TITULO NADEPENSAHAN NI TADURAN

BITBIT pa rin ni Pedro Taduran ang International Boxing Federation (IBF) mininumweight crown sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.
Ito’y matapos mauwi sa technical draw ang title defense niya kay Daniel Valladares ng Mexico, Linggo (Manila time) sa Jardin Cerveza Expo Guadalupe.

Ang Mexican challenger ay nagtamo ng malalim na putok sa ibabaw ng kanang kilay sanhi ng accidental head clash sa unang round lang at idineklarang hindi ‘non fit’ para ipagpatuloy pa ang laban matapos ang apat na round.

Nang itigil ang laban, ang iskor ng tatlong hurado ay: 39-37 (Valladares) at dalawang 38-38.
Dahil dito, ang record ni Taduran ay 14-2-1 (11 KOs) na ngayon, habang si Valladarez ay 22-2 (13 KOs).
Si Taduran ay isa lamang sa apat na world champion ng Pilipinas kasama sina Manny Pacquiao (WBA welterweight), Jerwin Ancajas (IBF flyweight) at Johnriel Casimero (WBO bantam). (VT ROMANO)

171

Related posts

Leave a Comment