GOV’T MANDATED PRICE CEILING SA BIGAS BALEWALA?

Imbestigahan Natin Ni JOEL O. AMONGO HINDI po nasusunod ang sinasabi ng gobyerno na MANDATED PRICE CEILING sa bigas sa buong bansa. Bakit kamo? Nitong pagpasok ng unang buwan ng Ber months na Setyembre, imbes na bumaba ang presyo ng bigas ay lalo pa itong tumaas. Sa ating pag-iimbestiga, mula sa dating pre­s­yong P1,180 kada 25 (sako) ng Coco Pandan, ito ay naging P1,365 na ngayon, as of September 3, 2023. Kung susumahin sa isang sako (25 kilos) ng Coco Pandan na bigas, ay tumaas ito ng P185 o P7.40…

Read More

P9.1-M FORT BRAND CIGARETTES NAHARANG SA GENERAL SANTOS CITY

MATAGUMPAY na nasabat ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 17,000 reams ng Fort brand cigarettes at tatlong close van vehicles, na tinatayang P9,100,000 ang halaga noong Agosto 24, 2023, sa Brgy. Bawing, General Santos City. Ang nasabing operas­yon ay isinagawa sa malapit na koordinasyon ng Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) and Enforcement Security Service (ESS), at sa pakikipagtulungan ng Task Force Gensan Bawing Detachment and Intelligence Operatives ng Armed Forces of the Phi­lippines (AFP). Ang items ay kinumpiska bilang bahagi ng kampanya upang pigilan ang…

Read More

Mula Enero hanggang Agosto 2023 BOC COLLECTIONS LUMAKI NG P23.6-B

NAKAPAGTALA ng P75.642 bilyong koleksyon na nakalagpas sa kanilang official target na itinakda ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) na P72.275 bilyon na katumbas ng 4.7% o P3.367 bilyong piso mula Enero hanggang Agosto 2023. Bukod dito, ang tagumpay ng BOC ay lumagpas mula Enero hanggang Agosto 2023, na nakapagtala ng P582.133 bilyon sa revenue, na nakalagpas sa target na P567.740 bilyon sa pamamagitan ng 2.54%, o katumbas ng P14.393 bilyon. Kung ikukumpara sa nakaraang taon na koleksyon na P558.455 bilyon sa parehong panahon, ngayong taon ang kita ay lumaki…

Read More

P1.161-B ILLEGAL DRUGS NASAMSAM NG BOC

boc droga

UMABOT sa P1.161 bil­yong halaga ng illegal drugs ang nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang isinagawang operasyon laban sa pagpasok ng ipinagbabawal na kalakal sa bansa. Ayon sa report ng BOC, mula Enero hanggang Agos­to 2023 ay nakapagtala sila ng P1.161 bilyong halaga ng nasabat na ilegal na droga. Ito ay resulta ng kanilang tagumpay dahil sa 107 active X-ray machines na estratehikong ipinakalat sa maraming port, sub-ports at airports sa buong bansa. Ang paggamit ng mga makinang ito ay may mahalagang papel sa pagkilala ng itinatagong mga…

Read More

‘SUPER FRIENDS’ SA COA BANTAY SALAKAY SA PONDO NG BAYAN?

PUNA ni JOEL O. AMONGO MARAMING tanong kaysa sagot kung tapat ang ating opisyales sa Commission on Audit sa kanilang sinumpaang tungkulin. Ilan sa mga katanungan na dapat mabatid ng taumbayan ang tamang kasagutan ay kung sino ang nga taong bayad na ang sahod pero nangungulimbat pa rin sa pondo ng gobyerno na sila dapat ang magprotekta. Mga tanong sa kumakalat na alingasngas tungkol sa tinatawag na “Super Friends” sa loob ng COA, na sila dapat ang taga-bantay sa pera ng taumbayan: Sino si Superman sa loob ng COA? Sino…

Read More

UGNAYAN NG BOC-CEBU AT CCBI PINALAKAS

NAGSAGAWA ng pagpupulong ang Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu, sa pamumuno ni District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, kasama sina Chamber of Customs Brokers Inc. (CCBI) – Cebu Chapter President Mr. Elizir Lao; Internal Vice President, Mr. Elorde I. Talisic; Vice President for Government Affairs, Mr. Joshua T. Tan; Secretary, Mr. Elizalde P. Deligero; Treasurer, Mr. Richard M. Rongcales; at Directors, Claudine Fel C. Lauros at Carlos A. Barte noong Agosto 22, 2023. Layunin ng nasabing pulong ang pagpapahusay ng kooperasyon at pagpapalakas ng bonding sa…

Read More

ISO CERTIFICATION SA BOC-CURRIMAO ABOT KAMAY NA

INAASAHAN ng Bureau of Customs – Sub-port of Currimao na makakamit nila ang International Organization for Standard 9001:2015 certification matapos makatanggap ng green light upang matuloy na sa External Audit Stage patungo sa nasabing layunin. Ito ay matapos matagumpay na makumpleto ang two-day Stage 2 Internal Quality Audit na isinagawa ng Bureau of Customs (BOC) Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) noong Agosto 22-23, 2023, sa Currimao Sub-port Office sa Pias Sur, Currimao, Ilocos Norte. Ang IIQMSO Team ay binubuo nina Lead Auditor Mr. Joseph G. Escasio, Auditor Joyce…

Read More

BOC MULING NAGBABALA VS FAKE ACCOUNTS

MULING nakatanggap ng ulat ang Bureau of Customs (BOC) ukol sa mga pekeng account gamit ang pangalan at larawan ng mga empleyado ng ahensya. Ang naturang mga pekeng account ay nagpapanggap na taga-BOC at humihiling sa mga biktima na magbayad ng fees gamit ang online payment, money remittance o bank transfer. Ang mga opisyal ng BOC, kasama na ang BOC Customer Assistance and Response Services, ay HINDI DIREKTANG nakikipag-ugnayan sa mga tatanggap ng parcel/package sa pamamagitan ng tawag sa telepono, text message, o email upang ipaalam o hilingin sa kanila…

Read More

BOC-PORT OF CEBU BINISITA NI IAG DEP. COMM. FERMIN

MAINIT at magiliw na tinanggap ni Bureau of Customs (BOC) Port of Cebu District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, si Internal Administration Group (IAG) Deputy Commissioner Michael C. Fermin sa pagbisita nito noong Agosto 25, 2023. Ang pagbisita ay nagbigay ng magandang pagkakataon para kay Deputy Commissioner Fermin na makakuha ng mga ‘insight’ sa operasyon at mga inisyatiba sa pamamagitan ni District Collector Atty. Morales II. Isa sa focal points ng pagbisita ang inspeksyon sa konstruksyon ng New Aduana de Cebu building. Inobserbahan nina District Collector Atty. Morales…

Read More