45TH PBA UMATRAS SA NCOV

SA halip na sa Marso 1, sa Marso 8 na magsisimula ang 45th season ng PBA dahil pa rin sa novel coronavirus (nCoV) outbreak.

Sinabi ni PBA commissioner Willie Marcial, ang naging desisyon nila ay para na rin sa kapakanan ng stakeholders at fans ng liga.

Dahil dito, sa Mar. 8 na rin gaganapin ang Leo Awards sa Smart-Araneta Coliseum.

“It’s a preventive measure against nCoV. It’s now in place and will be implemented. The safety of our fans, teams, players and officials remain to be our utmost priority,” giit ni Marcial.

Tiniyak niya rin na tuloy na tuloy ang opening game ng five-time defending champion San Miguel at Magnolia sa Big Dome.

Kinansela rin ng PBA ang pagbubukas ng D-League sa Marso 2, mula sa orihinal na Pebrero 13, dahil sa nCoV scare.

Sa Paco Arena pa rin gaganapin ang PBA developmental league.

92

Related posts

Leave a Comment