PHILCO HUMAN RESOURCES, TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Isang sumbong ang aking natanggap sa pamamagitan ni Ako OFW Bukidnon Chapter President Anna Mahinay. Ang sulat ay mula kay Raquel Arabe na isang OFW mula sa Jeddah Saudi Arabia. Siya ay nakarating sa Jeddah, K.S.A. noong February 15 sa pamamagitan ng PHILCO Human Resources Services Corp. Diumano, si OFW Arabe ay minamaltrato ng kanyang amo at sa katunayan ay tatlong beses na ikinulong sa kwarto. Dahil sa mga pagmamaltrato na kanyang nararanasan, ay tuluyan nang nanghihina ang kanyang katawan at tuluyan nang nagkasakit. Ngunit kahit alam ng kanyang amo…

Read More

SINIPA AT KINALMOT NI MADAM; PHILCANGO WALA PA RIN AKSYON

AKO OFW

MULI na namang hu­mingi ng tulong ang ating kabayani na si Gloria Aguilar dahil sa patuloy na kawalan ng aksyon ng kanyang ahensya na Philcango International Recruitment Services, Inc. Si OFW Aguilar ay nakarating sa Riyadh, Saudi Arabia noong May 13, 2018. Ayon sa sumbong na ipinarating sa pamamagitan ng ating Ako OFW welfare volunteer na si Aiysha Consuelo, si OFW Aguilar ay nakararanas na diumano ng pagmamaltrato at hindi binibigyan ng sapat na pagkain. Halos pangkaraniwan na ang pagsasalita ng mga masasakit na pagmumura ng kanyang employer. Ipinadala rin ni OFW Aguilar ang…

Read More

MGA AHENSYANG DEADMA SA PANAWAGAN NG OFWs, DAPAT NANG DISIPLINAHIN NG POEA

AKO OFW

Patuloy pa rin ang panawagan ng ating kabayani na itinago natin sa pangalan na “Em-em Pie” sa aking kolum nuong Oktubre 13. Sobrang takot sa bantang puputulan sIya ng daliri at pupunitin ang kanyang pasaporte kaya sIya ay humingi ng saklolo sa Ako OFW at sa kanyang ahensya. Ngunit, makalipas ang isang lingo ay hindi pa rin binibigyan ng aksyon ng Dream Builders Manpower Corp. ang kanyang panawagan na siya ay bigyan ng tulong na makaalis na sa kanyang mapang-abusong employer bagama’t ito ay naiparating na sa kanilang kaalaman. Ipinakiusap…

Read More

OFW TINAKOT NA PUPUTULAN NG DALIRI; DREAM BUILDERS INT’L MANPOWER TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

LABIS-LABIS na takot ang nadarama ngayon ng isang OFW na nasa Kuwait dahil sa banta ng kanyang employer na puputulin ang kanyang daliri at pupunitin ang kanyang passport sa oras na siya ay magreklamo at magsumbong. Ito ang ang ipinarating sa Ako OFW ng kabayani natin na itago natin sa pangalan na “Em-em Pie” na kasalukuyang nasa bansang Kuwait. Siya ay nakarating sa Kuwait sa pamamagitan ng Dream Builders Int’l Manpower Corp.  noong Nobyembre 19, 2018. Ang lahat ng gastusin kasama ang kanyang uniporme at pagkain ay sa kanyang suweldo…

Read More

TINUSOK SA TAINGA, DINURAAN SA MUKHA, IKINULONG NG AMO SA RIYADH

AKO OFW

Ang hindi na matagalang physical at verbal abuse ang nagtulak sa isang overseas Filipino worker (OFW)  na humingi ng tulong sa Ako OFW. Sa sumbong ng ating kabayan na si Lady Lee Mangindel Bautista na noong nakaraang buwan ay pinisil ng kanyang among babae na kung tawagin niya ay madam ang kanyang panga dahil sa sobrang galit at saka siya sinuntok sa braso na hindi naman nagpasa kaya walang patunay na bakas. Binantaan din umano siya nito na puputulin ang kanyang dila kapag nagsumbong o kapag kanyang kinausap ang amo…

Read More

TANGKANG RAPE AT BAWAS-SWELDO, INIREREKLAMO SA LMB WORLDWIDE SERVICES

AKO OFW

Matinding takot na tuluyang magahasa ang naging dahilan kung bakit humingi ng tulong sa Ako OFW ang ating kabayani na si Genelyn Domingo. Ayon sa sumbong na ipinarating sa akin sa pamamagitan ni Ako OFW Social Service Officer Aiysha Consuelo, si OFW Domingo ay dumating sa Saudi Arabia noong Enero 24 lamang. Siya ay dumaan sa tamang proseso sa POEA sa pamamagitan ng LMB Worldwide Services na may tanggapan sa M. Orosa, Malate, Maynila. Ayon sa salaysay ni OFW Domingo: “Noong March 2019 ay hinipo ng kapatid ni madam na…

Read More

OFW TINANGKANG GAHASAIN; ORTIZ AGENCY TINATAWAGAN NG PANSIN

AKO OFW

Sa muling pagbubukas ng ating Bantay OFW Help Center na isang proyekto ng AkoOFW ay muli kong sisimulan ang paglathala ng mga sumbong o paghingi ng tulong ng ating mga kabayani na nasa ibang bansa. Unang kaso na ating ilalathala ay ang hinihi­nging tulong ng isang OFW na nasa Jeddah na itatago natin sa pangalan na JB Lidem. Siya ay dumating sa bansang Saudi Arabia noong May 23, 2019 sa pag-aasikaso ng kanyang ahensyang Ortiz Agency & Employment Services Inc. Ayon kay Lidem ay pinagtangkaan siyang gahasain ng kanyang employer.…

Read More

AKOOFW TELERADYO, INILUNSAD PARA SA MGA OFW

AKO OFW

Pormal nang inilunsad ang AKOOFW Teleradyo na mapapanood at maririnig sa pamamagitan ng livestream sa Facebook page na AkoOFW Inc. at pati na rin sa YouTube channel na AKOOFW Teleradyo. Araw-araw na itong mapapanood simula ika-6 ng gabi upang magkaroon ng pagkakataon ang mga OFW na makasali sa mga programang inihahatid ng mga batikan sa online broadcasting. Layunin ng AKOOFW Teleradyo na mas lalong makinig sa himpapawid ang lahat ng mga OFW at maging ang mga pamilya nito saan mang sulpok ng mundo. Sa unang sultada ng programa ay mapapanood…

Read More

REP. ALEXIE TUTOR, BAGONG SANDALAN NG OFWs

AKO OFW

Hulog ng langit na maituturing ang pagkakataon na personal kong makilala ang representante ng 3rd District ng Bohol na si Congresswoman Kristine Alexie B. Tutor. Setyembre 18, 2019 noong una ko s’yang makilala sa kalagitnaan ng Joint Congress Hearing para balangkasin ang mga panukala sa pagbubuo ng Department of OFW. Personal n’ya akong kinausap upang isangguni ang problema ng isa niyang kababayan na biktima ng sexual harassment na nasa bansang Jordan. Dahil sa kanyang pakiusap, ay agad ko itong pinatulungan kay Admin Hans Cacdac na sa loob lamang ng ilang…

Read More