4 BABAENG CHINESE NATIONALS, IKINULONG NANG WALANG KASO

RAPIDO NI PATRICK TULFO KINUKWESTYON ngayon ang Parañaque City PNP (Philippine National Police) dahil sa paghuli at pagkulong sa apat na Chinese nationals na kinilalang sina Miao Ying, Hu Yi, Ling Lang Ping at Li Huanhuan. Dinakip ng Parañaque City PNP ang nasabing mga dayuhan noong Setyembre 16 dahil sangkot umano ang mga ito sa prostitusyon. Ang nakapagtataka dito ay hanggang sa ngayon ay wala pang naisasampang kaso laban sa mga ito kung totoo silang may ilegal na ginagawa sa bansa. Sa sulat na ipinadala ng abogado ng mga dayuhan…

Read More

PILIPINAS ‘DI DAPAT MAGPA-BULLY SA CHINA – TULFO

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) WALANG karapatan ang China na pagsabihan ang Pilipinas na umayos sa sarili nating teritoryo. Ito ang naging reaksiyon ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo sa panawagan ng China sa Pilipinas na huwag magsimula ng gulo sa Bajo de Masinloc sa Zambales. Ang pahayag ng mga Tsino ay nag-ugat sa ginawang pagtanggal ng Philippine Coast Guard (PCG) sa floating barrier na inilagay nila para hindi makapangisda sa lugar ang mga mangingisdang Pilipino. Sabi ni Tulfo, “Kahit ano pa ang itawag nila sa…

Read More

PAIKOT-IKOT LANG TAYO SA TAAS-PRESYO NG BIGAS

CLICKBAIT ni JO BARLIZO IBINASURA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mungkahing bawasan ang taripa o buwis sa imported na bigas upang mapababa ang presyo ng lokal na bigas sa mga pamilihan. Hindi raw ito ang tamang panahon para ibaba ang taripa sa imported na bigas dahil sa tantiyang bababa ang presyo nito sa pandaigdigang merkado. Aba, nahimasmasan ata ang Pangulo at mas sinilip at kinatigan ang panawagan ng ilang grupo ng magsasaka kaysa bulong ng kanyang economic managers. O gusto lang niyang magpapogi dahil malinaw na bumabagsak na ang…

Read More

ANAK NA NAGTUNGO SA BRUNEI NOONG 2006, ‘DI NA NAGPARAMDAM SA MGA MAGULANG

PUNA ni JOEL O. AMONGO NAGHIHINAGPIS ngayon ang isang 67-anyos na nanay matapos na mawalan sila ng balita sa kinaroroonan kanyang anak na nag-abroad sa bansang Brunei mula pa noong taong 2006 hanggang ngayon. Sa madamdaming pahayag ni Nanay Milagros Laxamana, residente ng Brgy. San Pablo, Magalang, Pampanga, sinabi niyang umalis ang kanyang anak na panganay na si Madela Calaguas Laxamana, 37-anyos na ngayon, na nagpunta sa Brunei noong Abril 19, 2006. Nauna rito, sinabi ni Nanay Milagros na ang kanyang anak na si Madela ay inalok ng isang Malaysian…

Read More

BAKIT ANG DAMING ADIK SA CIF?

DPA ni BERNARD TAGUINOD MUKHANG nagkalat at dumarami ang mga adik, hindi sa illegal na droga, kundi sa confidential at intelligence funds (CIF) sa gobyerno dahil biglang naghingian ang mga ahensya ng pondong ito kahit wala silang kinalaman sa intelligence gathering. Dahil ba kapag sinabing confidential at intelligence funds ay hindi na binubusisi ng Commission on Audit (COA) kung papaano nila ginamit ang pondong iyan kaya puwede nilang gamitin kung saan lang nila gusto….wala namang auditing eh, ‘di ba? Hindi biro ang mahigit P10 billion na CIF na hindi alam…

Read More

PANIBAGONG ONLINE SCAM ISINUMBONG SA AMIN

RAPIDO ni PATRICK TULFO MULI na naman kaming nakatanggap ng mga reklamo na may kinalaman sa online scam. Ayon sa complainants na nanggaling pa sa lalawigan ng Bulacan, nakilala nila ang umano’y scammer sa pamamagitan ng social media. Ang scam ay tinawag na paluwagan kung saan ang perang ipinasok ng mga biktima ay malaki ang tubo. And since I am no stranger to scams, pinagsabihan po ng inyong lingkod ang mga biktima na tinawag kong “willing vicitims”. Dahil kahit na alam ng mga ito ang panganib na kanilang pinasok ay…

Read More

MGA SCAMMER HINDI NAYANIG SA SIM REGISTRATION

CLICKBAIT ni JO BARLIZO PATULOY sa pagtaas ang kaso ng online scam sa kabila ng pagkukumahog noon ng gobyerno na magparehistro ang lahat ng SIM subscribers. Sabi mismo ng PNP-Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG), ang online scams ang nangunguna sa top 10 cybercrime cases ng PNP ngayon. Maliwanag na palpak ang gobyerno at telecom companies. Nagbigay pa sila ng ultimatum para magrehistro ng mga SIM ‘yun pala hindi rin nila matatapos ang problema. Ngayon ay humihiling na rin ang Department of Information and Communications Technology (DICT) ng P300 million na confidential funds…

Read More

DOK GEE LUMBAD AT CONG. AMANTE NAGPAULAN NG AYUDA

DI KO GETS ni ANDREW CAYANONG (GUEST COLUMNIST) WALANG tigil si Dra. Geleen “Dok G” Lumbad sa paghahatid ng serbisyo sa kanyang nasasakupan. Mahal na mahal ni Dok G ang mga taga-Distrito 3 na kanyang pinaglilingkuran. “Madalas po ang pagsama ng panahon at kamakailan lamang ay nagkaroon po ng smog. Mas dobleng pag-iingat po ang kailangan lalo na sa ating kalusugan,” paalala niya sa mga taga-distrito. Dahil mahalaga sa kanya ang kalusugan ng mga residente, ang #TeamDOKG ay tuloy-tuloy na nagbibigay ng buwanang supply ng maintenance at vitamins sa mga…

Read More

HIGIT P27-B GINASTA SA PROYEKTONG PURO ABERYA

EDITORIAL NASA 81 milyong Pilipino na ang nagparehistro sa PhilSystem, ngunit 39.7 milyon pa lamang ang nakatanggap na ng kanilang physical identification cards habang nasa 41.2 milyon naman ang naisyuhan ng ePhilID na naimprenta sa papel o digital version ng PhilSys cards. Ayon kay PSA head Claire Dennis Mapa, aabutin pa ng hanggang Setyembre 2024 bago makumpleto ng PSA ang paghahatid ng physical national ID cards sa mga Pinoy na nagparehistro sa PhilSys. Dahil dito, nag-aalala ang ilang mambabatas sa pagkaantala ng paggawa ng card at ang hindi pagkilala ng…

Read More