SALAULA TAYONG MGA PINOY (PART 1)

BAGWIS

Nitong nakaraan na holiday ay nagkaroon tayo ng pagkakataon na makapamasyal sa mga sikat na pasyalan sa ating bansa. Pinuntahan natin ang napakagandang bayan ng Banaue at ang mabundok na bayan ng Sagada. Nakapunta rin tayo sa isla ng Bantayan na halos wala nang matuluyang hotel dahil sa dagsa ng mga namamasyal na mga turista. Sa ating ginawang paglalakbay, dito ko napagtanto na napakarami pa rin talaga sa ating mga kababayan ang salaula at sadyang walang modo. Ang mas masaklap ay mukha namang may mga pinag-aralan ang mga ito at…

Read More

DAPAT AY MAGNILAY-NILAY SI ANDAYA

BAGWIS

Elib din talaga ako kay Camarines Sur Rolando Andaya. Hanggang sa huli ay may pagpipilit pa rin ito sa 2019 national budget. Matapos i-veto ni Pa­ngulong Duterte ang mga insertions nitong grupo ni Andaya ay may panga­ngatwiran pa ito. Gusto pa niyang magbigay ng detalye ang pangulo sa mga binurang mga alokasyon sa budget na may insertions si Andaya at naisantabi ang natapos nang budget sa ilalim ng pamumuno noon ni dating House Appropriations Chair at ngayo’y Cabinet Secretary Karlo Nograles. Mukhang may paglabag sa Saligang Batas ang ginawang amendment…

Read More

ISYU SA PAG-IISYU NG VISA

BAGWIS

Kapansin-pansin na talaga ngayon ang pagdami ng mga Mainland Chinese sa ating bansa. Kapag napadpad ka sa Parañaque, tiyak na makakasalamuha mo ang napakaraming mga Chinese. Maging sa mga office buildings lalung-lalo na sa bandang Macapagal Avenue ay sangkaterba ang mga Chinese. Halos okupado rin ng mga Chinese ang mga condominium sa gawing ito ng Metro Manila at tila nasa bansang China ka na kapag nagagawi ka rito. Sa totoo lang, wala naman sanang isyu rito at bagkus ay dapat nga tayong magpasalamat dahil dinarayo tayo ng mga dayuhan. Ibig…

Read More

NAGBABAYAD BA NG TAX ANG SAMGYUPSALAMAT AT ROMANTIC BABOY?

BAGWIS

Usung-uso ngayon ang mga unlimited na chibug sa mga Korean barbeque restaurants at ilan sa mga dinadagsa ay itong Samgyupsalamat at Romantic Baboy. Maaga pa lang ay dagsa na ang mga tao sa mga iba’t ibang branch ng mga restaurant na ito dahil kung malakas kang lumamon ay sulit na sulit ang bayad mong wala pang P500 kada tao. Bagong konsepto pa lang sa Pinas itong mga sam­gyupsal restaurant. Nauso lang ito dahil na rin sa dami ng mga Koreano ngayon na piniling manirahan dito sa Pilipinas. Ayon na rin…

Read More

ITULOY ANG CENTRALIZED TERMINAL SYSTEM SA MGA PROVINCIAL BUS

BAGWIS

Pabor tayo sa plano ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na maglagay na lang ng common terminal sa bawat dulo ng Kamaynilaan para sa ating mga provincial bus. Ito naman kasi ang nararapat na sistema dahil talaga namang perwisyo ang dulot ng mga ito lalo na kapag humihimpil sa kanilang sari­ling terminal. Halos araw-araw ay umiinit ang aking bumbunan dahil sa mga provincial bus na may mga terminal sa bandang Taft Avenue malapit sa Buendia dahil pati kalsada ay inaangkin na nila at tinatambayan. Ang resulta ay napakatinding traffic samantalang…

Read More

BAKIT PINAG-IINITAN ANG ATING MGA TINT?

BAGWIS

MAUGONG ngayon ang usapan sa social media tungkol sa plano ng PNP-Highway Patrol Group at ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na ipagbawal ang paggamit ng madidilim na tint sa ating mga sasakyan. Maliban kasi sa nahihirapan di-umano ang ating mga traffic enforcer na ipatupad ang Anti-Distracted Driving Act (ADDA) dahil sa mga madidilim na tint sa mga sasakyan, isa umanong banta sa kalig-tasan at kapakanan ng mga motorista itong mga tint na inilalagay sa ating mga sasa-kyan. Wala naman sana tayong problema sa planong ito ng HPG at ng…

Read More

DRUG WAR

BAGWIS

Sa kabila ng tinatawag na drug war ng pamahalaan, tila ‘di naman nababawasan ang dami ng mga adik at mga tulak ng ilegal na droga. Maging si Pangulong Digong ay umamin na nahihirapan ang kanyang pamahalaan na tuluyan nang wakasan ang paglipana ng mga ipinagbabawal na gamot sa ating mga pamayanan. Sa totoo lang, madaling sabihin ngunit napakalabong mangyari na magiging drug-free ang Pinas sa ilalim ni Pa­ngulong Digong o nang kung kanino mang administrasyon. Kahit araw-araw na pagpapatayin ang mga piyait na tulak ay hindi mauubos ang suplay ng…

Read More

TRAK NI KAMATAYAN

BAGWIS

MALIBAN sa mga motorsiklo, itong mga dambuhalang trak ang madalas na dahilan ng mga malalagim na sakuna sa kalsada. Malimit na dahilan ng mga driver kapag nakakapanayam ng media ay nawalan sila ng preno kaya’t nawalan sila ng kontrol sa kanilang minamanehong trak. Sa araw-araw nating karanasan sa kalsada, kapansin-pansin na halatang napapabayaan at kulang sa tamang maintenance ang mga naglalakbay na trak sa ating mga lansangan. Kung hindi mausok at halatang palyado ang mga makina ay maaamoy mo na gastado na ang clutch lining ng mga ito. Kitang-kita rin…

Read More

MAG-INGAT SA ONLINE SHOPPING

BAGWIS

HABANG lalong nagiging popular sa ating mga Pinoy ang mga online shopping application sa ating mga computer at mobile phone ay lalo ring dumarami ang mga scammer na pumaparaan upang lokohin ang ating mga kababayan. Ang mas masaklap, napasukan na rin ng mga scammer ang mga lehitimong mga online shopping platforms na gaya ng Lazada at Shoppee kaya napakarami sa ating mga kababayan ang nagogoyo. Bagama’t marami namang mga maayos na mga transaksyon sa online shopping at nade-deliver naman nang maayos ang mga pinamimili ng mga kababayan natin, may mga nakakalusot pa ring mga panloloko.…

Read More