BIZZNESS CORNER ni JOY ROSAROSO UNA, gusto nating batiin ng isang Masaganang Bagong Taon ang pamunuan ng Saksi Ngayon. Ano ang hinaharap ng ating ekonomiya ngayong 2024? Well, mukhang maganda ang simula natin ngayong taon dahil ipinasa ng Kamara ang national budget na P5,786 trillion para sa 2024 na ang halaga ay mas mataas ng 9.5 percent sa nakaraang taon. Ang pag-apruba sa HB 8980 o ang General Appropriations Act ay kasunod ng pagsertipika ni Pangulong Bongbong Marcos Jr. sa panukalang batas sa Kamara bilang ‘urgent’. Ito ang nagbigay daan…
Read MoreCategory: OPINYON
PAGBUHAY SA BICOL EXPRESS
TARGET ni KA REX CAYANONG SA unang pulong ng Maharlika Investment Corporation (MIC) noong nakaraang linggo, tila nagiging mas malinaw ang landas patungo sa modernisasyon ng rail industry sa bansa. Isang pangarap na isinusulong ni Bicol Saro Party-list Representative Brian Yamsuan na hindi matatawaran ay ang kahalagahan ng pamumuhunan sa iconic na Bicol Express. Ayon kay Yamsuan, ang paglago ng Bicol Express ay hindi lamang magbubunga ng mga oportunidad sa rehiyon ng Bicol, kundi maging sa buong Luzon. Isinusulong niya ang pangangailangan na muling itaguyod ang PNR-Bicol bilang isang moderno…
Read MoreHUWAG IPAGMALAKI ANG WALA PA
DPA ni BERNARD TAGUINOD MAPAPAILING ka na lang kapag ipinamalita ng gobyerno na nakaipon na raw sila ng P4 trilyong investment na nakuha ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanyang foreign trips mula nang naging Pangulo ito ng bansa. Malinaw na propaganda lang ito para bigyang katwiran ang kanyang mga biyahe na ginagastusan natin ng bilyong-bilyong piso, dahil ipinagmamalaki sa atin ang isang bagay na wala pa. Magandang pakinggan na may naipon siyang P4 trilyong halaga ng proyekto at negosyo na ipapasok ng mga negosyante mula sa mga bansang…
Read MoreKASONG GRAFT VS DENR CHIEF ISASAMPA SA OMBUDSMAN
PUNA ni JOEL O. AMONGO PINAG-AARALAN na ng legal team ng nasa isang libong magsasakang biktima ng malawakang land grabbing ng Yulo King Ranch sa mga bayan ng Coron at Busuanga, Palawan, ang pagsasampa ng kasong graft laban kay Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Ma. Antonina Yulo-Loyzaga dahil sa “CONFLICT OF INTEREST”. Si Yulo-Loyzaga ay nahaharap ngayon sa kontrobersiya dahil sa pag-angkin sa 40,000 ektaryang lupain sa dalawang nabanggit na bayan sa Palawan na inirereklamo ng mga magsasaka. Ayon kay Katipunan ng mga Samahang Magbubukid sa Timog…
Read MorePUV MODERNIZATION HINILING SUSPINDEHIN, ‘DI PA NAPAPANAHON – SEN. PIMENTEL
BALYADOR ni RONALD BULA UMAPELA si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pamahalaan na suspindehin ‘indefinitely’ o walang taning, ang PUV Modernization Program (PUVMP). Ayon kay Pimentel, sa ngayon ay hindi pa niya masasabing kailangan ang PUVMP dahil may kasalukuyan namang mga regulasyon tulad sa pagkontrol sa air pollution na siyang problema sa mga lumang jeepneys, na dapat ma-execute o maipatupad muna ng pamahalaan. Payo ng senador na magpreno muna ang gobyerno sa implementasyon ng programa at pansamantalang ipagpaliban ang ipinapataw na deadline tulad ng anim na buwan hanggang isang…
Read MoreWALANG DAPAT IPAGBUNYI
EDITORIAL BUMAGAL sa 3.9 percent ang inflation rate o bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo sa bansa nitong Disyembre 2023, ayon sa Philippine Statistics Authority. Mas mababa ito sa 4.1 percent inflation rate noong November 2023. Ang pagbagal ng inflation ay dahil sa mas mabagal na pagtaas ng singil sa kuryente, tubig, gas, pagbaba ng presyo ng housing at ng mga pagkain. Ikinatuwa ni Presidente Ferdinand Marcos Jr. ang magandang balita, at nangakong palalakasin pa ang agrikultura para mas maging abot-kaya ang presyo ng pagkain at…
Read MoreLIGTAS AT MAAYOS NA PAGDIRIWANG NG NAZARENO 2024
THINKING ALOUD ni CLAIRE FELICIANO MATAPOS ang tatlong taon, ibinalik na ngayong 2024 ang tradisyunal na pagdiriwang ng Pista ng Itim na Nazareno – na inaabangan ng mga deboto at pinaghahandaan naman ng mga awtoridad. Nitong nakaraang Sabado, nagsimula na rin ang ‘pahalik’ sa Nazareno sa Quirino Grandstand at sa araw ng kapistahan bukas, Enero 9, magbabalik ang Traslacion o ang prusisyon na magdadala pabalik sa simbahan ng Quiapo. Huling isinagawa ang Traslacion noong 2020 at tumagal ito ng 16 na oras, sinasabing isa na sa pinakamabilis na prusisyon para…
Read MoreKALINISAN PROJECT NG DILG AT SI CAPT. MONTE TOLENTINO
TARGET ni KA REX CAYANONG SA pagpapatupad ng bagong proyektong Kalinga at Inisyatiba para sa Malinis na Bayan o KALINISAN Project, ipinamamalas ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang kanilang matinding dedikasyon sa pangangalaga sa kapaligiran at pagpapahalaga sa kalinisan ng mga barangay sa buong bansa. Ang hakbang na ito ay naglalayong subaybayan, suriin, at bigyan ng parangal ang mga barangay na nagtataglay ng pinakamahusay na sistema ng kalinisan. Ang pagpapahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos sa nationwide simultaneous launching ng KALINISAN Project sa Baseco Compound sa…
Read MoreKUMAKATOK MULI ANG COVID-19 SA ATING KAPALIGIRAN
MY POINT OF BREW ni JERA SISON UNA sa lahat, nais kong bumati ng Maligayang Pasko at Manigong Bagong Taon sa inyong lahat. Harinawa’y mas magandang kinabukasan ang naghihintay sa Pilipinas ngayong 2024. Tamang tama ang paksa na pag-uusapan natin ngayon. Ako ay hindi nakapagsumite ng kolum ko noong nakaraang linggo at nitong Martes. Medyo masama ang pakiramdam ko at masakit ang ulo ko noong ika-23 ng Disyembre. Sabi ko nga sa sarili ko ay kung bakit sa mga panahon na iyon ay tila magkakasakit ako, dalawang araw bago mag-Pasko.…
Read More