGUNAHAN nina Senate Majority Leader Joel Villanueva at Senator Bong Go ang inagurasyon ng ika-161 Malasakit Center sa bansa – ang Joni Villanueva General Hospital sa Bocaue, Bulacan ngayong Lunes, ika-11 ng Marso. Ang Malasakit Center ay isang one-stop shop office ng Department of Health (DOH), PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) na naglalayong padaliin ang pagbibigay ng tulong medikal at pinansyal sa mga nangangailangan. Dumalo rin sa okasyon sina Bulacan Governor Daniel Fernando, Vice Governor Alex Castro, DOH Undersecretary Rosario Vergeire,…

Read More

22M TONELADANG BASURA NAKOKOLEKTA SA PINAS KADA TAON

NAKAPAGPO-PRODUCE ang Pilipinas ng 22 milyong tonelada ng basura kada taon. Ang Kalakhang Maynila ang nangunguna sa listahan ng waste producers na may 3.65 milyong tonelada. Tinukoy ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. ang data mula sa National Solid Waste Management Commission, nanawagan sa publiko na suportahan ang “Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan (KALINISAN) sa Bagong Pilipinas” program ng administrasyon. Kamakailan lamang, pinangunahan nina Abalos at Navotas City Mayor John Reynald M. Tiangco ang 500 Navoteños na nakiisa sa…

Read More

168 PASAHERO, 55 CREW NASAGIP SA SUMADSAD NA BARKO

NASAGIP ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 168 pasahero ng isang barko na sumadsad sa karagatang sakop ng Romblon. Ang MV SWM Salve Regina na sakay rin ang 55 crew members at 11 rolling cargoes, ay sumadsad sa Sito Agbuyog, Barangay Capaclan Romblon, Romblon dakong alas-11:45 noong Linggo ng gabi. Umalis ito sa Magdiwang Port sa Romblon, at patungong Romblon, Romblon nang mangyari ang insidente, ayon sa PCG. Matapos malaman na may sumadsad na barko, nakipag-ugnayan ang Coast Guard Station Romblon sa lokal na mga awtoridad para…

Read More

CADC IMPLEMENTATION, ‘DI PARA PAIGTINGIN TENSYON SA WPS

NILINAW ng liderato ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kahapon, ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) na pina-iimplementa ni Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro, ay hindi naglalayong paigtingin ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Hindi umano motibo ng pagpapatupad ng Hukbong Sandatahan ng bagong defense concept na nakatutok sa proteksyon ng maritime territory ng bansa, na pataasin ang tensyon sa West Philippine Sea (WPS). Ayon kay AFP spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, mahalaga ang implementasyon ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) para sa pagpapahusay sa…

Read More

2 DAYUHAN INARESTO SA MONEY LAUNDERING, CYBERCRIME

INANUNSYO ng Bureau of Immigration (BI) ang pagkakaaresto sa dalawang dayuhan mula sa Taiwan at South Korea, na nahaharap sa deportasyon dahil sa sa pagiging wanted sa iba’t ibang kaso sa kanilang bansa. Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, inaresto ang dalawang dayuhan sa magkahiwalay na operasyon sa mga lungsod ng Makati at Parañaque, ng mga operatiba ng BI Fugitive Search Unit (FSU). Kinilala ang mga ito na sina Taiwanese national Li Ming Hsiu, 44, at South Korean Joo Han Wong, 39. Sina Joo at Li ay ibabalik sa kanilang…

Read More

MULTI MILYONG HALAGA NG HIGH GRADE MARIJUANA NASABAT

MULTI MILYONG halaga ng high grade marijuana o mas kilala sa tawag na kush, ang nasabat sa joint anti-drug smuggling operation ng Philippine Drug Enforcement Agency at Bureau of Custom sa Port of Manila. Ayon sa ulat ng PDEA, bukod sa kush ay may iba’t ibang marijuana by products din ang kasamang nadiskubre sa South Harbor Port of Manila, ng mga tauhan BOC Seaport Interdiction Unit North Harbor at PDEA. Nakapaloob ito sa ilang kahon na may tatak na “Lawin Balikbayan Box” na nagmula sa bansang Thailand Batay sa report…

Read More