MATAGUMPAY na nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), Sub-Port of General Santos, ang 374 reams ng iba’t ibang yosi na tinatayang umabot ng P187,000 ang halaga, sa Purok 6, Brgy. Bangsi, Poblacion, Columbio, Sultan Kudarat kamakailan. Ang operasyon ay isinagawa sa malapit na koordinasyon sa Bureau’s Customs Intelligence Investigation Service (CIIS) and Enforcement Security Service (ESS), sa pakikipagtulungan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Sultan Kudarat Provincial Field Unit, Columbio Municipal Police Station, Sultan Kudarat Provincial Intelligence Unit (SK-PIU), at Sultan Kudarat Provincial Highway Patrol Team…
Read MoreCategory: ADUANA SPOTLIGHT
SIBUYAS ‘DI DAPAT LALAGPAS SA P120 KADA KILO – SPEAKER ROMUALDEZ
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO TAMA lang na gamitan ng kamay na bakal ang mandarayang mga negosyante na bumibiktima sa taumbayan na gumagamit ng sibuyas. Ayon sa natanggap nating impormasyon mula sa Kamara, naglalaro sa P160 hanggang P190 ang kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan o merkado. Ayon kay House of Representative Speaker Martin Romualdez, dapat P120 lang ang kada kilo ng bentahan ng sibuyas sa mga palengke. Bakit kamo? Mura ang kuha ng traders sa mga magsasaka ng sibuyas sa bansa at mura rin ang kanilang bili…
Read MoreKauna-unahan sa District V BOC-LEGAZPI NAKAKOLEKTA NG P1-B NGAYONG AGOSTO
SA kauna-unahang kasaysayan ng port, ang Bureau of Customs-Legazpi ay nakagawa ng isang kahanga-hangang pangyayari sa pagkolekta ng kita na umabot ng P1 bilyon noong nakaraang Agosto 7, 2023. ‘As of August 7, ang nasabing port ay may kabuuang revenue collection na P1,010,695,196.25. Ito ay kahanga-hangang tagumpay at testamento sa visionary leadership at estratehikong mga patakaran ni Commissioner Bienvenido Rubio. Sa ilalim ng patnubay ni Commissioner Rubio, ang BOC-Legazpi ay sumailalim sa isang makabuluhang pagbabago, at umuunlad sa progresibong sentro ng ekonomiya. Matatandaan, noong Mayo ngayong taon, ang port ay…
Read MorePEZA LOCATORS SA LUISITA INDUSTRIAL PARK, BINISITA NI DISTRICT COLL. MORALES
PINANGUNAHAN ni Bureau of Customs – Port of Clark District Collector Atty. Ricardo Uy Morales II, CESE, ang site visit sa dalawang PEZA locators sa Luisita Industrial Park, Special Export Economic Zone, Tarlac City noong Agosto 9, 2023. Ito ang kanyang huling scheduled site visit sa PEZA Zones bilang District Collector ng Port of Clark bago siya manungkulan sa bago niyang pwesto bilang District Collector ng Port of Cebu. Si Atty. Morales ay nagsilbi bilang District Collector ng Port of Clark mula Hunyo 20, 2023 hanggang Agosto 8, 2023. Sa…
Read MorePILIPINAS PUMANGALAWA SA SEA NATIONS SA 2023 UN GLOBAL SURVEY
PUMANGALAWA ang Pilipinas sa ranking ng Southeast Asian (SEA) Nations sa 2023 United Nations UN Global Survey, na umakyat mula sa pangatlo noong 2021. Ang nasabing naabot ng bansa sa ranking ay iniuugnay sa patuloy na progreso ng modernisasyon ng mga proseso sa kalakalan at tagumpay bilang world-class customs administration. Ang survey na magkakasamang isinagawa ng iba’t ibang UN bodies, ay isang malalim na pagsusuri ng progreso sa mabilis na kalakalan sa bansa at nakatuon sa mga kahanga-hangang tagumpay sa pagpapaunlad ng kahusayan at pagtataguyod ng internasyunal na pakikipagtulungan. Sa…
Read MoreSEC. BAUTISTA NG DOTr NAKIKIALAM SA USAPIN NG CLA?
IMBESTIGAHAN NATIN Ni JOEL O. AMONGO LUMAGPAS na umano sa kapangyarihan itong si Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa pag-uutos niya na iwasang singilin ang container deposits mula sa mga broker? Mas gusto raw kasi ng kalihim ay mag-subscribe na lamang sila sa Container Ledger Account (CLA). Ayon sa ating source, ang kalihim (Bautista) ay hindi maaaring magbigay ng bisa ng isang order na nagpapatibay ng CLA “ultra vires”. Ang Office of the Secretary (DOTr) ay mayroon lamang direct line supervision at kontrol sa regional offices ng kagawaran.…
Read MorePara protektahan local tobacco industries COMM. RUBIO DUMALO SA INT’L TOBACCO AGRICULTURAL SUMMIT
PALALAKASIN pa ng Bureau of Customs (BOC) ang kanilang kampanya upang labanan ang illicit tobacco trade, sa pamamagitan ng pagdalo sa International Tobacco Agricultural Summit ni Commissioner Bienvenido Rubio noong Agosto 3, 2023 sa Taguig City. Binigyang-diin ni Commissioner Rubio ang pag-adapt sa digital at data-driven processes bilang isang mahalagang diskarte upang palakasin ang integridad ng supply chain at tiyakin ang patas na kumpetisyon sa loob ng industriya ng tobacco. Sa kanyang presentasyon, inihayag ni Commissioner Rubio ang kanyang pasasalamat sa oportunidad upang irepresenta ang BOC at tinalakay ang napakalaking…
Read MoreOP, PAOCC, BOC SANIB PWERSA SA PAGRESOLBA NG PROBLEMA SA BALIKBAYAN BOXES
ISANG makabuluhang hakbang ang ginawa ng Bureau of Customs (BOC) patungo sa pag-alalay sa Overseas Filipino Workers (OFWs) sa kanilang pinaghirapang balikbayan boxes, sa pamamagitan ng mga estratehiyang pakikipag-partner sa Office of the President (OP) via Office of the Executive Secretary (OES), at Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC). Sa pagpupulong na isinagawa noong Agosto 3, 2023, sa Malacañang Palace, si Acting Deputy Commissioner Michael Fermin ng Internal Administration Group, kasama ang key BOC officials, ay nakipagkita kina Executive Secretary Lucas P. Bersamin at Presidential Anti-Organized Crime Commission Undersecretary Gilberto DC…
Read MoreP30-M EXPIRED MEAT, FROZEN GOODS NADISKUBRE SA CALOOCAN WAREHOUSE
NADISKUBRE ng Bureau of Customs (BOC) ang tinatayang P30 milyong halaga ng expired na karne at iba pang frozen goods sa isinagawang inspeksyon sa isang warehouse sa Caloocan City noong Agosto 1, 2023. Ang inspeksyon ay isinagawa ng mga ahente ng bureau, at mga kinatawan mula sa Department of Agriculture (DA), Philippine Coast Guard (PCG), at National Meat Inspection Service (NMIS). Kaugnay nito, inihayag ni Customs Commissioner Bienvenido Y. Rubio na ang ahensiya ay nangako sa pagprotekta sa mga hangganan ng bansa bilang pagsulong sa mga direktiba ni President Ferdinand…
Read More