PLEDGES NA NAMAN AT SRP SA NOCHE BUENA

CLICKBAIT ni JO BARLIZO NAGKAROON ng bahagyang pagbaba ang bilang ng mga pamilyang nagugutom sa Pilipinas sa Q3 ng 2023, batay sa survey ng Social Weather Stations (SWS). Nasa 9.8% ng pamilyang Pilipino ang nakaranas ng involuntary hunger – nakaramdam ng gutom at walang kahit anong makain sa nakaraang tatlong buwan, ayon pa sa survey. Ang 9.8% na naitala nitong Setyembre ay mas mababa sa 10.4% na naitala noong Hunyo 2023 pero kahalintulad ng 9.8% na pigura noong Marso 2023. Teka, sa Visayas at mga lugar pala sa Luzon na…

Read More

SOLONS HUMIHIRIT NG VIP TREATMENT SA KALSADA?

DPA ni BERNARD TAGUINOD ANG lansangan ay hindi ginawa para sa pribilehiyo ng iilan, lalo na sa mga politiko, pero alam niyo ba na humihingi raw ng exemption ang mga congressman sa traffic rules para ‘di maapektuhan ang pagganap nila sa kanilang trabaho? Nabuko ito sa sulat ni House Secretary General Reginald Velasco para sabihan sila ukol sa pagpapa-recall ng protocol plates sa nakaraang mga Kongreso bago sila isyuhan ng plakang 8 para ngayong 19th Congress. “We will make presentation with the MMDA (Metro Manila Development Authority) to give due…

Read More

BI NABULABOG KAY REMULLA

BISTADOR ni RUDY SIM MARAMI ang nagulat ilang araw na ang nakaraan, nang direktang banatan at isiwalat sa harap ng media ni Department of Justice (DOJ) Secretary Boying Remulla ang natuklasang katiwalian sa ahensyang nasa ilalim ng kanyang kapangyarihan, ang Bureau of Immigration (BI). Tinukoy ni Remulla na nakarating sa kanyang kaalaman ang tungkol sa nakalulusot na pag-issue ng ahensya sa Chinese nationals ng resident at working visa sa mga ito, gamit ang pekeng kompanya. Isa ang alien employment permit sa mga requirement sa pagkuha ng 9g o working visa…

Read More

PASKONG TUYO NAGHIHINTAY SA PUJ DRIVERS/OPERATORS

PUNA ni JOEL O. AMONGO IMBES na aguinaldo ngayong Pasko ang matatanggap ng Public Utility Jeep (PUJ) drivers at operators mula sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., ay mawawalan ng pagkakakitaan ang mga ito. Ayon kay Gabriela Party-list Rep. Arlene Brosas, itutuloy ng gobyerno ni Marcos na walisin sa mga kalsada o i-phase-out ang mga traditional jeepney pagdating ng Disyembre 31, 2023. “Ito ang pamaskong handog ng ating gobyerno: malawakang kawalan ng trabaho at kabuhayan,” pahayag ni Brosas. Sinabi pa ng mambabatas, wala nang atrasan ang Public Utility…

Read More

CASA MUÑOZ RESORT

Bizzness Corner ni JOY ROSAROSO TALAGANG nauuso ang tinatawag na ‘staycation’ sa mga madidiskarteng gustong magnegosyo katulad ni Mang Armando Muñoz na dating caretaker sa loob ng 70 taon, sa napakalaking lupain sa Tiaong, Quezon. Pero dumating na sa punto na gusto na ng may-ari na ibenta ang lupain at isa si Mang Armando sa priority niyang makabili dahil alam ng may- ari na hindi mapababayaan ang lupang may halaga sa kanilang pamilya, dahil mula’t sapul itinuring ng sariling pag-aari ito ni Mang Armando. Ngayon nga ay nabili na ni…

Read More

ANG KATOTOHANAN SA PAG-ALIS NI RAMON TULFO SA 1NATURALEZA AT RTT CARGO

RAPIDO ni PATRICK TULFO NITONG Martes ng tanghali lang ay kausap ko ang aking ama na si Ramon Tulfo Jr., ang dating CEO ng networking na 1Naturaleza na pag-aari ni Maribel Galindez. Si Maribel Galindez ay isang networker mula sa Powerhomes at ito ngang 1Naturaleza, ay kanyang itinatag maraming taon na ang nakararaan. Sa basbas na ibinigay sa akin ng aking ama, ilabas ko na raw ang tunay na dahilan ng kanyang pag-alis sa mga kumpanya ni Galindez kung saan siya ay inilagay bilang CEO o bilang mukha ng kanilang…

Read More

PAGPAPALAWIG NG TERMINO NG BSK OFF’LS ISINULONG NI CONG. CORVERA

TARGET ni KA REX CAYANONG NAKABATAY sa pangangailangan ng mas mahaba at mas maayos na serbisyong pampubliko. Ito ang isinusulong ni Agusan del Norte 2nd District Representative Dale Corvera para sa pagsasaayos sa termino ng mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) sa ilalim ng House Bill 9557. Ang pagtataas ng term limit mula sa kasalukuyang tatlong taon patungo sa limang taon, kasama ang dalawang sunod-sunod na termino, ay may layuning itigil ang patuloy na pagpapaliban sa BSK elections. Layunin din nito na bigyan ang mga opisyal ng Barangay…

Read More

KUNG KAILAN MAGPAPASKO

DPA ni BERNARD TAGUINOD PANSIN n’yo ba kung kailan magpapasko ay saka nagkakaroon ng sakuna sa ating bansa? Binalikan ko ang mga sakunang dumaan sa Pilipinas sa nakaraang mga taon tulad ng bagyo at lindol na pawang nangyari sa “ber months” kung kailan pinaghahandaan ng mga tao ang pagdating ng Pasko. Ginawa ko ito dahil noong Biyernes, November 17, ay niyanig ng lindol ang Sarangani, General Santos City at karatig na mga lalawigan na nag-iwan ng 9 patay at 776 ang naospital at malamang sa malalang, tulad ng mga biktima…

Read More

PULITIKANG PINOY WALANG PERMANENTENG KAKAMPI

PUNA ni JOEL O. AMONGO MAHIGIT isang taon pa lang ang nakalipas na 2022 national at local elections at malayo pa ang susunod na 2028 presidential election, ay tilang nagbabangayan na ang mga dating magkakampi. Kamakailan, mismong sa ilalim ng Lakas-CMD party na pinamumunuan ni dating pangulo at kasalukuyang Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo, ay nagsimula na ang hindi pagkakaunawaan. Nasa ilalim din ng partidong ito sina Vice President Inday Sara Duterte at House of Representatives Speaker Martin Romualdez. Sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at Speaker Martin Romualdez ay nagkaroon ng…

Read More