UP LADY MAROONS UNA SA FINALS

UP LADY MAROONS.jpg

(Ni VT ROMANO)

IBINULSA ng University of the Philippines ang unang finals berth nang dominahan nito ang De La Salle-Dasmarinas sa straight sets (25-21, 25-12, 25-22) sa Philippine Superliga Collegite Grand Slam, Sabado sa Filoil Flying V Center sa San Juan City.

Kahit hindi nakapaglaro si Tots Carlos na mahalaga sa koponan, ipinamalas pa rin ng Lady Maroons ang impresibong laro na nauwi sa pagkatalo ng Lady Patriots sa loob ng 68 minuto.

Nagdeliber sina Caryl Sandoval ng 11 points, Jessma Ramos at rookie Nicole Magsarile na tig-9 puntos para sa Lady Maroons na tinapos ang prelims sa 4-1 win-loss card.

Habang sina Marist Layug, Lorie Bernardo at Justine Dorog ay nag-ambag ng tig-anim na puntos.

“It’s a good feeling to be in the finals. [B]eing in the finals makes a team and a coach feel and learn how to win and in the finals its do or die, lose or win,” komento ni UP head coach Godfrey Okumu.

Sa unang laro, natapos sa five-set thriller ang laban ng Far Eastern University at University of the East kung saan nanaig ang Lady Tams (14-25, 25-23, 16-25, 25-18, 15-13) para maputol ang three-game slide tungo sa 2-3 win-loss card.

Ang title match ng collegiate event ay magaganap sa Disyembre 20 sa MOA Arena.

 

 

515

Related posts

Leave a Comment