SEAL OF GOOD LOCAL GOVERNANCE AT AYUDA SA MGA MANGINGISDA SA CAMARINES NORTE

TARGET ni KA REX CAYANONG NAGLALARO sa puso ng mamamayan ng Camarines Norte, lalo na sa mga bayan ng Basud at Paracale, ang kagalakan at pagmamalaki dahil sa tagumpay na tinamasa ng kanilang lokal na pamahalaan. Ang pagkakamit ng 2023 Seal of Good Local Governance ay hindi lamang tagumpay para sa kanilang mga lider, kundi para sa lahat ng mamamayan na nag-aambag sa pag-usbong at tagumpay ng kanilang komunidad. Sa kabuuang 493 Local Government Units (LGU) na iginawad ang prestihiyosong parangal na ito, lalong nagiging kakaiba at espesyal ang pag-angat…

Read More

REPASUHIN ANG LAHAT NG MULTA SA BATAS TRAPIKO

MY POINT OF BREW ni JERA SISON MUKHANG matagumpay ang kampanya ng MMDA laban sa pasaway na mga motorista na gumagamit ng EDSA bus lane. Ipinagbabawal na kasi ang paggamit ng nasabing bus lanes upang mabigyan ng prayoridad ang commuters na dumaraan sa EDSA araw-araw. Noong ika-16 ng Marso 2020, sinimulan ang tinatawag na EDSA bus carousel kung saan istriktong gagamitin ang kaliwang bahagi ng EDSA ng mga pampublikong bus at ambulansya, sasakyan ng mga bumbero at pulisya. Ang diwa ng nasabing polisiya ay pang-emergency lamang. Subalit tila inabuso ito…

Read More

ANG LIDERATO NI PBGEN. PAUL KENNETH LUCAS AT ANG PAGPAPALAKAS NG SEGURIDAD SA REGION 4-A

TARGET ni KA REX CAYANONG SINASABING sa pag-usbong ng mga hamon sa seguridad sa rehiyon, isang pangalan ang bumubukas ng mga pinto ng pag-asa at tapang — si Police Brig. Gen. Paul Kenneth Lucas, ang director o tagapamahala ng Calabarzon Police (Region 4-A). Sa ilalim ng kanyang mahusay na pamumuno, nagiging mas matibay ang pundasyon ng seguridad at kapanatagan sa rehiyon. Sa pagpapatupad ng mga proyektong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan, nakita natin ang pagkakaroon ng malasakit ni Lucas sa komunidad. Ipinakita niya ang pangangalaga sa mga programa na naglalayong…

Read More

MABOBOKYA TAYO SA ITLOG

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBIBENTA na raw ng per kilo ang itlog? Inirekomenda ng isang mambabatas na gawing per kilo ang bentahan ng itlog para magkaroon ng pamantayan na timbang para sa sukat at presyo ng itlog. Sinakyan ng mambabatas ang pahayag ng Department of Agriculture na nagkakaroon ng dayaan sa bentahan ng itlog dahil hindi alam ng mga konsyumer paano naitakda ang presyo ayon sa sukat nito. Dahil din daw sa reklamo ng mga mamimili sa kalituhan sa tamang presyo at laki ng binibili nilang itlog kaya nagkaroon ng…

Read More

HAO SHIAO

DPA ni BERNARD TAGUINOD SA lahat ng propesyon ay may tinatawag na mga hao shiao, pero ang katagang ito ay sa aming propesyon sa pamamahayag. Eto ‘yung mga pekeng reporter na wala namang pinagsusulatan pero nasa mga beat at umiikot sa mga opisyales ng gobyerno. Kahit sa mga lawyer, doctor at maging sa Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ay may mga hao shiao o nagpapanggap na mga abogado, doctor, pulis at military. Marami na ang naging biktima ng mga hao shiao na abogado, doctor,…

Read More

MAHALIN ANG KALIKASAN

PUNA ni JOEL O. AMONGO “HINDI masama ang pag-unlad, basta hindi nakasisira sa kalikasan”, ang kantang ito na inawit ng isang grupong maka-kalikasan, ang dapat iparinig sa mga kumpanya na patuloy na sumisira sa ating kapaligiran. Tulad na lamang ang tinutukoy ng Center for Energy, Ecology, and Development’s (CEED), ang coal-impacted sites sa Atimonan at Pagbilao sa Quezon at Maasim, Sarangani na lumampas sa local at international air quality. Paglalantad ito sa komunidad na magpapataas ng mga panganib sa kapaligiran at banta sa kalusugan mula sa maruming fossil fuels. Ayon…

Read More

OPERASYON NG SMNI, PINASUSUSPINDE

BALYADOR ni RONALD BULA PINASUSUSPINDE ni PBA Party-list Rep. Margarita Nograles sa National Telecommunications Commission (NTC) ang operasyon ng Sonshine Media Network Inc. o SMNI. Sa inihaing House Resolution 1499, binigyang-diin ni Nograles na nakagawa umano ng paglabag ang SMNI sa “terms and conditions” ng kanilang prangkisa sa ilalim ng Republic Act 11422. Tinukoy sa resolusyon na hindi umano natupad ng SMNI ang mandato nito na huwag gamitin ang kanilang istasyon o pasilidad sa pagpapakalat ng “false” o maling mga impormasyon. Kasama rin dito ang paglalabas ng balanced o patas…

Read More

AQUACULTURE SA BICOL MAS PALALAKASIN NG DA-BFAR

TARGET ni KA REX CAYANONG GUMAGAWA ng malalim na hakbang ang Department of Agriculture-Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (DA-BFAR) sa pagbuo ng potensyal ng aquaculture sa rehiyon ng Bicol. Isa sa kanilang proyekto ay ang pagtatatag ng village-level mangrove crab hatchery at sanctuary sa Barangay Agojo, San Andres, Catanduanes. Kung hindi ako nagkakamali, layunin ng inisyatibong ito na itaguyod ang Republic Act 10857 o mas kilala bilang “An Act Establishing Mangrove Crab Seed Banks, Nurseries, and Grow-out Production Farms in the Province of Catanduanes.” Si BFAR National Director Atty.…

Read More

CORRUPTION IBINUBUKO NG KALAMIDAD

DPA ni BERNARD TAGUINOD MARAMI ang nangangamba na kapag dumating ang kinatatakutang “The Big One” sa National Capital Region (NCR) ay 48,000 ang magiging casualties at $48 billion ang masisirang mga ari-arian at imprastraktura. Maaaring lalo na sa imprastraktura dahil animin na natin, maraming kabalbalan ang ginagawa sa mga proyektong imprastraktura, hindi lang sa national level, kundi maging sa mga local level ay malala. Ang tagal na nating naririnig na may mga congressman ang nanghihingi ng komisyon sa bawat proyektong inuuwi nila sa kanilang distrito at mga senador na naglalagay…

Read More